Chapter 9

230 7 3
                                    

(MIGUEL'S POV)

Waaaaaaaaah! Gulp! Help! Grabe talaga tong si Ysabel, nakapag exercise ako ng hindi oras e. Habulan ba naman kami sa buong subdivision. Ano to, bente uno? Itong babaeng to, pang Milo Marathon e. Tapos, sino naman tong mukhang hapon na to? Tsaka itong nagjo-jogging na nabangga ko? Patay na talagaaaaaaaa...

Grabe rin yung facial expressions ni Ysabel. nakakatawa e! Yung tipong galit na galit siya na pawisan pero ang cute cute niya pa rin? HAHAHA. Para kasing bata. Yung pantulog pa niya na Panda, yung circles niya sa mga mata, olanap mga tsong! Samahan pa ng Panda slippers. Mukha na talaga siyang Panda, kulang na lang bamboo, pang cosplay na! xP

Habang kung ano ano ang tumatakbo sa isip ko at nakaupo pa rin ang posisyon ko sa kalsada, yung lalaking mukhang hapon, tinulungang bumangon yung nakabangga ko tapos sinenyasan nila si Ysabel. Para bang nagtatanong kung anong nagyayari? Si Ysabel naman, pinandidilatan ako ng mga mata hanggang...

Hanggang sa may dumating...

MANONG MERALCO BOY: Meralco po! #65? Magandang umaga po, magre-reading lang po.

YSABEL: Opo, sa amin po yan. Ate Mayen! Meralco raw po! Ate Mayeeeen?!!! A-------

SKY: Ysabel, wala ka ng kasama sa bahay, hindi mo alam?

YSABEL: Huwaaaaaaaaat?!!!

SKY: Nung pauwi na ako kagabi, nakasalubong ko si ate Mayen. Ano yun naglayas? Mukhang nagalsabalutan na e. Ang daming dalang bag.

YSABEL: Ano ba yan! Bakit hindi ko matandaan mga nagyari kagabi paguwi ko? Lintik kang mister ka! Kasalanan mo to lahat!

Sinigawan na naman niya ako. Haaay. Pumasok siya sa bahay nila at pinapasok si Manong Meralco Boy. Sumunod na rin yung hapon at yung nagjo-jogging. Nyay! Pasok na rin ako, baka makita pa ako ng ibang kapit bahay, iba pa isipin nila... Baka sabihin nila wala akong moralidad. Walang ethics. ^________^v

(Living Room)

Nakaupo ako sa bean bag. Para akong batang takot na takot na naghihintay ng sermon ng mommy niya. Patay na! Mukhang mahaba-habang lecture to. WEW!

Nasa may garden si Ysabel kasama yung dalawa. Tanaw ko sila mula sa sala. Si Ysabel palakad lakad sa harap nung dalawang nakaupo sa may garden set. Nag ayos na ako ng sarili, papasok na sila.

Umupo yung dalawa sa may sofa sa tapat ko, si Ysabel naman nakapamewang sa harap ko.

YSABEL: Magpaliwanag ka nga! Paano at bakit? Bakit alam mong nasa Festi ako kagabi? Paano ka nakarating dito sa bahay kooooooo?!!! Member ka ng SBG nuh? Huh? Anooooo?!!!

AKO: Ha? Eh kasi---teka, ano yung SBG?

YSABEL: Sugod Bahay Gang. Hindi mo alam?!!!

Nagtawanan yung dalawa. Talagang hagalpak. :D

Ayan na naman si Ysabel. Yung mukhang paseryoso pero mga banat laughtrip e. Nagpipigil ako ng tawa kasi baka masira yung moment niya. Galit na galit pa naman.

YSABEL: Ano? Di ka sasagot?!!! Sagutin mo nga ako, ano?!!!

AKO: Eh diba tayo na? Kagabi lang sinagot mo ko tapos... HAHAHA.

*GRIN

YUNG DALAWA: ANOOOOOOOOOO?!!! O________O

YSABEL: YAAAAAAAA!

*Walk out

Kinabahan ata siya, bigla pang namula. Pumunta siya sa kitchen. Nagsalita na yung mukhang hapon.

SKY: Anong sabi mo? Pwedeng pakilinaw?

AKO: Kasi kagabi, nag YES siya, so kami na nga.

Yung babae naman yung nagsalita..

ANABEE: Emeygaaaaaaaaaad? Si Ysabel may bf ulit??? Let's celebrate! House party na to! Tamang tama, namiss ko na pool nila Bel! Weeeee! House party, pool party, overnight, inuman, lamon ayos! Mag G-GM na ako!

Nagpipindot agad yung babae sa phone niya. Mukhang seryoso nga at nag GM? Yung mukhang hapon naman ewan ko pero abot tenga kung makangiti e. Hmm... Mukhang positive vibes to ah? Okay lang sa mga friends ni Ysabel na ako bf niya? Hihihi. Iba talaga pag gwapo e. Pero, ano yung sinabing may 'bf na ULIT?'

Ibig sabihin...

Pero seryoso, kabado ako sobra. Naghihintay ako ng violent reaction pero wala akong narinig mula kay Ysabel. Nagsalita ulit yung hapon.

SKY: Anong pangalan mo? Tsaka panong?

ANABEE: Oo nga!

Sasagutin ko na sana yung mga tanong nila nang biglang may narinig kami sa kitchen. Tumakbo agad kaming tatlo.

Nalaglag na tinidor. Yun yung nadatnan namin. Si Ysabel nasa dining area. Nakaupo, umiiyak siya. Ano kayang problema niya? Grabe naman umiyak to, pang teleserye e, pwedeng artista. Yung mga luha pa niya naguunahan sa pagpatak. </3

Yung reaction nung dalawa: O___________O

Nanlaki talaga yung mga mata nila sa nakita nila. Ah nga pala, since wala ng kasama sa bahay si Ysabel, ako na nagprepare ng breakfast.

Cowhead choco

Mixed fried rice

Hotdogs

Eggs na may Heinz Tomato Ketchup na smiling face

at syempre BACON PANCAKES!

Hindi pwedeng mawala yon dahil alam kong favorite niya talaga yon! :D Hindi rin pwedeng absent ang fresh at pampakilig na red rose with sticky note na:

"Good Morning Girlfriend! With all my love, MIGOY. <3"

Grabe, ginutom tuloy ako. Pinaghirapan ko lahat yan! Maaga talaga akong gumising. Lahat basta para sa KANYA <3

Umiiyak pa rin siya na may pahikbi hikbi pa. Tinitigan niya ako, outch </3 hindi ko kayang makita siyang umiiyak pero hindi ko maawat. Hindi ko alam kung bakit hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. *PARALYZED.

Yung dalawa naman, tahimik lang. Nagulat talaga. Magsasalita na sana ako para mag-explain at para ipakilala na ang sarili ko nang biglang tumakbo si Ysabel papalapit sa akin at niyakap ako.

AKO: O________O

Siya? Umiiyak pa rin. As in hagulgol sabay nagsalita na siya. Hindi masyadong malinaw yung mga sinabi niya kasi yung mukha niya nakasubsob sa hot na hot kong body. :D

"Mi---migoooooy? I--ikaw ba ba talaga yan? Akala ko patay ka na, kasi nung bumalik ako wala ka na... Huuuhuuuu.. Sabi ko kay daddy nandon ka lang pero wala ka na... Kailangan na naming umalis non, hindi na kita nakita...." =|

Dugdugdugdug. Matapos niyang sabihin yon, naluluha na ako. Bumalik lahat ng childhood memories ko.

AKO: akala ko nakalimutan mo na ako eh, Pong Pong. xP

-End of Chapter 9-
@elisiachico

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon