Chapter 4

372 9 7
                                    

(SKY'S POV)

Sisingit muna ko sa story na to ah. Mukang nakaramdam na yung author. HAHAHA

Umpisahan na natin ang mala MMK kong buhay...

Ako nga pala si Sky Angelo Yoshida. Anghel daw akong hulog ng langit kaya Sky Angelo pinangalan sakin. Sabi nila hawig ko raw si Shin Sawada ng Gokuzen. HAHAHA. Pogi ko noh? Wala e. Ganon talaga. #feelingblessed :D

Naghiwalay parents ko nung 10 years old ako kaya imbis na bakasyon lang ako sa Pinas, ayun, natuluyan na! Hindi na talaga ako pinabalik ng nanay ko sa Japan. Ewan ko, ang gulo nila e. Pareho pa silang pakipot. Alam niyo bang umabot pa sa korte ang bangayan nila? Isang anak lang kasi ako. Lalaki pa, pogi pa. Shet! Grabe! ;)

HAHAHA! Ang saya lang. Pero sa totoo lang, hindi ako ganon kasaya, ewan ko! Ang gulo ko rin eh nuh?

Wish ko sana magkaroon na ako ng kapatid. Ang lungkot kasi magisa e. Pero hanggang wish na lang ata yun. Pano ko magkakaroon ng kapatid e hiwalay nga parents ko. Ano sariling sikap? :D

Ngayon, anong koneksyon ko sa babaeng bida dito? Si Ysabellie? Hmm.. Ganito kasi yan...

Bumili yung mama ko ng lupa sa isang subdivision sa Las Piñas at pinatayuan ng bahay. Syempre excited naman ako kasi panibagong environment. Kakabagot kaya sa Alabang. Dun kasi ako sa bahay ng Auntie ko dati, wala akong kalaro. Loner ako dun. Nung natapos yung bahay, ininvite ni mama lahat ng kapit bahay namin para dun sa house blessing. OA ng nanay ko, makapaghanda wagas, parang fiesta e. Dun ko na nakilala si Ysabel.

Kakatapos ko lang non maligo. Lumabas ako ng c.r. sa kwarto ko ng biglang napatalukbong ako ng tuwalya sa katawan ko, talagang binalot ko!

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!" Si-sino ka? Anong ginagawa mo sa kwarto ko?!"

Aba tong batang to, parang walang nakita, patuloy pa rin siya sa ginagawa niya. Anong ginagawa niya? Tinatalunan lang naman niya yung kama ko. Problema nitong batang to? -______-

Siguro napagod na ata siya at tumigil na rin sa kakalundag.

"Oy bata! Ganda naman ng room mo, puro Panda. Palit tayo ng magulang para dito na ako titira!"

Medyo na LR ako sa sinabi niya. Ano raw? Sinong titira saan? Bigla niyang kinuha yung mga display na Panda sa sofa sa kwarto. Inakap akap niya ito.

"Oy bata! friends na tayo, akin na tong toys mo ah? Babalik ako dito bukas, bibigyan din kita ng toys ko, trade tayo."

Hindi na ako nakapalag. Itong batang to, like a boss ah? Pero ang cute niya. Bilugan yung mga mata niya tapos ang tambok ng pisngi! Medyo redish yung buhok niya.

At ayun, bumalik nga siya sa bahay at binigyan niya nga ako ng mga laruan niya. Guess what? Pucha! Puro barbie, polly pockets at yung pinaka epic, niyaya niya akong maglaro ng luto-lutuan. Saya nuh? Sa gwapo kong to, napagkamalan niya akong babae. Badtrip! Long hair kasi ako nung bata pa ako, tapos angelic face. Actually hanggang ngayon naman. :D Ayun na nga, naging close na kami, naging mag classmates nung elementary at highschool sa school malapit sa subdivision namin.

Back to reality...

Kasalukuyan kasi akong nandito sa bubong ng bahay namin. Oo, literal. Bubong talaga. Kanina pa ako pagulong gulong dito (10:10 PM)

Anak ng pusa! Bakit ang tagal umuwi nung Pandang yun? Di ako makali e. Kung pwede lang hilahin yung Festi dito sa subd. namin, kaines!

Bakit nga ba ganito ang drama ko? Eh kasi naman, kakagaling lang nung babaeng yon sa break-up! Napaparanoid ako mamaya nagsuicide na yon e. Sagad kasi mag-emo yun. Nakoooo! Para na kaming magkapatid nung Panda na yon kaya feeling ko kasalanan ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

Sa pagkakaalam ko, si Pako at RR yung kasama niya pero mga 8pm, nagtext sakin si RR, niyayaya akong magdota dun lang sa may computer shop sa labas ng subdivision nila. Syempre hindi na ako nagtatlong isip. Pumunta agad ako sa kanila. Magkatapat lang naman subdivision namin.

(Sa labas ng bahay nila RR)

Kwentuhan muna kami. Tagal kasi ni Pako e. Nako! Kung alam lang namin, nambababae na naman yung hinayups na yon. Talaga naman...

AKO: Oy tol, akala ko ba kasama niyo si Bel?

RR: Naku, yung Pandang yon! Ninja e. Sus! Tinakasan kami kanina sa Mcdo. May date raw siya.

AKO: Weh? Date? Di nga, kanino? Tsaka bakit niyo pinatakas?

RR: Bayaan na natin tol. Mukang nasa progreso na naman siya ng pag mo-move on. Pero sa totoo lang, mukang wala naman talagang ka-date yon. Kainis nga e. Pero ayos na rin atleast nalibre na niya kami ng bibingka. Utang niya samin yon ni Pako nung Simbang gabi e.

AKO: Bibingka? Summer? HAHA. May paglilihi dre? :)

Dumating na si Pako. Pero teka, anong eksena naman to? Humahangos siyang tumakbo papunta sa amin.

"Mga tol, heeeeeelp!"

May babaeng humahabol sa kanya? Ayan na! Malapit na yung babae. Nagtago si Pako sa likod namin.

"Pako, darling! Bakit? Di pa ba sapat yung ako lang? Binigay ko na lahat, lahat lahat! Tapos ano? Break na tayo?"

Sinigaw nung babae habang hinihila si Pako sa likod namin. Hala! Kilala namin yun ah? Taga school? Accountancy course niya sa Pelota University of Las Pinas?

TRIVIA: Rockers yung may ari ng school namin. Sa pagkaka alam ko, sikat na Skate Spot yung "Pelota" sa BFRV. Pero Surname rin ng may ari ng P.U.L.P. Pelota. Stig. Pero kahit kailan hindi pa namin nakita yung angkan ng mga Pelota na yan sa school o sa kahit anong event.

Kumalma yung babae nung nilapitan siya ni Pako. Anong, bakit nagboboses babae siya?

"Sandy, I'm sorry. Pinilit kong subukan pero di na maatim ng pagkababae ko! Di tayo talo teh! Mas maganda ako sa'yo!"

KAMING DALAWA NI RR: O_______________O Ano rawww?!!!

"Whaaaaaaaaaat?!"

Sigaw nung babae. Hinigit ni Pako yung braso ko at di ko na kinaya yung sunod niyang ginawa. Hinolding hands niya ako sabay sabi...

"Meet my boyfriend Sky."

Papalag na sana ako kaso lang sinesenyasan ako ni Pako na

"Tol, please, sumakay ka na lang."

Di na rin siguro ma-take ni RR yung mga nangyayari kaya sumingit na siya.

"Miss, matagal ng girlalou yang pinsan ko, nagpapakalalaki lang yan kasi hindi niya makukuha yung mana niya sa lolo namin pag naglantad siya agad pero ayan, mukhang hindi na niya kaya pang ilihim kaya nakipagbreak na siya sa'yo."

"Sob sob sob."

Umiiyak na yung Sandy, sabay walk out. Pagkaalis nung babae, bigla na lang kaming humagalpak sa kakatawa! :D

"Nak ng orange mother!"

Yun na lang nasabi ko. Dahil sa eksenang yon, hindi na natuloy yung dota namin. Si Pako at RR naman, agad agad na umalis. Yung lolo raw nila inatake, kaya umuwi na lang ako.

Wew. Nakakabaliw yung mga eksenang yon ah? At kaya ako napadpad sa bubong namin dahil may hina-haunting akong Panda. Ayun nga, 10:10pm na. Nasaan na si Ysabel? Naku, bahala na nga siya, inaantok na ako. Pihado namang magkukwento yon bukas e. Tsk. Date pa nga gusto? Sinong niloko niya?

Para namang nakamove on na siya agad kay Markus.

Asuuuuuuuus! Kumakain lang ng bamboo yun e. :D

-End of Chapter 4-
@elisiachico

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon