Chapter 21

183 3 20
                                    

(CALOY'S POV)

Lahat naman ng bagay may dahilan. Kaakibat ng mga dahilan na yon e yung pag gawa ng desisyon. Maaaring para mapabuti ang sitwasyon o di kaya kabaligtaran non. Wala namang perpekto e. Kahit pilitin mo, magulo at magulo pa rin. Swerte na lang kung aayon sa'yo yung tadhana. Ang pinakamasaklap lang, sa dinami rami ng pwedeng maging kinalabasan nang nagawa mong desisyon e dun pa nauwi sa ayaw maramdaman ng lahat, yun yung "MASAKTAN."

Teka lang, ano bang pinaglalaban ko? Poteeek! Iba talaga epekto sakin ng love story ng dalawa kong kabarkada. Bakit ba pati ako namo-mroblema sa kanila?! Ano namang alam ko sa pag-ibig na yan? Sus! Pwede bang Math problems na lang, Statistics, Calculus, Quantum Physics kahit ano wag lang yung complicated na sitwasyon nila Ysabel at Markus.

Siguro nga hindi lang ako. Ang hirap lang kasi, lalo na ngayong college hiwa hiwalay na kami ng landas. Yung inaasahan mo na pag nagkita kita ulit kayo wala na kayong ibang gagawin kundi magsaya magdamag, yung parang nung high school pa kami? Kung pwede lang balikan lahat ng yon, solve na sana. Pero pano pa ba maibabalik kung hindi na ganon ka solid yung samahan namin?

Ay ewan! Si Leona kasi may pakana ng lahat e! Sabi ko na wag na naming pakielaman yung dalawa. Pero siya ayaw paawat! Yung isang yon pa naman napaka bully! Tapos makautos sakin naku, wala pa ring pinagbago. Ganon na yun noon pa. -______-

Sa ngayon, wala pa akong balita kung naging matagumpay ba yung pinlano namin ni Leona. Yun yung pagtagpuin yung dalawa sa Star City. Ang masaklap nga lang non, may kasama si Ysabel.

Patay na! Ano kayang naging reaksyon ni Markus? Bakit ganon? Kinakabahan ako?!!! Amfufu talaga!!!

Ayos din to. Ano to almusal ko problema? Lintik makapag kape nga muna...

Papunta na sana ko ng kusina ng biglang...

*Phone rings... Landline

Ay lintik! Nakakagulat naman tong teleponong to!

*Kuha sabay sagot

Mag he-hello pa lang ako biglang...

AKO: He------

"Oy! Ano ba?!!! Sagot sagot din ng telepono pag may time!"

Halaaaaaaaaaaa! Kilala ko yung boses na yun?!!!!

*Sabay baba ng telepono.

Ay !@#$%^&*()_+_ speaking of the, ano na naman? Ayoko nang sagutin. Itong babaeng to eeksena pa, mag-aalmusal na nga ako e.

At dahil ayoko ngang sagutin, bahala siya dyang tumawag ng tumawag.

*Lampake mode.

Dahil tamad ako para bumili ng pandesal, kape na lang muna. Hmm...

Makapag online na nga lang... Mabuti ayos na internet connection namin.

*FB

-Kiss me and you will see stars; love me and I will give them to you.

-My heart melts everytime I think about you.

-I want to talk to you, but I'm afraid that I'm a bother.

-Please stop looking so attractive, I'm trying to stop liking you.

HAHAHA! Wutdapak?!!! Anong problema ng mga status sa newsfeed ko? Bakit puro tungkol sa love? Baduy ah?!!! Umay!!!

Grabe, sobra na laughtrip ko dito.

Tsk! Ayaw talaga patinag ng telepono, ang ingay!

Bakit ba, ayoko ngang sagutin, si Leona lang naman yan.

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon