(MAKU'S POV)
Happy na birthday pa. Best gift yung malamang nandito siya ngayon sa bahay ko. Na miss ko yung maingay niyang boses, yung pangdadarag niya, yung panenermon niyang may halong pag-aalala, yung tono niyang para bang music to my ears, yung warm niyang kamay na ngayon lang ulit nadama ng kamay ko, yung paghikbi niyang hindi mapigilan, yung tahimik niyang pag-iyak at higit sa lahat, yung presensya niya na nagpapaalala sa akin na nandyan lang siya sa tabi ko at hindi niya ako iiwan.
Sa tingin ko hindi na talaga niya ako mapapatawad. Kung alam lang niya... =|
Hindi ko talaga inaasahan na pupunta siya dito ngayon. Okay na kaya kami? Kahit konti lang, may pag-asa pa bang...
Grabe, nakakahiya. Nadatnan pa niya akong lasing kagabi. Shit. Pero kahit na wasak ako sa kama kagabi, na absorb pa rin ng sistema ko yung mga sinabi niya, yung mga sinigaw niya. Haaay. Yung bibig niya talaga, tuloy tuloy! Pwedeng pang fliptop battle! Galit na galit yung tono niya. Sobrang sakit. Ramdam ko siya. Ramdam ko yung pait, yung mga luhang pumatak.
Sorry Ysabellie, sorry talaga.
Grabe yung pakiramdam. Lutang ako, sobrang lutang hindi dahil sa alak. Mas malupit pa rin yung tama ko sa kanya. Alam niyo yung pakiramdam ng kinikilabutan ka, kinakabahan, yung may halong kilig? Butterflies in my stomach? Yon ata tawag dun. Pero pucha! Hindi na ata paru paro tong nasa tiyan ko eh.
Medyo naalimpungatan ako mga pasado 10PM. Pag gising ko, wow! Ang linis na ng kwarto ko. Buti nakabangon na rin ako. Pasensya naman, medyo takam lang sa alak. Ewan ko, naging gawain ko na ata. Magmula pa to nung Valentine's Day.
Matapos yung araw na yon, pakiramdam ko bumalik na naman ako sa dati. Feeling ko 7 years old ulit ako.
7 years old ako nung namatay parents ko dahil sa car accident. Pauwi na sana sila sa bahay. Sabi ng lola ko may meeting lang daw. Hindi ko alam kung tungkol saan pero siguro sa negosyo. May 23 non, birthday ko.
Medyo nalibang ako kasi marami akong kalaro. Maraming ininvite si lola na bata. Nabagot na ako nung nag uwian na sila. Gabi na kasi. Ang tagal pa rin ng parents ko. Parang gusto ko ng umiyak non pero binaling ko na lang sa pagbubukas ng mga regalo yung lumbay ko.
Speaking of regalo. sabi sa akin nila dad at ma, may gift daw sila sa akin. Complete set ng Power Rangers. Sobrang excited ako sa gift nila sa akin pero hindi pa sila umuuwi.
8PM ng may tumawag sa landline. Hindi ko kilala kung sino yung kausap ni Lola pero bigla na lang humagulgol si Lola. Lalapitan ko dapat siya pero sabi niya umakyat daw muna ako sa kwarto ko. Sinamahan ako ni Manang Lena. Paulit ulit akong nagtatanong kung bakit, kung anong nangyari, kung sila dad na ba yung tumawag, kung malapit na ba silang umuwi kasi gusto ko ng malaro yung Power Rangers na regalo nila sakin tsaka ayokong kumain ng cake ng hindi sila kasama kasi papahiran ko sila ng icing sa mukha.
Gusto kong magharutan kami nila dad at ma katulad ng madalas naming gawin para lang antukin ako. Kahit kailan kasi hindi nila ako binasahan ng bed time stories, puro pausong kwento nila yung naririnig ko tapos ayun, aantukin na ako.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman nung mga panahon na yon. Yung makitang umiyak si Lola, parang may kumurot bigla sa puso ko. Gusto ko na rin sanang umiyak pero pinigilan ko. Dapat masaya ako diba? Kasi nga may HAPPY sa Happy Birthday. Happy Birthday ko yon, dapat walang malungkot, dapat walang iiyak. Dapat umuwi na sila dad, dapat kakain na kaming magkakasama, kakantahan nila ako, mag wi-wish ako, ibo-blow ko yung 7 na candles, sisigaw sila ng yehey na may halong palakpakan, iaabot nila yung gift nila sa akin tapos may feeling na parang ako na yung pinakamasayang 7 years old nung mga panahon na yon.