Chapter 1

697 14 4
                                    

Ysabellie Hernandez Buenavista

-Allergic to stupid people. Therefore, I am allergic to myself.
-Annoying, selfish, silent-loud, on-off, weird, freak, jerk,
-Hates MATH! Lazy, loves to cut classes.
-Music enthusiast, frustrated rockstar
-Red-haired lady
-Married to Alexander William Gaskarth in my dreams

MEET

-Miguel Osborn Asuncion
-Markus Tan Ventura
-Leona Luna Quijano
-Carlos Alipe Buendia
-Patrick York Starr
-Peter Lerwick Young
-Janus Adam Miranda
-Rocky Road Rituallo
-Pako Elliot Meneses
-Sky Angelo Yoshida
-Ana Barbie Benipayo Fuentes
-Aira Historia Garcia
-Clair Arenas Garcia
-Sandy Velez Garcia
-Mina Quijano Davis

-Others...

(FESTIVAL MALL)

May 16, xxxx

Bakasyon naman kaya nagdecide kaming magliwaliw ng mga classmates ko. Actually, sila lang pala. Pumunta kami sa Festi para gumala at para malibre ko na rin sila ng bibingka. Sa totoo lang, medyo wala ako sa mood lumabas ng bahay.

"Hoy Ysabel! Wag mong titigan yang pagkain, baka magliyab yan!"

"Epal ka talaga Pako, pabayaan mo siya, e kung sa ganyang paraan niya gustong kainin yung pagkain e, pagbigyan mo na."

(TAWANAN)

Reality check: Nandito pala kami sa Mcdo. Kasalukuyan akong pinagtitripan nila Pako at RR.

Hindi ko ma gets kung paano ko napagtiyagaan tong dalawang mokong na to. Since first year college kabarkada ko na sila. Kahit minsan parang mga peste silang pang-asar sa buhay ko, mahal ko pa rin tong mga loko lokong to. Ewan, pero pansin ko lang simula pa nung bata ako hanggang sa mag college na, trip kong barkadahin lalaki. Less drama kasi. Tsaka puro kalokohan lang lagi, less stress more fun. :)

"Pwede ba, wag nga kayo! Nagdadasal lang ako. Palibhasa kayo, lafang agad trip. Thank you thank you rin sa blessings! Tss..."

Biglang nagtinginan yung dalawa sabay tingin sakin nang nakakaloko. Naglinis ng lalamunan si Pako.

"Ehem! Ehem!"

Sabay nag boses babae. Humarap siya kay RR at sinubuan ng fries.

"Baby, sarap ng fries diba? You want pa? I'll make subo it to you na lang. Ang sweet ko noh?"

Hinawakan ni RR yung kamay ni Pako at tinitigan ito.

"Sure Babe. Ang sweet mo talaga, kaya mahal kita e."

Sabay silang nagtawanan. As in hagalpak. T*ng ina! Ganong ganon yung eksenang nakita namin sa KFC Southmall.

Yung Markus na yon! Takte, biglang bumilis yung pagtibok ng puso ko. Naghalo yung kaba at sakit. Parang initak yung puso ko tapos dinurog durog pa tapos binudburan ng asin, paminta, suka, toyo. Tengene, sakit much! Adobong wasak!!! </3

Tawa pa rin ng tawa tong dalawang to.

Tinignan ko sila sabay sabi ng:

"Excuse me, hindi ako affected. Nakamove-on na ako kaya please lang, tigilan niyo ko!"

Tumigil sila sa pagtawa sabay nagsalita si RR.

RR: Wag kang umarte Bel, 'di bagay.

PAKO: Oo nga! Kunyari ka pang nakamove-on, e bakit nangingilid na yang luha mo? Tutulo na oh!

Hindi na ako nakasagot. Wala e, totoo namang affected pa rin talaga ako. Duh?!!! Hindi naman kasi ganon kadaling lumimot diba? =|

Para makatakas ako sa pang gigisa nila, kunyari may tumawag na lang sakin.

"He... Hello? (Sabay simot ng coke float) Ha? Ngayon na? Sige sige.."

Nagtaka naman yung dalawa.

PAKO: Sinong kausap mo? Si Markus? Nakikipagbalikan? :P

Binatukan ni RR si Pako.

RR: Oy Tol, ang sama mo. Wag ganon. Ang hard mo fre.

(Pako nabubulunan)

PAKO: Nagtatanong lang e, malay mo...

"Hmp! May date lang naman ako ngayon!"

Sabi ko na may pangasar pa na tono. Para mas convincing, medyo nagre-touch pa ko.

"Lul Bel, sinong niloko mo?!"

Madiin na sabi ni RR.

PAKO: Hindi ka na ba kontento sa dalawang poging ka date mo ngayon? Bat naghahanap ka pa ng iba?

"HAHAHAHA! Yun yung LUL! Uber sa ka-LUL-lan!!! :D Hoy Pako! Manahimik ka nga! Bakit wala na bang karapatang makipagdate ang isang magandang nilalang na tulad ko? Anong gusto niyong gawin ko? Maglaslas, magbigti, pasagasa sa tren, uminom ng shampoo, magmumog ng conditioner, magsuicide dahil lang sa niloko ako ng ex-boyfriend kong... *Sigh. Life must go on Ayokong maging miserable nang dahil lang sa break-up na yon. Kawalan niya yon, stupid niya niloko niya ako."

PAKO: Hoy! Wag ka ngang sumigaw dyan, amazona tong Pandang to! Hindi lang ikaw tao dito sa Mcdo. Tsaka bakit mo ba samin binubunton e hindi naman kami yung Markus mo? Oo na nga e, sige na. HB agad? Diba may date ka? Ikaw din, papanget ka nyan. Tsaka naisip ko lang, bakit hindi mo na lang kasi siya gulpihin katulad nung ginawa mo sa akin noon? Nako po! Naaalala ko na naman Bel, grabe ka, ang morbid mo!

RR: Baka magulpi niya. Boyfriend niya eh, ay ex na pala. Minamahal noon, minahal na lang ngayon. :D Sige na Bel, deserve mong lumigaya. "You want to be happy" diba? Motto mo yun? Osya, shupi! Iwan mo na kami ni Pako. Hangad namin ang kaligayahan ng hypothalamus mo. Sige na.

Sa wakas at makakatakas na rin! Whooooohoooh! Sabog fireworks! HAHA. Anong oras na ba? Time check 8:00pm. Ayos! Maglalaro ako sa X-site hanggang sa magsara tong mall.

Nakalabas ako sa Mcdo nang matiwasay. Nilingon ko yung dalawa. Ayun, nagbubulungan at nagbubungisngisan. Siguro alam naman talaga nila na gusto ko lang mapagisa. Kilala na kasi nila ako kapag nagsisinungaling.

Haaay... Damn it still hurts. Sorry guys, don't worry, babalik din ako sa normal soon.

Promise yan.

-End of Chapter 1-
@elisiachico

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon