Chapter 44

74 3 0
                                    

(SKY'S POV)

Nahuli kami (Ako, RR, Pako, Myndee, Faye, Anabee, Sandy, Clair at Aira) ng dating sa bahay ni Sir Janus. May inasikaso kasi kaming mahalagang importante sa school. Pag dating namin sa party, woah! Ang daming taga school. Pumunta kami sa table nila Mina.

MINA: Guys! Nasaan si Ysabel?

PAKO: Ninja moves.

RR: Mali tol, Panda moves.

Hindi pa rin ma-gets ni Mina.

Sandy: May pupuntahan pa raw siya. Hindi nga namin al--

Hindi pa tapos si Sandy mag-explain, sumingit na agad si Anabee.

ANABEE: Halaaaa. Tama ba tong natatanaw ko sa kabilang table o kailangan ko ng magpalit ng grado ng salamin?

AIRA: OMG! Nandito yung mga pogi!

SANDY: Wrong Mistake is heart heart!

CLAIR: Kabarkada ba sila ni Sir Janus? Waaaaah! Oo nga. Si Maku oh tapos si Carlos tapos si Peter tapos si Patrick! Wooooooooooh! Buti invited tayo!!!

At nagkagulo na nga sila. Tuwang tuwa sila sa galak, hindi ma-explain. Nagtinginan kaming tatlo nila RR at Pako. Pansin kasi namin na simula nung dumating kami, hindi na natanggal yung mata ni Markus sa grupo namin. Malamang hinahanap niya si Sensei (Ysabellie).

Pagkatapos naming kumain, lumapit sila Clair sa table nila Sir. Janus. Nako itong mga babaeng to talaga. After 5 mins. tumayo na silang lahat. Pumunta sila Clair sa gitna ng garden sa tapat ng stage. Yung Wrong Mistake naman nag sound check. Mukhang nag-request sila na tumugtog ulit yung banda ni Markus kasi pagdating namin sabi ni Mina tapos na raw sila tumugtog.

"Ehem!"

Naglinis pa lang ng lalamunan si Markus naghiyawan na ang lahat. Sinimulan nila Mina yung pagsigaw ng "Testi! Testi!" tapos nagsalita na si Markus.

MARKUS: Salamat sa lahat ng pumunta ngayon sa welcome back party ng bestfriend namin na si Janus. Hindi kami makapaniwala na Prof. na siya ngayon tapos kaming mga kabarkada niya estudyante pa rin. (*Laughs) Brad, good luck sa career. Masaya kaming lahat na bumalik ka na.

CLAIR: MASAYA RIN KAMI. ANG POGI NG PROF. NAMIN! WOOOOOOOOOH!

PETER: May mga nag-request pala sa amin kanina. Ayos lang ba P.U.L.P.-istas kung tutugtog ulit kami?

*Hiyaw

CROWD: "WOOOOOOOOH!"

SANDY: Kahit habang buhay pa, ayos lang! Yieeeee!

CARLOS: This song is dedicated to Mr. Ex-con na mala Boys Over Flowers. From your Barbie girl in a Barbie world. Bati na tayo pls. ILY!

SONG #1: Baby Blue Eyes - A Rocket To The Moon

Haha. Nakakatawa. Gumamit pa ng code names masyado namang obvious. Si Anabee nag-request para kay RR. HAHA. Habang tinutugtog yung Baby Blue Eyes, maraming partners yung nagsayaw sa gitna. Parang prom. Syempre magkasayaw din si Anabee at RR tapos nag-uusap sila na nagtatawanan. Sobrang cheesy. Mukhang okay na ulit sila. :P

PATRICK: Dear Ms. Teddy Bear, crush na kita dati pa. Sana mapansin mo ako kahit ngayong gabi lang. Kapag nangyari yon, pwede na siguro akong mamatay. Hehe. Isasayaw kita. Wait lang. -Mr. Bean.

SONG #2: Mr. Right - A Rocket To The Moon

HAHAHAHA. Parang kilala ko si Ms. Teddy Bear pero si Mr. Bean? WAHAHAHA! Epic yung code name!

