Chapter 52

82 3 0
                                    

...(YSABELLI'S POV)

"Oh eh bakit ka nagpaiwan? May dapat ba tayong pag-usapan?"

"Disappointed ka siguro noh kasi hindi ako yung ineexpect mo na magpapaiwan?"

Luh? Sa kanya yung topic tapos iniiba. Sus.

"Oo. Kasi ineexpect ko si LEONA. Kasi gusto ko siyang makausap. Gusto kong malaman kung bakit magkasama sila ni Sir Janus, kung matagal na ba silang magkasama o kung nagkataon lang ngayon----"

"O baka boyfriend na niya? Baka sila na?"

Nagulat ako sa sinabi ni Caloy. Hindi ko na nga yon sinabi kasi... Nako tong isang to. Anak ng tinapay sa cafe nila Leona!

"Carlos, kilala kita. Sila ba? Matagal mo na bang alam?"

"Wala ka pa non sa school Ysabel. 3rd Year High School. Alam mo sa totoo lang, wala naman talaga akong intensyon na magka gusto o magustuhan siya. Pero parang gusto ko na talaga siya kaso lang yung sitwasyon nung mga panahon na yon, ang labo eh."

O.M.G. Isa itong rebelasyon.

"Gusto mo sa rooftop tayo? Baka kasi kainin tayo ng lupa sa sobrang kadramahan mo. Tara sa taas, mas maganda mag-emote don. With hangin hangin effects pa."

Shocks! Shocks! First time to talaga, literal. Never nag kwento si Carlos ng kung ano anong cheeseburger shit sa akin, ngayon lang. Ang interesting pa rito, tungkol kay Leona to ramdam ko. Whoooh!

Kumuha muna ako ng foods sa kitchen tapos gumora na ako sa rooftop. Si Caloy, tamang hilata sa may table doon. Yung dalawang kamay niya nasa ulo niya (Parang unan effect ganon) Tapos naka dikwatro pa.

"Baka gutom ka pa, nagdala ako ng foods."

"Alak meron?"

"Aba, lasenggero ka na rin ngayon? Manang mana ka talaga--"

Bigla akong natigilan. Don't say Markus. Nako. </3

"Naging manginginom lang yong si Maku nung nakipag break ka. Tignan mo nga naman nagagawa ng pagkabigo. Pero alam ko ngayon hindi na siya masyadong umiinom. Baka naka move on na talaga. Wala nang dahilan para magpakalasing."

"Holy fudging mader pader. I don't care. Ginusto niya yon eh. Lahat naman ng desisyon natin sa buhay ginusto natin. Don't blame me for that Caloy. Pls. lang."

"Oh. Kalma. Bakit inaaway mo ko?"

"May ikukwento ka diba? Yun na lang pag-usapan natin, ge na."

"Bitter mo!"

"Umuwi ka na nga! Pai-paiwan ka pa dito para lang mang asar. Wala pang 12, birthday ko pa rin."

"Naisip ko lang kasi, ang hirap kimkimin nito. Mas okay siguro kung sa'yo ko na lang ikwento kasi pihadong bu-bully-hin ako nila Pat, Pete at Maku pag nalaman nila to."

"Ano ba kasi yon, dati kang babae tapos lalaki ka na ngayon ganon?"

"HAHA. Ikaw? Tao ka noon tapos nakalimutan mo na, akala mo Panda ka?"

"Seryoso na kasi..."

"Ayoko talaga noon. Ayokong malaman niya na alam ko."

Kruu~ kruu~ Ano kayang pinag sasabi nito? Sana nakaka relate ako.

"Ayusin mo naman yung pag kukwento man. Detalyado dapat tapos direct to the point. Gulo mo eh. Again, from the top."

"Solid kami noon. High school days. Si Janus, Ako at si Markus. Kami yung tatlong itlog kung tawagin noon sa campus. Nung 3rd year high school, don ko na lang napansin si Leona. Wala lang, natutuwa lang ako sa kanya kasi ang daldal niya. Close sila non ni Markus. Kasa kasama na rin naman namin siya noon pero--"

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon