Chapter 53

95 2 0
                                    

*9AM

Waaaaaaaah! Lintik na Caloy to pinuyat ako. Ang lagay eh siya tulog pa rin ako...

*Kamot sa ulo

*Hikab

NAGUGUTOM NA AKO!!! :P

Marami ba kaming nainom at bakit parang hindi naman? Pero yung totoo? Dito na kami sa rooftop nakatulog. Ang sakit ng likod ko eto namang si Caloy enjoy na enjoy sa lamesa.

Bumaba na ako para kumain. Napapaisip pa rin ako sa convo namin ni Caloy kagabi. Ano kaya? Dadalaw ba ako o hindi? Waaaaaaaaah! Anong gagawin ko? </3

*Flashback

"Bel, dito na ako matutulog ah?"

"Hindi ka uuwi sa dorm?"

"Hindi. Wala namang pasok eh. Baka bukas mag Tagaytay kami nila Patrick at Pete. Sama ka?"

"Kayo lang? Hindi kasama si Mak----"

"Hindi. All Souls Day bukas diba? Magdamag sa Manila Memorial Park yon para dalawin yung parents niya. Dadaan na lang siguro kami doon."

*End of Flashback


Tsss! Ano ba tong feeling na to? Para akong natatae na ewan. Kinakabahan ako, ano bang dapat kong gawin? Pupunta ba ako sa Manila Memorial Park o...

*MEDYO FLASHBACK

Habang nagkakalkal ako ng mga natirang foods kagabi sa ref sa kitchen,

*Ay! Kalabaw!

Nagulat ako kay Caloy. Asssssssar! Bigla biglang nasulpot eh!

"Anak ng! Carlos naman! Wag ka ngang susulpot bigla, nakakagulat ka naman e!"

"Bawas bawasan din kasi pag aadik sa kape, ayan tuloy."

"Baliw. Ano bang gusto mong kainin? Bukod sa leftovers, meron akong cup noodles dyan sa cabinet, marami yan mamili ka na lang kung anong fla---"

"Seryoso ka? Hindi ako kakain ng cup noodles nuh? Mag init ka na lang ng natirang ulam o kung desserts na lang yung natira, magluto ka!"

Aba!? Demanding nitong labo na to! Kakaltukan ko to eh! Ang aga aga...

"Hoy! Umuwi ka na nga sa inyo! Choosy mo pektusan kita sa kuko eh! Pinagiinit mo ulo ko. Tsk!"

"Ikaw naman kasi, kailan ka ba matututo magluto? Siguro kaya kayo naghiwalay ni Maku? Kasi walang future appetite niya kung saka sakaling ikaw yung mapangasawa niya."

Aba talagang?!!!

"Me? Hindi marunong magluto? Hinahamon mo ba talaga ako?! Gusto mo ata talagang pakitaan kita eh nuh?"

"Gege. Tagaaaaaal!"

"Ano bang gusto mong kainin kasi?!!!"

"Yung may sabaw."

"NOODLES nga! May sabaw naman yun ah?"

"Ano ba naman Bel, hindi ko alam kung mamamatay ba ako sa gutom ngayon o mamamatay ako sa kakatawa. Hayup ang brainy mo talaga!"

*LAUGHS

Tengene neto ah.. >.<

"Hoy Carlos Alipe Buendia. Just wait and see, maglaway ka!"

Tsk. Ayan napasubo tuloy ako.. Ginawan ko siya ng Bacon Pancakes.

"Ayan, hindi ka na mamamatay sa gutom ngayon o mamamatay sa kakatawa. Mamamatay ka sa sobrang-----"

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon