Chapter 5

321 10 6
                                    

(PAKO'S POV)

Pako Elliot Meneses nga pala. Hi mga teh! Ayyy.. Ano ba to? Ang ganda ng bungad ko noh? Pasensya na mga tsong. Si Sandy kasi e, makahabol wagas! Nakita niyo na, kahit magbading badingan, gwapo pa rin ako?

Wala e. Habulin talaga. :)

Sa totoo lang, kahit kailan hindi ako nagseryoso sa mga babae. Sus! Mga yan? Waste of time! Puro pa-charming lang alam tapos mangiiwan din naman. Bitter ba? May pinanghuhugutan?

Teka, bakit nga ba ang init ng dugo ko sa mga babae? Hmm, siguro kasi dahil yon sa pagiwan sakin ng nanay ko. Deads na erpats ko kaya nga kila insan RR na lang ako nag stay.

Medyo nagbago lang yung pananaw ko pagdating sa mga babae simula nung nakilala ko si Ysabel. First year college non, first day nung una ko siyang nakita. Sa totoo lang, nagandahan ako sa kanya. Tipong makalaglag panga? Hindi lang naman ako yung nakapansin sa kanya. Dami niya agad fans club. Ewan ko dun pero kasi iba aura niya e. Mala dalagang Pilipina na morbid. Asteeeg! \m/

Sa P.U.L.P ako nag enroll kasi astig mga tao don. Cool pero lahat matalino. Parang ako. HAAHAA. Mahirap makapasok sa school na yon. Dinugo ako sa entrance exam pero wala e. Pasado. :)

Scholars lahat ng nag-aaral don. Walang tuition fee. Mayamang rockstar daw yung nagpagawa ng school. Wala na raw mapaglagyan ng kayamanan kaya ininvest na lang niya sa education.

Balik tayo sa "First year college nun, first day nung una ko siyang nakita."

Sa pagkakatanda ko, kakabreak lang namin non ni Rica. Sinong nakipagbreak? Hulaan niyo. Syempre alam na, gwapo ko e. :)

Dahil first day, medyo naglibot libot muna ako sa P.U.L.P. Kasabay nang paglilibot ko e ang paghahanap ko ng chickababes. Ang daming chicks dito, unlimited! Walang jejemon. Astig. Hindi ako nagkamali nang pinasukan. :P

Paakyat na ako papunta sa room non ng biglang hinarang ako ng isang babaeng may mahabang buhok na kulay pula. Ayos nitong babaeng to ah? Literal na pula talaga yung buhok niya. Nice! Siya yung pinaka maganda sa lahat ng chicks na na-ispotan ko. Medyo naalala ko sa kanya yung vocalist ng Paramore, si Hayley Nichole Williams. \m/

Edi nagpapansin naman ako. Kunyari suplado.

"Hi miss! Pwede bang tumabi ka, dadaan kasi ako, nakaharang ka."

Ang hot na sana ng datingan niya e, kaso lang iba yung tingin niya sa akin, para bang babanatan niya ako? Nanlilisik yung mga mata niya. Isa ba to sa mga ex ko? Pero hindi e, ngayon ko lang siya nakita.

"Miss, kung type mo ko, sorry pero wala ako sa mood makipagflirt ngayon kaya kung pwe---"

------------BLACKOUT------------

Di ko na natapos yung sasabihin ko. Bakit? Kasi ang sunod na naalala ko na lang ay nasa c.r. na ako ng girls. Takang taka ako kung paano ako napunta doon at shit! Nakagapos pa ako, nak ng!

"Hoooooooooy! P*ta! Sinong may gawa sakin nito? Ano?!!! Lumaban kayo ng patas hindi yung ganito kayo!"

Sigaw ko. May lumabas sa isang cubicle.

Yung babaeng kulay pula yung buhok. kinuwelyuhan niya ako tapos PAK! Sinapak niya ako sa mukha!

"Hoy perv! Anong patas?! Narinig mo ba yung sinabi mo?"

Sinigaw niya yon sa mukha ko tapos bigla siyang sumipol. Biglang nagpasukan sa c.r. yung mga babae. Nakapalibot sila sa akin. Ay teka, kilala ko tong mga to ah?

"Elaine, Christine, Twinkle, Angielyn, Ruby, Nadine, Star, Celine, Hannah, Cha at si Rica?"

Inisa isa ko yung mga pangalan nila na para akong Prof. na nag aattendance. Lahat sila ex ko nung high school. Potek! Panong? Lahat sila dito nag-college?!

"O sige na, bugbugin niyo na yan. Yang mga ganyang tao hindi na dapat binubuhay sa mundo. Wag na kayong mahiya girls, sagot ko kayo."

Ay p*ta! Tama ba dinig ko? At hindi nga ako nagkamali ng dinig. Iniwan nila ako sa c.r. na wasak mukha ko. Kalmot, sapak, sipa, sabunot etc. yung natanggap ko mula sa kanila.

BRUTAAAAAAAAAL!

Yung babaeng may pulang buhok yung may kasalanan ng lahat! Sino ba siya sa akala niya? Member ba siya ng kung anong gang or what kaya ang angas niya o di kaya sindikato tatay niya? Pft! Scary! First time kong makaramdam ng takot sa babae. Shit! Baka anak siya ng may ari nitong University? Baka ma kick out ako?!

Paika ika akong lumabas ng c.r. Napa "Inay ko po" ako nung makita yung babaeng pula yung buhok. Nandon siya sa labas, mukang inaabangan ata ako. Yareeeee Pako! Takbo na habang may mga paa ka pa! Baka lumpuhin ka niya!!!

"Masakit ba? Ay, teka, hindi mo pa ata alam kung anong meaning ng salitang 'MASAKIT' never ka atang nakaramdam niyan kasi ikaw yung palaging nagpaparamdam. Hoy perv! Maaaring hindi kita ganon kakilala, pero ang ayoko sa lahat yung mga lalaking nagpapaiyak ng babae. Para kasi sa akin hindi sila tunay na lalaki, kaya kung gusto mo pang mabuhay ng matiwasay at maging scholar pa ng unibersidad na ito, magtino ka."

Matapos yung araw na yon, sa maniwala kayo o hindi, tengene nagbago talaga ako! Bigtime!

Naging kabarkada ko si Ysabel. Takte, astig siya. Hindi naman pala siya ganon ka brutal ayaw lang talaga niya ng mga lalaking katulad ko. Pero nagbago na talaga ako promise. After niya akong bugbugin eh na realize ko na lahat ng mga kagaguhang pinag gagagawa ko. Yung hatred ko sa nanay ko, nawala na rin. Iba talaga impact niya. She's an Angel in disguise i guess.

Yung issue tungkol sa amin ni Sandy? Hmm, next time. Mukhang mas may mabigat pa na issue na kailangan iresolba.

-End of Chapter 5-
@elisiachico

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon