Chapter 14

243 8 5
                                    

(YSABELLIE'S POV)

SM SOUTHMALL

Hala! Late na ba ako? Anong oras na ba? Naman kasi, masyadong rush. Oh well. Chill. Yung bestfriend ko na after 3 million years, sa wakas, magkikita na kami! Hanep! Mukang enjoy tong araw na to ah? Grabe lang. Mabuti nauso tong araw na to. Ay hindi pala! Lintik na May 23 yan, parang kailan lang nag-aaklas ako sa date na yan. GRRR!!!

Wew.

Diretcho KFC na ba ako? Wala ba munang stop over? Shoot! Kinakabahan ako! T.T Sa dinami-rami ba naman kasi ng lugar!? Haaay... Siguro kailangan ko na ring ikwento lahat! As in lahat lahat na. Yung wala na kami ni Markus. </3

Si Markus Tan Ventura na mukhang KFC chicken na ang sarap paliguan ng gravy matapos nung araw na... Haaaay...

Tama na, kalma.

Seryoso, lagpas pa lang ako ng National Bookstore, nangangatog na yung mga paa ko. Para akong robot. Haaaayyy... Ganon ata talaga ka traumatic yung lugar na to para sa akin. Pero bakit ba? 3 months ago na yun Ysabel! Stop the drama. Usad din aba! Uso move on? Tssss. Bakit ba napakadaling sabihin sa sarili ko yun pero hindi ko naman magawa? Kaasar.

Hep, eto na... Hingang malalim. Ngiting abot hanggang ulo. GAME!

(LEONA'S POV)

"YSABEEEEEEEEEEEELLLLLLIIIIIEEE!!!"

Super agaw eksena na pag sigaw ko sa KFC. HAHAHA! Kasi naman eh...

"Leona! Wag eskandalosa pwede? Pero kung hindi mo talaga matiis, tara, labas na tayo. Lipat tayo sa lugar kung saan pwede kang mag eskandalo. Tara!"

Grabe to. Hinihila niya ako palabas ng KFC. Anyare?

"Duh? Ano ba, umorder na kaya ako! Ako na nga tong naghintay nang matagal ikaw pa demanding magpalit ng venue? Dito ko gustong kumain with you, FYI lang fiend." :D

"Huh? Pero kasi, alam mo Leona, kasi may sasabi-----------"

"Hep! tsaka mo na sabihin yang mga kasi kasi na yan. Siguro naman makakapag hintay yan diba?"

Sa wakas! Napahinto ko rin si Bel. Mabuti na lang nasingitan ko siya. Kasi pag hindi ako nagsalita, siya na magsasalita. Para pa namang armalite yung bibig niyan, naku! Unlimited sa bala eh. HAAAY! Yes! kailangang ma-chicka ko to ng bonggang bongga.

"So Ms. YHB, kamusta naman kayo ni Maku? Ay! Nakalimutan kong sabihin sa'yo na bumili pala ako ng KFC bucket meal para don sa pinakamamahal mong alien! HAHAHA! Kamusta na kaya yon? Gwapo pa rin? Ayieeeeeeeee! Kaya hanggang ngayon kilig ka pa rin? Nuks! Naaalala ko tuloy nung nililigawan ka pa niya, nakakaloka! HAHAHA. Si Maku na pumapakyaw ng Choc Nut sa tindahan nila aling Pasing malapit sa school natin tapos iiwan niya sa desk mo. Ayieeeeee! Lalo naman yung pandadarag niya sa nerd na si Carlos para makipagpalit ng upuan para magkatabi kayo kapag wala tayong teacher. Haaaay. Super buhay pa yung mga memories, parang kahapon lang. Tapoooossss-----"

"Leona, yung order. Hindi na kasi sineserve yon ngayon. Check mo sa counter yung number sa resibo then kunin mo na. Gutom na ako eh. Dali!"

Etong babaeng to. Weird. Noon pag pinagkukwentuhan namin si Maku, kulang yung magdamag. Ngayon, wala pa akong 5 minutes nagtatatalak, galit agad?

HMMM...

"Duh Ysabel? Alam ko kaya! Masyado lang akong natuwa magkwento, ikaw naman... Bakit bawal? Hindi pwede? Asuuuuus! MAKUUUUUUUUUUUU! Yieee!" :P

Hindi ko siya gets. Masyadong high blood. Bagay talaga sa initials niya. Y HB? (BAKIT HIGH BLOOD?) HAHAHA. Balew. Nakuha ko na yung order.

"Hey Bel? Bakit tulaley ka dyan? Problema mo?"

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon