Chapter 19

184 5 5
                                    

(YSABELLIE'S POV)

Naiinis na talaga ako. Yung feeling ng sobrang daming bumabagabag sakin? Eh kasi naman kanina pa to sa Star City tapos itong si Migoy, pa suspense! Ang dami rami ng mga kasagutan na bumibitin sakin! Hmp.

Yung kanina sa Star City, yung parang bigla na lang akong lalagnatin. Pano kasi naalala ko nung nag Star City kami ni Maku. Shems! Ewan ko ba pero pumapasok pa rin yung memories. Nakakaasar lang. *Sigh

Kakatapos lang naming kumain sa Mcdo. Sumakit yung tiyan ko, nabigla ata ako. Hehe. Alam niyo naman kung pano ko kumain e. :)

MIGOY: Pongs, ang tahimik mo naman! Salita rin!

Napabugtong hininga ulit ako...

MIGOY: Tch... Alam mo hindi bagay sa'yo yung naka simangot. Tignan mo oh, gusut gusot yang mukha mo. BWAHAHA.

AKO: MANAHIMIK KA NGA! MAKA ASAR KA AH?! BAKIT MAY NAKA SIMANGOT BANG MAGANDA?! MERON?! MERON?!! IKAW GWAPO KA?! ITAPON KITA DIYAN SA SEASIDE EH! BILISAN MO MAGLAKAD ANG BAGAL MO! Tsssssssssssssssssssssss!!! >.<

Grabe na talaga! Napipikon na ko sa isang to! Haaay. Shunga ko lang bakit tinanong ko pa kung gwapo siya eh matik na naman. Ang lakas kaya ng ebidensya. :P

Habang naglalakad kami... Hinawakan niya bigla yung kamay ko.

MIGOY: Pongs sorry na. Ikaw naman kasi galit agad e. Medyo madilim na yung nilalakaran natin kaya aalalayan na kita, mamaya madapa ka pa. Eng eng ka pa naman. :)

Hindi na ko kumibo. Sa totoo lang, madilim na talaga papuntang seaside. Karamihan kasi ng store sarado na. Anong oras na kasi.

Pag akyat namin ng overpass...

MIGOY: Pongs, ang ganda ng view oh?

AKO: Anong maganda sa highway?

MIGOY: Anong highway? Hindi highway! Ayun oh, yung seaside, yung mga ilaw, yang Mall of Asia na nasa background mo tsaka yung ferris wheel.

Grabe, Tuwang tuwa si Migoy, parang bata e. Sarap pektusan sa spinal cord!

"Pongs, strike a pose! dali!"

*flash *flash *flash

"Migoy tama na. Maka picture ka ah?"

"Sus! kunyari ka pa, lahat naman ng shots mo ready ka. Wag ka na magalit Pongs! Sulitin na natin tong gabing to! Medyo bitin sa Star City pero ituloy na lang natin dito. Wag na KJ ako na photographer mo." :)

"Sus! Kahit kanina pa sa Star City marami ka ng stolen shots ko."

"Ang cute mo kaya sa mga stolen shots! Diba nga attitude is like posing for photos. We pose the way we want to be seen by others but stolen shots are the best!' kasi they capture what we really are."

"San mo na naman napulot yan? Sa Twitter? Lakas mo sa mga ganyan ah?"

"Sa GM yan. HAHA" :)

Habang pababa na kami ng overpass biglang sumakit puson ko.

Outch! *Sabay himas sa puson

MIGOY: Oh bakit?!!

Inalalayan ako ni Migoy pababa ng hagdan. Ang sakit talaga. IMBA =|

(MIGUEL'S POV)

Alam ko badtrip siya sakin. Ewan ko pero nililibang ko na lang siya. Pano ko ba kasi uumpisahan? Hirap! Kahit papano gusto kong maging memorable to samin. O sige, kahit sakin na lang to memorable.

Grabe! Laughtrip talaga mga pictures niya sakin! Lakaaaaaas! Okay na sana pero nung pag baba namin bigla siyang napa-outch! Namumutla na siya. Anong nangyayari dito! Lagot na!

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon