(YSABELLIE'S POV)
Bakit ba napaka-MAGICAL ng salitang "LIBRE KITA."
Hmmm. Tsk! So gagala kami ngayon kasama si Pepsi. Ano kayang nakain nito? Bakit biglang nag-aya siyang...
MARKUS: Bilisan mo. Ang tagaaaaal!
Aba, kailangang sigawan ako? Wtheee???
AKO: Duh?! Wala po akong damit dito. Pwede bang umuwi muna ako sa bahay para maligo at magbihis?
MARKUS: May damit ka kaya dito.
~~Kruuuuuu ~~kruuuuuuuuuuuuuuuu
Ano raw? May damit ako? Ay, hindi ko pa pala naibabalik yung shirt na pinahiram niya sakin nung birthday niya? Tsaka na lang.
~~Kruuuuuu ~~kruuuuuuuuuuuuuuuu
Oh crap! Meron nga! 2nd year college, nung may practice set ako sa accounting, ang dami ko palang dalang damit nun para sa overnight. Tss. HAHAHA! O.A. lang, kahit isang gabi lang, natapos na agad ni Markus sagutan yung mga problems. Hindi ko rin siya ma gets. Tao ba to o talagang... Kaya ALIEN tawag ko sa kanya eh. Hindi naman siya Accounting Student pero bakit niya alam? Geez. Swerte ko lang. May Markus ako, NOON. Hihi.
(MAKU'S POV)
Kunyari pang hindi niya alam o nakalimutan na niya. Susss. Kahit parang lagi naman siyang nandito sa bahay noon? Kulang na lang buong closet dalahin na niya. Pero ang masaklap lang, wala kaming masyadong moments. Pano ba naman, sandamakmak na projects at assignments yung tinatapos namin tapos ang dami niya pang minememorize. Sa sampung chapter na kailangan niyang aralin, tatlo lang dun yung memorize na niya. The rest, see you in dreamland na lang. Ang lakas ng loob tulugan yung iba pang chapters. Tsk. Tamad talaga magbasa.
*MEDYO FLASHBACK
*2ND YEAR COLLEGE DAYS
AKO: Sana hindi ka na lang bumili ng libro. Sayang eh.
YSABELLIE: Ano ka ba, may purpose yan. Ultimate aral-aralan props. Mukha akong genius pag dala ko yang libro na yan eh. HAHAHA!
AKO: At talagang proud ka pa?
YSABELLIE: I'm trying my best naman. Sisiw lang yan.
AKO: Kahit mas mahaba pa yung oras ng siesta mo kaysa sa pag rereview mo?
YSABELLIE: Duh?! Beb, sembreak kaya ngayon. Tapos may homework kaming ganyan? Sumpain ang practice set! Grrrr!
AKO: Bakit kasi kumuha ka ng course na hindi mo naman gusto? Ayan tuloy nahihirapan ka ngayon.
YSABELLIE: Astig nga eh. Super challenging.
AKO: Challenging pa gusto, panay naman ang reklamo. Simulan na natin to.
YSABELLIE: Mamaya na... Gusto ko ng ice cream!
AKO: Anong? Pagkain na naman?! Ang dami na nating nakain kanina sa KFC ah? Kaya nga tayo nagpakabusog kasi ubos energy natin dito sa tambak mong homework. Tapos kain na naman?
YSABELLIE: Eh gusto ko ng ice cream eh. Sige naaaaaaaaa...
AKO: Libre kita ng ice cream pag natapos mo na yang practice set mo. Time starts now. :)
YSABELLIE: What the? Effort pa bang mag sagot kahit wala naman tong dagdag sa grade? Tsk! Bakit nga ba kasi ako nag Accountancy? Ayan tuloy, sabog na naman utak ko. Information uber-load. IMBA. Pero gusto ko talaga ng ice cream. >.<
AKO: Eh kung sinasagutan mo na kaya yan? Hindi ka naman matatapos kung kakausapin mo lang yang practice set mo. Kaya mo yan. Ikaw pa, girlfriend kita eh.
*Wink ;)
Ang saklap naman kasi ng sembreak niya. Sembreak na nga, ang daming pang po-problemahin. Ang K.J. talaga ng mga Prof. niya, parang hindi naging estudyante eh. Siguro dapat iwanan ko na muna siya dito sa sala. Akyat muna ako sa kwarto. Mukhang matagal pa to eh. Baka abutan ako ng antok. Yari ako sa kanya kapag tinulugan ko siya dito kaya sa taas na lang. :)
After 4 hours
7pm
*Beeeeeeep beeeeeeeeep
Shooot! Nagulat ako sa cellphone ko. 7pm na sakto. Halaaaa! Ang haba ng tulog ko. Tapos na kaya siya? Nataranta ako bigla. Tsk. Baka galit na yun sakin. Agad agad akong kumaripas pababa papunta sa sala.
Oh?
Dahan dahan ko siyang nilapitan, baka kasi magising. Chi-neck ko yung practice set niya kung okay na ba. WHOAAAH! Grabe, tapos na. Wala namang mali. Shit. Totoo ba to?! Parang kanina lang puro siya reklamo eh kaya naman pala niyang sagutan.
HAHAHA! Namumula na yung nuo niya sa kakatungo sa mesa. Super drained na siya. Iaakyat ko na to sa kwarto.
*END OF MEDYO FLASHBACK
*SM SOUTHMALL
(YSABELLIE'S POV)
So nandito na kami. Naglalakad. Tapat na ng National Book Store. Shemaybells! Grabe nangangatog na naman yung mga tuhod ko. Ano na naman ba kasi? Sa pagkakaalam ko break na kami, bitter ako, galit ako sa kanya at tapos ano to ngayon? May date kami? Nahihibang na ba ako?! Parang hindi niya ako niloko ah? Bakit ko ba siya kasama?!!! Ano ba naman kasi YSABELLIE! Gising! Wake up! Ano na namang kagagahan to?!!!
YSABELLIE: Bakit ka manlilibre ngayon? Anong meron?
MARKUS: Wala lang. Kapag magtatanong ka sakin kailangan mo talagang hilahin yung shirt ko? Para kang bata.
Bakit ganon? Parang tuwang tuwa naman siya kanina tapos ngayon susungitan niya ako? Anong... Tsss~!
>______________<
YSABELLIE: Ganon na naman ako dati ah. Hindi ka na nasa---
MARKUS: Joke lang naman talaga yung sinabi ko kanina. Hindi ko rin alam kung bakit ako nag-aya pero since nandito na naman tayo, ituloy na lang natin.
Anak ng! Talagang itong lalaking to?!!! Tsk! Patience Ysabel. Kailangan mo yun. Nakakabadtrip na kasi! Bakit ba kasi ako sumama sa kanyaaaaaaaaaaaa?!!!
Pumasok kami ng department store. Hindi ko alam, ayoko ng magtanong, binabara lang naman niya ako eh. Sinusundan ko na lang siya. Anino mode.
YSABELLIE: Napapagod na ako ah! Pwede makiramdam ka rin? Paikot-ikot lang naman tayo. Uuwi na ako.
MARKUS: Hindi ka uuwi.
Hinigit niya yung braso ko tapos tinitigan niya ako sa mga mata. Kinilabutan ako. Shocks! Tapos yung tono pa niya. Ganong ganon nung sinabi niya sakin na hindi ako uuwi nung after ng birthday niya sa bahay niya?
YSABELLIE: Pwede ba!? (Tinanggal ko yung kamay niya.) Wag mo kong hahawakan. Ewww~!
MARKUS: Kain na tayo.
Emeygeeeesh! Papunta na kami sa... O hindi. Patawa ba to?! Huh. At talagang. Ohhhnoooooo!
KFC.
-End of Chapter 23-
@elisiachico