Chapter 43

69 2 0
                                    

(LEONA'S POV)

*June 21, 2013

Wooooh. Wala na ba kaming i-bu-busy pa? Pagkatapos ng Independence day, balik ulit kami sa normal. So bale nung Independence day, abnormal kaming lahat. HAHA. Uumpisahan ko sa sarili ko. Grabe! Gusto ko ng ibaon sa lupa yung pagkatao ko. Kung ano anong kalokohan yung pinag gagagawa ko nitong mga nakaraang araw.

After ng Independence Day Gig ni Bamboo sa Southmall at nung natapos na rin yung 8 hours na magkasama kami ni Caloy, ayon. Wala na. Hanggang doon na lang. Wala na kaming communication kahit text, tawag, fb o kahit na ano pa man. Mas okay na rin sa akin yon, tanggap ko naman. Ang hirap kayang sumaya lalo na kung alam mong hindi naman totoo yung nararamdaman mo. Sabihin na nating medyo totoo pero puro ka-talkshit-an lang naman lahat yon. Parang naka perfect ako sa isang quiz na hindi naman recorded o parang namangka ako sa kalsada na hindi na nga ako umuusad nagmukha pa akong tanga. Ewan. Labo. -_-

Haaaaay! Eto pa yung masaklap. Yung pinaplano kong house party, mukhang hindi matutuloy. Sabi kasi sa akin ni Caloy, mukhang malabo na talaga si Ysabel at si Markus. Ayoko sanang maniwala sa kanya pero siguro nga tama siya. Medyo natauhan na ako. Shocks! Ngayon ko lang napagtanto na napaka pakeelamera ko sa relasyon ng iba. Palibhasa wala akong ka-relasyon. Hanggang 8 hours lang ako. </3

Habang busy sila lahat maging estudyante, ako naman busy sa family business. Nakaka miss maging college student bakit kasi ang bilis kong natapos yung course ko, hindi tuloy kami sabay sabay ga-graduate. Mas nauna ako sa kanila. BSBA Major in Marketing Management yung course ko. Nasa University Belt yung school ko. After school nag soul searching na ako. Matagal din akong nagtago, na-enjoy ko naman yung pag mu-muni muni ko, bumalik ako kasi maraming negosyo yung pamilya namin na gustong ipamana sa akin. Medyo pressured ako. Yung bake shop namin, ginawa kong mala Maid Sama ang dating kasi favorite anime namin ni Ysabel yon. Sobra. Tapos may plano pa kami na magpa-cosplay sa 25th anniv. ng shop. Si Ysabel pa naman si Misa tapos si Markus si Usui. Haaaaay. Sa August 3, 2014 yung 25th anniv. ng shop. Sakto birthday ko rin yon. So next year na? Matuloy pa kaya yung plano namin? </3

Wala akong magawa. Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Bukas yung TV, laptop katabi ko yung cellphone ko pero ang boring talaga. At dahil tumatakbo talaga sa isip ko yung Maid Sama, pinanood ko na lang. Siguro pang 150 beses ko na tong napanood simula high school hanggang fourth year college so pang 151 na ngayon. :)

After non pinanood ko pa yung special ep. tapos nakaramdam ako ng gutom so bumaba ako at kumain ng ice cream. HAHA. Pag balik ko sa kwarto, chineck ko yung phone ko may 3 missed calls. Yung isa kay Mina, yung isa kay Mama at yung huli unknown number. Hmm... Tinext ko si mama "Hey mom, whut up?" Nag-reply siya "Pls. check your calendar and pls. anak, kumain ka ng totoong pagkain. We love you. -Ma & Pa." Luh? Anong okasyon at kailan pa naging aparisyon ang ice cream? Pagkain naman yon ah? :P

So ayun, chineck ko yung e-mail ko. Laaaah, may event nga ngayon, 6pm. Tsk! So, todo madali ako. Ngayon lang ako naligo ng limang minuto sa buong buhay ko. Pinalipad ko yung Honda Jazz ko na pink papunta sa venue.

Woah! Mansion. Pag baba ko sinalubong ako ni Mina.

"Leona! Bakit ang tagal mo? Ikaw yung event organizer diba?"

At anong ginagawa ng pinsan ko dito aber? Naka uniform pa galing school.

"Ha? Hindi kaya ako. Wala naman talaga to sa Calendar ko. Kanina ko nga lang nakita sa e-mail."

Nagtataka talaga ako. Bakit nandito si Mina at bakit nandito rin yung mga schoolmates niya? Yung totoo? Nag cutting classes tong mga to tapos gatecrasher ng event. GG.

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon