Chapter 33

114 2 0
                                    

*June 4

(MAKU'S POV)

Waaaaaaaaah! Hang over na naman. -_____-

HAHA. Ano pa nga ba? Ayos! Solb na naman ako. Ang daming bote sa labas. Naparami nga kami ni Caloy. Akala ko guni guni lang yung malakas niyang paglagok ng beer kagabi. Ang laki na talaga ng pinagbago niya. Akala ko rin hindi na ako mag-iinom dahil nilinis ko na yung ref yun pala, wala eh.

Iba talaga yung tama non kay Leona. Kunyari pa eh. Lahat na lang ng mga ikinikilos ni Leona apektado siya. Nung high school kami hindi naman siya ganon. Kahit binubully bully siya ni Leona, wala lang para sa kanya. Hindi siya masyadong nakikipag usap samin, pwera na lang kung tungkol sa Science at mga Alien. HAHA. Weird.

-------------------------------

"Hoy! Eh ano kung wala akong boyfriend? Gustong gusto mo yun? Tuwang tuwa ka?! Wala na akong boyfriend Migoy! Wala na! Wala! Tapos na kami! Hindi na kami, wala ng KAMI!!! Malabo na eh. Alam mo yun? Yung okay naman talaga pero naging magulo? Yung andun na eh, ayos na sana. Na sa dinami rami ba naman ng araw na pwede kaming mag hiwalay, nung VALENTINE'S DAY pa! Pero okay na ako. Swear. Kaya ikaw, tigil tigilan mo ko ng mga pag ganyan mo dahil pag ako napuno na..."

-------------------------------

*Napailing

Aray! :(

Nakakawala ng amats kapag naiisip ko yung nasaksihan ko kagabi. Hindi ko naman sinasadya. Ay mali. Intensyon ko pala yon. Ay teka, ang gulo. Ang ibig kong sabihin, pumunta ako sa bahay ni Ysabel para ibalik sa kanya yung phone niya pero hindi ko mawari kung bakit ako dinala ng mga paa ko sa rooftop.

At... BOOM!

Pakiramdam ko New Year na dahil parang fireworks na pumutok yung puso ko sa nasaksihan ko.

Pucha! Sa dinami rami ba naman ng eksenang pwedeng sumalubong sakin bakit yung "MAGKAAKAP" na part pa? BUSET! >.<

Yung pakiramdam ng gusto kong pulutin ulit lahat ng piraso ng puso ko na sumabog na? </3

Sana hindi ko na lang narinig lahat. Nakita lahat, para hindi naman masyadong sampal sakin. Sana iniwan ko na lang yung phone niya sa sala tapos sumibat na ko. Sana hindi ko na lang nakita yung harutan nila kasi uminit ulo ko, NAGSESELOS AKO!

P*taragis!!! Ang GAGO ko kasi! Alam ko yung mali ko. Ako yung mali nung una pa lang. Ayokong magmalinis pero ano ako ngayon? Wala! Hanggang inom na lang.

Mukha namang masaya na siya. Halata naman eh. Mabuti hindi niya ko nahuli kagabi. Ang lupit ko pala sa pag ninja moves? Pwede ng varsity ng hide and seek?

Sige Markus, mag joke ka pa. P*ta! Kunyari pa ako pero ang sakit pa rin. </3

Siguro nga mas mabuti kung lalayo na lang ako.

Ngayon ko lang nalaman na hanggang ngayon hindi pala pwede...

Nakapaglinis na naman ako dito sa buong bahay bukod lang sa mga kalat namin ni Caloy dahil nag inom kami at siguro dapat ayusin ko na rin tong kwarto ko. Malapit na naman yung klase, magiging abala na naman ako, lilipas din to.

*Now Playing: Kwarto - Sugarfree ♫

Maglilinis ako ng aking kwarto
Na punong-puno ng galit at damit
Mga bagay na hindi ko na kailangan
Nakaraang hindi na pwedeng pagpaliban

Oohh Oohh

Mga liham ng nilihim kong pag-ibig
At litrato ng kahapong maligalig
Dahan-dahan kong inipon
Ngunit ngayo'y kailangan nang itapon

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon