HISTORY/TRIVIAS ABOUT WMWDMMBJ

269 4 0
                                    

*MEDYO HISTORY

Hindi ko alam kung bakit pero madalas mag create yung utak ko ng kung ano anong kalokohang istorya lang. One time, naisipan kong isulat sa isang notebook yung gawa gawa kong story nung 2nd Year College pa ako. Yung story na laman ng notebook na yon, wala pa siyang title. Ewan ko ba pero hirap talaga akong maghanap ng title at ng characters.

Nung nalaman ng mga classmates/close friends ko na may story ako sa notebook, inovernight nila yon. Pasa pasa lang tapos ibabalik nila sa akin tapos gagawan ko na naman ng another chapter. Sabi nila, ilagay ko na raw sa Wattpad.

Na convince nila ako na ilagay na sa Wattpad at ituloy na yung story. Unfortunately, nawala ko yung notebook. HAHA. Dahil doon, gumawa na lang ako ng bago.

Nag start akong gawin ang When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad Joke nung MAY 16, 2013. Yung title na When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad Joke nakuha ko sa lyrics ng FORGET ABOUT IT - ALL TIME LOW.

Speaking of ALL TIME LOW, yung banda talaga na to yung pinaka inspiration nung story kasi nung mga panahon na hirap na hirap akong maghanap ng Main Character eh nakikinig ako sa mga kanta nila at boom! Sakto, bakit hindi na lang si Alexander William Gaskarth si Miguel Osborn Asuncion diba? HAHA. My Ultimate crush! Puso everywhere! <3 <3 <3

Si Ysabellie Hernandez Buenavista naman, dahil sa idol ko si Hayley Nichole Williams from Paramore, ginawa ko sa description color red yung hair niya tapos rocker chic din. Kayo na lang bahalang mag imagine sa characters pero kung papapiliin ako kung sino si Ysabellie, gusto ko sana si Ms. Ramona Cecilia Datuin Muñoz/Mona Arci Munoz. \:D/

Another character naman si Markus Tan Ventura na for me siya ay isang gwapong chinito. Naisip ko si Arthur Bernard "Champ" Dolino Lui Pio. HAHA. My high school crush.

*END OF MEDYO HISTORY

Grabe, ang lakas talaga maka proud. Haha. Ang story na 2 years in the Making (2013 ko inumpisahang isulat, na tapos ng 2015). WHOOOOOOOOOOOOOOOH! Sa wakas! Natapos ko  ang story ng When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad Joke! Achievement to ng taon!

Note: inunpublish ko siya tapos pinublish ko ulit ng 2018-2019.

Mahirap talagang gumawa ng story lalo na kung NBSB yung Author. HAHA. Sana nag enjoy kayong basahin guys!

MANY THANKS!

KEEP ON ROCKIN' THE FREE WORLD! \m/

P. S. Major influence rin ng story na to yung gigs na napuntahan ko nung college days (since 2013-). Hi favorite bands!

Hi UDD, Urbandub and more! :)

(May part 2 pala to. Status: unpublished. Tatapusin ko soon #PagMayTime) ^____^v

@elisiachico

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon