Chapter 8

268 6 3
                                    

(SKY'S POV)

Haaay! Ohayo Gozaimasu! Ang ganda na sana ng tulog ko kaso lang nabingi ear drums ko sa tawag ni Anabee. Ano naman kayang problema nun? Bakit ba ako iniistorbo nun ng ganito kaaga? Ayon sa call history, 5am pa lang pala, tinatawagan na niya ako? Naku, dinaig pa alarm clock ko. Bakit hindi si RR yung tawagan niya? Nak ng! Ay teka, nadala kaya ni RR yung phone niya kasi diba biglang nagmadali na lang sila ni Pako na umalis after nung eksena ni Pako at ni Sandy dahil yung lolo nila sinugod sa ospital? Hahay! Bakit kailangan ako mamroblema? Ay ewan! Makapag toothbrush na nga lang.

Pumasok ako sa C.R. sa kwarto ko. Habang nagsisipilyo, biglang pumasok sa isip ko si Ysabel. Ay! Oo nga nuh? Hindi ko na siya nahintay kagabi, ang tagal e, natulog na ako. Lumabas ako sa asotea ng kwarto ko dala yung mouthwash.

Wow! Ganda ng umaga, warm...

Damang dama ko na yung ultraelectromagnetic colgate plax na minumumog ko at ready na akong bumalik ulit sa C.R. para dumura nang biglang may nakita akong lalaking nakaboxers lang na mukhang kano na mala bench body ang katawan na may hawak na walis at tarantang nagtatatakbo na akala mo hinahabol ng aso na dumaan sa harap ng bahay namin at, te--ka, may humahabol sa kanya. Si Ysabellie! HAHAHA. Laughtrip yung attire ni Ysabel, naka daster! :D

HAHAHA. Yung pantulog niyang white tapos may Panda na design. Suot pa niya yung Panda slippers niya na sinusuot niya lang sa loob ng bahay. Ayaw niya talagang marumihan yun e. Pero ano to ngayon? Anong eksena na naman to? Bakit may hawak siyang baseball bat?

"Pagbabayaran mo yung ginawa mo sa akin kagabi! Lintik lang ang walang ganti! Tandaan mo yan!"

Nung marinig kong sinigaw ni Ysabel yon, yung dapat idudura ko nalunok ko bigla.

*GULP!

Ehem! Ubo! Ubo! Ubo! Naman.... Nabilaukan pa ako.

A--ano raw? Anong ginawa nung lalaki sa kanya kagabi? Anong meron? At bakit nakaboxers lang yung lalaki at galit na galit itong Pandang to???

May nangyari kayang.... Tooooooooooooooot! *Censored

Hindi na ako nagpatumpiktumpik pa. Agad akong nagayos ng sarili at makiki usi na ako. Oh hindeeeee! Kung totoo man yung tumatakbo sa isip ko, pero sana hindi. Bakit ka bumigay Ysabeeel!? Porket ba may abs lang yung hinayupak na hinahabol mo at gwapo rin katulad ko, kailangan isuko mo na ang Bataan?!!!

Wew! Hindi! Hindi magagawa yon ng kababata kong Panda! Think positive Sky, wag T.H. (tamang hinala) Conservative tayo dito. Walang ganyang kaganapan.

(ANABEE'S POV)

Pawis na pawis na ako dahil sa pagjo-jogging, feeling ko na burn na lahat ng fats ko pero hindi pa rin ako kino-contact ni RR. Hindi ko mareach yung phone niya, ni Pako pati yung phone ni Ysabel kaya si Sky na lang yung kinukulit kong tawagan baka kasi may idea siya kung nasaan si RR pero ignore ignore lang siya ng mga tawag ko. Aba, na seenzoned ang calls ko? :(

Alam ko na! Dadaan ako sa bahay niya, sakto magkatapat lang sila ni Ysabel ng bahay. Ang tagal ko na ring hindi nakikita si Ysabel e. After kasi ng break-up nila ni Markus, nagtatago na yun. Hindi na nagpapakita sa amin. Dapat sasama ako sa kanila sa Festi kasi unang labas ng bahay yon ni Bel as far as I know, kaso nasa makati ako.

So, jog jog pa rin ang drama ko hanggang sa makarating ako sa bahay nila Sky at Bel. Nakatingala ako habang nag jo-jog. Nag pa-pray kasi ako sana walang nangyaring masama kay RR, ewan ko ba kung ano ano na yung mga naiisip ko. Tsk. Malapit na ako sa bahay nila nang biglang-----

*BOGSHHHHHHHHHHHH!

*Anabee nadapa

"Ano ba naman yan! Bakit ba trip ng mga taong binabangga ako, mukha ba akong pader?!!! Grrrr >.<"

"Miss, sorry, please help me may humaha-----------"

"Yaaaaaaaaaaaaaa! huli ka!"

*Tumakbo si Sky papalapit sa tatlo at inawat si Ysabel.

"Sensei, waaaaaaag!"

*Saktong dapat tatama na yung baseball bat sa abs ni Miguel, mabuti na lang at nahawakan agad ni Sky si Ysabel.

-End of Chapter 8-
@elisiachico

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon