(MIGUEL'S POV)
Ang hirap maghintay lalo na kung hindi mo alam kung darating pa ba talaga yung hinihintay mo.
Pero syempre uuwi yon, bahay niya to eh. \:D/
Bakit ganon? Kailan pa siya uuwi? Saan kaya natutulog yon? Tsk! Kasi naman...
Sobrang nag-aalala na talaga ako sa kanya. Hindi ma-reach yung phone niya. Wala naman akong number ng mga kabarkada niya. Hindi ko rin kilala. Dalawa lang sa mga kaibigan niya yung nakita ko sa personal. Yung isa, yun yung nakabangga ko na nagjo-jogging at yung isa naman, yung mukhang hapon na humarang sa baseball bat na konti na lang tatama na talaga sakin. Wew!
Kapag naaalala ko yon hindi ko mapigilang matawa. Ang epic! Lalo naman si Pongs! HAHAHA! HA! HA! Ang kulit lang. :3
Ano ba yan, nababaliw na ata ako. Nahawa na ako kay Pongs. Ngumingisi akong mag-isa. Mabuti na lang ako lang mag-isa dito sa bahay niya. Galit kaya siya sakin? Haaaay. Napapaisip na naman ako. Tsk.
Hindi pa naman ako dinadalaw ng antok kaya dapat libangin ko muna yung sarili ko. Bumaba ako sa sala. Nagkalkal ako ng mga DVD doon. Hindi ko kasi mabuksan yung laptop ni Pongs kaya DVD na lang. Wala naman akong makitang movie. Puro series ata to? Ang daming episode tsaka Korean drama?
Ma try nga.
*I Do, I Do
HAHAHA! Ep. 1 pa lang, laughtrip na. Ang kulit lang. May pangalan yung motor - Beyonce. \:D/
Naalala ko tuloy yung motorcycle trip namin ni Pongs mula Festi hanggang Mini Stop tapos iniwan lang niya ako don. Tch...
*Dugug!
*Silip sa bintana
Ano yun?
Medyo kinabahan ako. Madaling araw na kasi. Hindi naman horror yung pinapanood ko pero biglang nagtaasan balahibo ko.
*Tok tok tok
*Gulp!
Napalunok ako ng laway at lalo akong kinilabutan nung may kumatok sa pinto. Ayoko ng silipin ulit sa bintana mamaya kung ano pang makita koooo. Ganito pala yung pakiramdam ng mag-isa lang sa bahay nakakapraning!
Pero sige kaya ko to. Baka naman hangin lang? Teka, anong hangin eh wala ngang hangin. O sige, baka pusa lang. Kaya lang pano magiging pusa eh wala ngang nag "meow" tsaka may pusa bang kumakatok?! O.O
Kahit medyo takot na ako, ah hindi mali. Takot na takot na ako pero pinipilit ko pa rin. Kailangan kong malaman kung hangin lang yon o pusa. Ay hindi! Ano ba yan. Bakit ba kasi ang duwag ko. Pakiramdam ko may multo talagaaaa.
*Dahan dahang binuksan yung pinto
Oh?
Wala naman eh! Sus! Sabi ko na wala lang yun. HAHAHA! Nakakatakot naman kasi dito sa bahay nila Pongs, lalo na pag madaling araw, lalo na pag mag-isa ka lang...
Isasara ko na sana yung pinto ng
*WAAAAAAAAAAAAAH!
Napalundag ako nung may kumapit sa paa ko!
O_________________O
Pongs?
*Pikit pikit
"Pongs! Bakit nakahiga ka dyan sa sahig?"
Nataranta ako nang sobra! Itong babaeng to may sa aswang ba to? Ang lakas maka Halloween kahit May pa lang?
Agad agad ko siyang binuhat at hiniga sa sofa. Amoy alak siya. Lasing na lasing. Ano kayang problema nito? Ganito pala siya kapag lasing. Horror mode.
Napabugtong hininga na lang ako at pinagmasdan ko siya. Tsk. Malala to.
"Ysabellie Hernandez Buenavista! Kababae mong tao. Naku! Tara na, iaakyat na kita sa kwarto mo."
Binuhat ko siya at umakyat na kami ng hagdan. May mga sinasabi siyang hindi ko maintindihan. Umuungol pa siya na parang ewan. Ang lakas ng tama.
*YSABELLIE'S ROOM
Nilapag ko na siya sa kama. Aalis na dapat ako sa kwarto niya pero napahinto ako sa sinabi niya.
"Ma-kuuuuu s-sshorry. Beb plsssssh. I'm shooo s-horry."
------------------------------------------
(YSABELLIE'S POV)
Outch! Ang sakit ng ulo ko. :(
Sobrang sarap ata ng pagkakatulog ko.
*Hikab
Humarap ako sa kabilang side ng kama. Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko si Migoy na katabi ko.
O_____________O
Panong? Tsk. Ano na namang ginawa ko, bakit wala na naman akong maalala?
Shocks!!!
Napalundag ako sa sahig sa sobrang gulat.
OMG!!! Hindeeeeeeeeeeeeeeee?!!!!
Tumakbo agad ako sa C.R. Emeygaaaaaaaaaaaaaaaaahd!
-End of Chapter 27-
@elisiachico