PETER: Hello Kitty! Salamat dahil lagi kang nandyan para turuan ako sa Accounting nung second year. Alam kong secret lang yung tutorial na yon kasi sabi mo hindi ka magaling magturo. Nung una akala ko mataray ka pero mataray ka talaga. Dahil sa katarayan mo, hindi ako nakapag concentrate sa mga tinuturo mo kasi nahuhulog ako sa'yo. Sayang lang, wala na akong Accounting subject ngayong third year pero salamat sa sandaling oras na naging bahagi ako ng daigdig mo. -Snoopy

SONG #3: Baby We're Invincible - A Rocket To The Moon

Ooops. Ayokong mag-react sa request na to. Baka sabihin defensive ako. Hehe. :)

PATRICK: Hi Cheeks! Gusto ko lang mag sorry sa lahat. Alam kong nasaktan kita at ang gago ko. Gusto ko munang ayusin yung sarili ko para sa'yo. Hindi ako bading. Alam kong alam mo yon. Sana okay tayo. -Nail

SONG #4: I Think About You Everyday - A Rocket To The Moon

Yun oh! HAHA. Nice one NAIL!

PETER: Salamat sa party ni Sir Janus. Promise Sir, mag-aaral kaming mabuti sa Phil. Lit. Pls. Play this song pls. pls. pls! Ms. Leona, dream come true to, nakita rin kita sa personal. Ang ganda mo po. Bagay kayo nung bassist pero mas bagay tayo. Hehe -Istoker

SONG #5: Dakota - A Rocket To The Moon

*Hiyawan.

Yun oh? Sino kayang nag-request non. Haha. May instant stalker yung bestfriend ni Sensei ah. Ayos.

Ang daming naghiyawan after nila kumanta. Pero yung totoo? Puro ARTTM yung requests ah? Halatang iisa yung paboritong banda nung mga nag request. :D

MARKUS: Dear Ms. SSG, SORRY.

SONG #6: I'll Be Your Sunset - A Rocket To The Moon

Last request na yon. Haha. Ang hirap mang hula. Sino kaya si Ms. SSG at si Boy Pick-up?

MARKUS: Ayos pa ba tayo dyan P.U.L.P.-istas? Huling papel na tong nasa bulsa ko. Itago na lang daw natin siya sa pangalang Mina Quijano Davis. (Tawanan) Dear Wrong Mistake, last song na, lumalalim na ang gabi. Haha. Manager lang ang peg ko? Sir Janus, salamat talaga. Sa lahat ng nandito, TGIF!

Last Song: Hey Jealousy - Gin Blossoms

Pagkatapos ng tugtugan, ligpitan naman. HAHA. Ayos yung last request lang yung naiba. Astig!!! Ang gulo ng crowd e. Umuwi na yung iba naming classmates. Kami na lang yung naiwan. Kaming mga late na dumating. Nasa isang table kaming lahat (Mina, Myndee, Faye, Clair, RR, Anabee, Sandy, Pako, Aira at ako) kasama namin sila Sir Janus, Peter, Carlos, Patrick, Markus at Leona.

SIR JANUS: Kamusta kanina? Nakakuha ba kayo?

CLAIR: Kami pa ba Sir?

SANDY: Representatives na lang yung kulang Sir.

PAKO: Sakto oh, malamang first event sa school Battle of the Bands, may judges at guest band na agad tayo. Havey sa mga P.U.L.P.-istas e. Lakas.

RR: Matik na yon. Kung mananalo si Ysabel pihadong laging may concert sa P.U.L.P.

LEONA: Si Ysabel? Teka, anong meron?

AIRA: Student Council.

MINA: Bumuo kami ng partido, si Ysabel yung President, si Mina yung Vice President.

Tumawa ng malakas si Carlos sabay sumingit sa usapan.

CARLOS: Sigurado na kayo? Si Bel? HAHAHAHAHAHAHA

Sobrang humagalpak sa kakatawa si Carlos. Binatukan siya ni Leona. Tumawa rin si Markus pero patago.

ANABEE: Astig kaya kapag naging Student Council President si Ysabel. Baka magka Beer Festival sa school. Saya non!

Nilabas ko yung mga COC (Certificate of Candidacy) at sinabing "Kasama yon sa mga platforms ni Ysabel."

Haha. Siguro kaya hindi sumama si Ysabel ngayon dito kasi alam niyang pagti-tripan siya. Nasaan kaya siya sa mga sandaling to? Siguro nag-transform na naman si Sensei sa pagiging Panda.

Asuuuuuuus! Kumakain lang ng Bamboo yun e. :D

 -End of Chapter 44-
@elisiachico

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon