Chapter 3

351 10 0
                                    

(MIGUEL'S POV)

Kamusta? HAHAHA. Oo na, ako lang at wala ng iba. Ako nga pala si Miguel Osborn Asuncion. Ako yung nangungulit sa kanya sa X-SITE at nagsabi ng pinaka epic na "Miss, pautang lima mo." :D

Di ko rin alam bat yun yung nasabi ko, e pero kasi effective naman diba? Nang dahil sa linyang yan, naging masaya ang X-Site adventure namin ni Ysabel.

Kung nagtataka kayo kung bakit biglang umeksena na lang ako sa buhay niya? Sa totoo lang, matagal na akong part ng buhay niya. Siya lang tong hindi na ako kilala e. Sobrang tagal ko kasing nawala. Ah basta! Sulit sulitin din ang moment dahil ako'y nagbalik na! Yari ka sakin Ysabellie Hernandez Buenavista! :P

(Sa parking lot)

"Hoy mister! Bitiwan mo nga ako! Sinabi ng uuwi nako e!!!"

Nginitian ko lang siya. Halatang banas na banas na siya sa akin. HAHAHAHA! Mahusay! Magaling Migs! Epektibo mga plano mo, karapat dapat kang i clap clap. Mga dre, wala ba kayong mga kamay? :D

"O ano na? Di ka na makasagot? Masyado ka ng bilib sa kagandahan ko? Makatitig ka para kang, ewww! Mukha kang maniac! Kadiri ka!"

"A-ano? Maniac? Me? HAHAHA. Kaya pala napa YES ka kanina kasi mukha akong maniac?"

Lalo ko pa siyang inasar.

Huli! Sabi ko na kahit hindi niya ako matandaan crush pa rin ako ng isang to e. :D

"A---asa ka boy! Saksakin ko pancreas mo e, you want?!!! Tsss... At ang kapal mo pang halika----"

Di na niya tinuloy at namumula na siya.

"Ano yun? May sinasabi ka ba GIRLFRIEND?"

"YAAAAAAAAA! Nak ng boogie! Isang isa na lang goodbye universe ka sakin!"

"Masyado atang napagod girlfriend ko sa FIRST DATE (may pagdiin sa First Date) namin. Hmm.. Tara, uwi na tayo?"

Ang sama pa rin ng tingin niya sakin! HAHAHA! Parang kakainin niya ako ng buhay! Para wala na siyang palag binuhat ko na siya. Yung parang sa kasal pag magho-honey moon na? Wehehe Saya ko lang diba?

"Put me down! Ibaba mo ko you jerk! Sawa ka na ba sa buhay mo? At talagang naghahanap ka ng sakit ng katawan ah? Saan mo ba ko dadalhin?! Ano baaaaaa?!!!"

"Hey, my labs, wag mo nga akong sigawan."

At ayon, nilapag ko siya sa motor ko at sinuotan ng helmet. Nagsuot na rin ako ng helmet at nilabas ko na yung susi. Nga pala, wala ng reklamo tong isang to, bakit? Kasi yung helmet namin Panda. Cute noh? Actually couple helmet yun. Pinasadya ko pa talaga yun. Eto talagang babaeng to, pakitaan mo lang ng Panda tiklop na e. Tsk! Madaling makikidnap to panigurado. Kaya kayo, alam na. HAHAHA! Deh joke lang! Subukan niyo lang gawin yun kay Ysabel, magmumumog kayo ng ngipin! :)

At talagang speechless ang Panda niyo. As in nananahimik na talaga siya.

"Kapit mabuti girlfriend. Biyaheng langit to. Higpitan mo ah?"

Sabay nilagay niya yung mga kamay niya sa balikat ko. Inalis ko yung mga kamay niya.

"Nako girlfriend, kung dyan ka kakapit, malalaglag ka."

Ayun nga, naka embrace na siya sakin! HAHAHA! :P

(Alabang-Zapote Road)

Huminto muna kami sa isang convenience store. Gutom na kasi ko e.

"Oy Girlfriend, anong gusto mo? Ako kasi ikaw lang gusto ko." :)

Wehehe. May pag ganon pa ako.

Tahimik lang siya. Tulala. Grabe nakakatakot tong babaeng to pag tahimik. Mas okay pa yung binubulyawan ka e.

"Hoy mister, sabihin mo nga sakin, kilala mo ba ko?!"

Napalunok ako bigla. Shit! Natandaan na kaya niya kung sino ako? Hindi ko nasagot yung tanong niya. Kunyari hindi ko siya narinig.

Pagkabayad ko sa counter bigla na lang siyang nawala. Lumabas ako at ayun! Nasa tapat siya nung nagtitinda ng kwek kwek, may kausap sa phone? Whew! Akala ko tinakasan na ko e. Agad ko naman siyang nilapitan.

"Girlfriend, may problema?" Tanong ko sa kanya.

"Kasalanan mo lahat! Nawala tuloy sa isip ko na may bisita pala kami sa bahay ngayon! Peste ka! Grrrrr! Sarap mong ibaon sa lupa! Alam mo bang importanteng tao yung bisita namin ngayon?! Anak lang naman ng ka sosyo sa negosyo ng erpats ko! Eh pano kung nasa bahay na yun? Hindi ko manlang na entertain?! Kainis! Hay nako! Wala na ring sense kahit patayin pa kita ngayon! Panigurado wala na sa bahay yun! Tssssssssss! Buset!"

Sabay walk out siya.

Haaaay grabe. Ganito na talaga siya ngayon? Hindi ako makapaniwalang lumaking bungangera tong babaeng to. Ano pa nga bang magagawa ko? Nilayasan na ko?

Hmmm. Alam ko na. ^_______^v

-End of Chapter 3-

@elisiachico

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon