Chapter 40

97 2 0
                                    

(CALOY'S POV)

Hindi ko matantsa yung timpla ng gabi ko. Matamis ba? Putcha! Bakit pa kasi tumawag tong si Ysabel e. Ayan tuloy, may mga nararamdaman yung sistema ko na hindi ko naman dapat nararamdaman. Wa-epek pala kahit walang cellphone yung babaeng yon, lakas maka landline e. Tapos tatawagan ka pa kahit disoras na ng gabi. -________-

"Caloooooooooooooy! PENDONG PEACE!"

Yun na ata yung pinaka nakakatakot na sinabi ni Ysabel sakin. Mukhang alam ko na kung saan to tutungo. Waaaaaaaaaaah! Pakshet! Hindi ako makatulog!

BANGUNGOOOOOOOOOOOOOOOT! O_________O

Ang tagal naman mag 4pm. Gusto ko ng malaman kung siya nga. Nakooooooooooo!

 

*June 12

 

SM Southmall

Grabe, alas dose pa lang ng tanghali pero nandito na ako sa Southmall. Atat ba? Hindi naman, medyo ayokong magpa importante kay Leona ngayon since ako naman yung nagsabi sa kanya na magkikita kami sa Mcdo ng 4pm.

Ang daming issues ng babaeng yon. Nakakairita. Bakit? Kasi palagi akong damay. Anong kinalaman ko? Haaay. Hirap maging pogi. Pogi na mabait pa, swerte niya kaya ko pang pagtiyagaan kakulitan niya.

Nakatambay ako ngayon sa Hollys. Kape kape rin pag may time.

*Ring~...........

*Maku

"Tol."

"Pre, okay na. Nasa mail box mo."

"Salamat tol."

"Good luck mamaya."

"Lul."

"Be gentle pre, wag mong biglain, mahirap na."

"Dadahan-dahanin ko lang."

"Haha. Bilib talaga ko sa'yo, sige."

Loko loko talaga yon.

Ang lakas ng loob kong sabihan si Maku ng good luck. Subukan ko kayang sabihan yung sarili ko ng good luck. Hmp.

Waaaaaaaaaaah! Ang tagal mag 4pm.

------------------------------------

*3:54PM

*MCDO SM SOUTHMALL

Kasalukuyan kong pinapapak yung mga yelong natira sa Mcfloat ko. Nakaupo ako sa tabi ng salamin pag dungaw tanaw ko yung escalator at Department Store. Lintik. Para akong na te-tense. Iba kasi dating ng tense sakin, para akong natatae na ewan. -_________-

Epekto ba to ng mga nakain ko at ininom? Simula kanina pag dating ko dito wala na kong ibang ginawa kundi kumain.

Maya maya darating na siya. Punctual naman siya kaya dapat pagkalipas ng anim na minuto nandito na siya.

*Tok tok

Ang boring. Pero ayos ring pampalipas oras yung pagpapak ng yelo. Nakakalibang. Lumingon ulit ako sa may kaliwa ko. Baka matanaw ko na si Leona.

What the what the what the whaaaaaaaaaat?

Shit! Hot chick! Hita pa lang pamatay na.

Habang nilulunok ko yung mga durog na yelo sa bibig ko, may natanaw akong legs. Pababa pa lang ng escalator. Nag slow mo bigla ang lahat. Naka vans siya na pink, hindi maputi yung legs pero makinis. Medyo maiksi yung maong shorts niya ewan ko short shorts? Dangkal shorts? Basta ang sexy ng dating. Tapos yung see through niyang long sleeve top color black.

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon