Chapter 20

178 4 7
                                    

*May 26, 2013

(MAKU'S POV)

Arrrrg! Sakit ng ulo ko. Shit! Buhay pa pala ako. Grabeng hang over na naman. Iba talaga pag mga tomador din kasama mo sa inuman e, mapapa rami ka talaga. Medyo matagal na rin mula nung huli kong nakainuman sila Peter at Patrick. HAHA. Mga Boy Red Horse. Sobra na kami sa tama.

Badtrip yung ganito ka gigising? Halos araw araw na lang ganito ako. Sus, hindi pa ako nasanay. Sinusubukan kong limutin, pero hindi pa rin e. Humihiram na lang ako nang lakas sa alak. Panandalian lang. Walang kwenta! Pero mabuti na rin yun, kahit parang sinasaksak pa rin yung puso ko, kaya pa naman e. Buhay pa nga ako. Hanggang kailan pa ba ako ganito? Nakakasawa rin.

Pagtapos ng birthday ko, parang mas lalong lumalala yung sitwasyon ko. Mas okay na sana kung hindi ko na nakita si Ysabel matapos nung Valentine's Day. Matapos nung gabing winasak niya ko. Ilang buwan din akong nagkulong dito sa bahay. Lalabas lang ako pag magbabayad ng bills, grocery, atbp. Wala na kong social life. Sobrang wala na.

Ayan, sila Peter at Patrick kinukulit nila ko. Magmula pa nung March? Nagtataka rin ako bigla silang sumulpot. Dati rin silang taga BFRV pero lumipat sila ng Q.C. nung high school. Childhood friends ko sila. Kasama sila sa 7th birthday ko. Yung kinuwento ko? Yung birthday-ko deathday ng parents ko? Dahil sa nag home study ako nung elementary, hindi ko sila naging kaklase pero ang liit lang talaga ng mundo, classmate nila si Ysabel nung Elementary.

Hindi talaga ko lumalabas ng bahay after nung mga nangyari nung bata pa ako. Lalong ayokong makakita ng kalsada o makihalubilo sa ibang tao kasi pakiramdam ko lahat sila masama. Yung lahat ng nasa labas ng bahay namin kasalanan nila kung bakit namatay parents ko? Ewan ko pero makitid talaga utak ko nung mga panahon na yon.

Parang kapatid na turing ko sa dalawang yan. Pagka galing nila sa school, diretcho school service nila sa bahay namin. Hindi pa sila umuuwi agad kasi nakikipag laro pa sila sakin tsaka kinukwentuhan nila ko ng mga happenings sa school nila. Dahil sa kanila bumilis yung recovery ko. Hindi na ko masyadong takot sa tao tsaka medyo lumalabas na rin ako. Nag ma-mall kami nila lola kasama sila Pete at Pat. Minsan naman kasama parents nila. Pero hindi sila magkapatid ah?

Hindi talaga nila pinapatahimik cellphone ko. Walang katapusang texts at tawag. Kung san san nila ko niyayaya. Punta daw kami don, attend daw kami ng gig ng bandang ganito ganyan, inuman daw kami sa bar na wala masyadong chicks kasi baka raw bugbugin sila ni Ysabel pag nalaman na niyaya nila kong mag inom at gumimik.

Hindi nila alam na wala na kami ni Bel. Alam ko namang napilitan lang si Ysabel na dalawin ako nung birthday ko dahil bumalik na si Leona. Ayos din yung babaeng yun e. Babalik dito sa Las Pinas saktong birthday ko. Saya nuh?!

Pero okay lang. Si Ysabel na ata yung pinakamagandang regalo na natanggap ko. Magmula nung naging kami, nung sinagot niya ako sa Manila Memorial Park hanggang yung nitong birthday ko lang. Hindi niya pa rin ako binibigo. Lagi ko siyang nakakasama tuwing birthday ko, kahit na wala na kami.

Ang saklap nga lang ng ending ng birthday ko. Nagkasakitan na naman kami ni Bel ng damdamin. Umalis siya sa bahay na to nang umiiyak. Nasaktan ko na naman siya. Tsk.

Pagtapos umalis ni Bel sa bahay, nga nga na lang ako. Feeling empty. Ang stupid ko!

Biglang may nag door bell. Isang hindi inaasahang bisita.

*MEDYO FLASHBACK

*May 24

*8:15 PM

CARLOS: Oy bro, happy birthday!

AKO: Caloy! Napasugod ka?

CARLOS: Galing lang ako sa kabila (bahay nila Caloy sa Las Pinas). Ano? Asan na yung mga pambara tsaka mga panulak?

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon