"Hindi talaga ako makapaniwala sa mga kaganapan sa buhay nyo ni Rei! Grabe, nakakaloka ang buhay ninyong dalawa alam nyo ba iyon? Una, ikaw at iyong issue nyo ni Jules tapos biglang sumulpot sa buhay mo ang hunk na iyon na may asul na mga mata, yummy na katawan at drop dead gorgeous na si Dwight Telpace, ang dakilang snob na mabango kahit pawis na pawis."
Deadma lang siya sa paglilitanya ni Chesca at patuloy lang sa pag-aayos ng mahaba niyang buhok. Ano kaya at paputulan niya iyon? Kaya lang ay gusto ng tatay niya ang itim na itim niyang buhok.
"Tapos etong bruhang si Reichelle, aba! Anak mayaman pala!" Kinalabit pa siya ni Chesca. "Hindi kaya sumasakit ang tiyan nung babaeng iyon kapag kinakaray ko sa mga turo-turo?"
Nagkibit balikat lang siya. Lahit naman kasi siya ay nabibigla sa mga pangyayari. Ang daming nagbago mula noong nangyari ang hindi dapat mangyari sa pagitan nila ni Jules. Hindi na rin siya nilapitan ni Jules mula noong huli silang mag usap tungkol sa ginawa nito. Pati si Dwight ay hindi na rin siya pinapansin at parang hangin nalang kung ituring siya nito. Mabuti nalang talaga at kahit papaano ay nakikipagbiruan sa kanya si Clyde. Hindi nga lang niya alam kung ginagawa lang ba nito iyon para hindi niya mapansin ang pang-i-snob ni Dwight sa kanya.
"Rin? Rin! Hoy babae! Anong nangyayari sa'yo?" Yugyog sa kanya ni Chesca.
"H-ha?"
"Tinatanong kita kung anong nangyayari sa'yo. Bakit para kang wala sa sarili? Kanina pa kaya ako salita ng salita rito." Puno ng pag-aalala ang mukha ni Chesca ng tanungin siya nito. "Tell me what's wrong with you, Rin?" Tonong ate na ito. Matanda kasi ito sa kanila ni Rei ng isang taon pero ito ang pinakamaliit kaya hindi halata.
"Wala. Si Dwight lang kasi." Saka niya mabilis na sinabi ang mga pambabalewala nito sa kanya.
"Affected much?" Tukso pa sa kanya ng bruhang kaibigan.
"Labas na raw kayo." Silip noong isa nilang kasamahan.
"Ten minutes pa ah!" Reklamo ni Chesca.
"Maraming tao eh. Yung mga adik na fans nung model dyan sa katapat na agency kasi madalas dito mag-dinner. Iyong anak ng may ari? Yung kambal? Kapag daw kasi end of the month ay dito sila nagdi-dinner na buong pamilya. Dali na. Labas na kayo at nakikiusap na si Sir Monroe."
"Sige. Susunod na kami." Aniya at huminga muna ng malalim bago lumabas.
"Family ni jowa mo iyung tinutukoy ni Ana di ba?" Bulong ni Chesca. Ayaw talaga paawat sa kadaldalan. "Okay ka na ba? Wag mo ng isipin iyon. Baka may dalaw lang." Sabay tawa at niyakap siya para bumulong. "Hayaan mo, ipapakulam natin iyang si Dwight kapag di ka pa pinansin. Sasabihin ko sa mangkukulam na kapitbahay namin na si Aling Tekya na paliitin iyong sandata niya at gawing pototoy."
Napangiti siya. "Pototoy talaga? As in pambatang size?"
"Ayan! Ang ganda mo talaga kapag nakangiti. Kasing ganda na kita." Sabay tawa nito at nauna ng maglakad.
"Ches!" Nilingon siya nito and she mouthed thank you na ginantihan lang nito ng kindat at inginuso ang isang bahagi ng restaurant.
Lumingon siya sa inginuso ni Chesca and there she saw Clyde's smirking face habang masama naman ang tingin ni Dwight sa kanya habang pinaglalaruan ang hawak nitong kopita na may lamang red wine.
"Rin, kunin mo ang order sa table eleven. Huwag kang magkakamali dahil nakakahiya." Utos ng supervisor nila.
Table iyon ng pamilya ni Dwight.
Pero bakit ba siya kinakabahan samantalang hindi naman siya kilala ng mga ito? Huminga siya ng malalim at saka nakangiting lumapit sa mga ito para kuhanin ang order. At habang ginagawa niya iyon ay hindi niya mapigilan ang mailang dahil ramdam niya ang mga titig ni Dwight sa kanya. Hindi ito nagsasalita at mabuti na rin iyon.
BINABASA MO ANG
Marrying Dwight (DH 3 || Completed)
RomanceWhen she was broke and everything becomes a mess in her life, he came and saved her in exchange for being his dummy girlfriend. But their involvement became deeper when he asked her to marry him where she agrees because she felt safe with him beside...