Chapter 54

129 3 2
                                    

(YSABELLIE'S POV)

At umiral na naman yung pagiging shunga shunga ko. Hindi ko na kasi talaga kinaya kaya tumakbo na ako, sa kinasawiang palad, nabangga ako ng kotse. At, nasa ospital ako ngayon. Te- Teka, pano ko pa natandaan lahat nang yon?

Buhay pa ba ako? Totoo ba lahat ng ito o nananaginip lang ako? Wala akong ibang makita kundi puro puti lang. Te--teka, ganito yung mga eksena sa pelikula at teleserye kapag ma de-deads na ah? Tengeneeeeeeeee! Hindi pa ako pwedeng mamatay! Hindi! Hindi! Hindi pa! Bawaaaaal!

Lord, wag po muna ngayon. Ilang taon ko na pong hindi nakikita yung mga magulang ko. Pwede ko po ba silang makita muna bago niyo ko kuhain? Ay teka! Mali. Pwede ko po bang silang makita pero wag niyo po muna akong kuhain? Kailangan ko po kasing itama lahat. Lahat po ng mga nagawa kong kasalanan. Unang una po kay Markus. Masyado ko na po siyang nasaktan at napahirapan. Lintik kasi na Short Film yan... Hindi ko naman po kasi alam na yung nakita ko sa KFC bago mag Valentine's Day eh isang eksena lang pala sa short film nila at doon nila kinuhaan. </3 Nagmamakaawa po ako...

Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Naglalakad lang ako sa kawalan. Seryoso to? Puro usok tapos malamig. Naka puting bistida ako at may flower crown sa ulo. Emeygesh! Yung totoo? Ano to cosplay o photoshoot? Nasaan yung photographer? Yung make-up artist?!!! Waaaaaah! Nahihibang na talaga ako!

Puting bistida at flower crown? Eh bakit sa pelikula at teleserye wala namang flower crown kapag deads na? For the record, ako pa lang? Haissssssst! Ano ba naman tong mga pumapasok sa kokote ko? At talagang lumakas pa yung kapangyarihan ng imahinasyon ko sa mga sandaling to??? Sa sandaling hindi ko alam kung buhay pa ba ako o... Isa na ba akong multo?!!! NOOOOO WAAAAY! Multong may flower crown? Ang jologs!

Kung totoo man ito, ibig sabihin may posibilidad na mapunta ako sa heaven? Yes! Sabi ko na nga ba mabait ako. Pero hindi eh. Masamang tao ako. Marami akong nasaktan! Dapat bumalik na ako, para makahingi ako nang tawad sa mga taong nasaktan ko. Yung parents ko na nagpapaka hirap magtrabaho sa ibang bansa para sa akin, sa Student Council, nako! Hindi pa tapos yung term namin, hindi sila pwedeng mawalan ng Presidente!!! Marami pa kaming events na paparating! Pinaghirapan kong makuha yung sponsors! Nooooooooooo!

Yung mga kaibigan ko. Hindi ko pa natutulungan si Caloy para magkaayos sila ni Leona. Si Leona, hindi ko pa natatanong about sa kanila ni Sir Janus.

Si Peter at Clair, si Patrick, hindi ko pa sila narereto kay Mina. Si Anabee at RR, pano na sila? Baka may second chance pa...

Hindi ko masusubaybayan yung love story nila Pako at Sandy. Kung kailan pa naman nagpaka good boy na nang tuluyan si Pako... Si Aira at Sky...

Si MIGOY... :'(

KAILANGAN KONG MAKAPUNTA SA KASAL NI MIGOY! KAILANGAN KONG MALAMAN KUNG SINO YUNG BRIDE NIYA. BASTA! DAPAT NASA WEDDING AKO!

Luh?!!!

Ngayon alam ko na yung essense nang pagkakabangga sa akin nung kotse. Dahil sa aksidente ngayon alam ko na talaga kung sino. Kung sino at kung ano ba talaga yung sinisigaw ng hypothalamus ko.

*Insert Endless A Silent Whisper - Urbandub

-End of Chapter 54-

-End of When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad Joke-
@elisiachico

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon