Chapter 45

92 2 0
                                    

(YSABELLIE'S POV)

Wooh! Grabe. Nakakapagod. Sa sobrang dami ng pagod ko, hindi na ako tumuloy sa party ni Sir. Janus. Sayang yun! Invited pa naman lahat ng students sa P.U.L.P. at mukhang hindi lang students sa P.U.L.P.

11:11 PM

Text From Leona

"Bel? Nasan ka? Pls. humabol ka naman dito oh."

Ang saya ko, kapiling ko na ulit yung cellphone ko! Gustong gusto kong humabol sa party na yon kaya lang sa kasawiang palad, nabigo ako. Bigong bigo. Bakit? Kasi...

*BAHAY

JGH! Woooh!

*Tapon ng bag at I.D., sa sala, hubad ng sapatos

*Hilata

Akala ko immortal ako pero nakaramdam ako ng gutom kaya pumunta ako sa kusina. Syempre expected ko na na walang food kaya nagbabalak na akong kumain na lang ng Koko Krunch for dinner o di kaya cup noodles na lang.

Madilim sa kitchen at bulag ako kapag walang ilaw. Kinapa ko yung switch, pag-on ko

"Waaaaaaaah!"

Gulat ako. Si Migoy nakapangalumbaba sa lamesa.

MIGUEL: Bakit ngayon ka lang?

Lintik. Parang pamilyar yang "Bakit ngayon ka lang?" na tanong sa akin ah. Buseeet >.<

Hindi agad ako sumagot medyo dinigest pa ng memory ko yung tanong niya, may naalala kasi ako bigla. Ang bilis ng flashback eh. Kaasar. -____-

Nandito ka pa rin pala sa bahay. Haha. Akala ko mag-isa na lang ako dito.

AKO: Zupp?

Pa-cool kong sagot sa kanya. Mukhang galit siya sa akin. Luh? Problema nito?

MIGUEL: After mong kumain, este natin pala ng dinner, maghuhugas ka ng pinagkainan tapos may pag-uusapan tayo sa sala.

Sabay kaming kumain ng dinner. Tahimik kami pareho. Gusto ko sanang magreklamo tungkol sa paghuhugas ng pinagkainan kaso tinantsa ko yung mood niya at mukhang hindi magtatagumpay yung pagrereklamo ko kaya naisip ko 'wag na lang. :D

*SALA

Nakaupo ako sa bean bag tapos siya palakad lakad sa harapan ko. Haha. Mukhang pamilyar tong eksena na to, ang kaso lang mukhang ako yung makakarinig ng katakot takot na sermon. Sinusundan ko nang tingin yung lakad niya.

"Migoy, pwede bang 'wag kang malikot, nahihilo ako sa'yo e."

Tumingin siya sa akin. Nakakaloko yung tingin niya. Ano ba naman to. Ano na naman bang nagawa ko?

MIGUEL: So, busy ka lately?

AKO: Hmmm... Medyo?

MIGUEL: Saan?

AKO: Sa maraming bagay.

MIGUEL: Tulad ng?

AKO: Studies, sa sarili ko at sa iba pang issues ng buhay ko.

Hindi na siya nagsalita. May kinuha siya sa bulsa niya. Papel na marami yung pagkakatupi. Luh? Ano kaya yon? Tinaasan ko siya ng kilay. Inabot niya sa akin yung bond paper.

"CONTRACT"

Yun lang yung nakasulat.

AKO: Para saan to?

MIGUEL: Para sa atin.

AKO: Srsly? Anong ilalagay natin dito?

MIGUEL: Lahat ng bagay na mapagkakasunduan natin ngayong gabi. Naisip ko lang, matagal mo na akong kasama dito sa bahay mo. Gusto ko lang bigyan ng hustisya yung pagtira ko dito.

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon