Chapter 5

72.4K 1.3K 48
                                    

"Because I'm fucking jealous!"

Napangiti na naman siya ng wala sa oras pagkaalala ng sinabing iyon ni Dwight. Kahit hindi siya masyadong sigurado kung saan ito nagseselos, kung sa trabaho ba niya o sa katrabaho, ayos na rin dahil umamin ito. Dwight might be rude but he is honest.

Gusto talaga niyang itanong rito noon kung saan ito nagseselos. Pero para saan pa? Sigurado naman na magde-deny yun kahit papaano.

Masaya naman na siya na nagkaka-chansingan sila paminsan minsan although siya lagi ang lugi kasi nga babae siya.

"As I was saying, Miss Irinea Sandoval— hey! Are you even listening?"

"Ha? Sorry. I'll excuse myself. I'm not feeling well and I need to go to the comfort room." Then she heard them chuckled. Bini-brief kasi sila para sa next pictorial nila and yet, lutang na lutang siya kakaisip kay Dwight.

And speaking of Dwight Telpace, isang linggo na itong hindi nagpaparamdam sa kanya. Mabuti pa ang multo mahilig magparamdam.

"Ano na naman kaya ginagawa nun?" Bulong niya habang papalabas ng building. Ite-text nalang niya si Yohann at sasabihing umuwi na siya dahil masama ang pakiramdam niya.

Nasa labas na siya at nag aabang ng masasakayan ng nakita niya ang isang pamilyar na bulto. Inaninag muna niyang mabuti kung sino iyon. Mahirap ng magkamali lalo na at nasa bansa lang din si Clyde.

Pero base sa pagkakakunot ng noo, nasisiguro niyang hindi si Clyde iyon. Napangiti siya. Pinuntahan siya ni Dwight! Pero sino ang kausap nitong iyon?

"Aba't—!" Bulalas niya ng makitang ipinagbukas ni Dwight ng pinto ang babae at saka ito umikot sa driver's seat at walang lingon likod na umalis. Sakto namang may dumaang taxi kaya pinara niya iyon.

"Sundan nyo manong yung itim na BMW!" Wala sa sariling bulalas niya.

"What?"

"Huh? I mean, follow that black BMW." Pero tinitigan lang siya ng driver ng nakakubot ang noo. "Come on! That's my husband and he's with someone else!"

Ngumiti pa ang driver bago siya sinunod. Tinanong pa siya nito ng kung ano ano na kesyo hindi naman daw yata talaga niya asawa iyon at stalker lang siya. Tinanong pa kung ilang taon na siya. Pero di nalang niya pinansin dahil nakatuon ang buong atensyon niya sa kotse ni Dwight na huminto sa isang restaurant.

Nagbayad agad siya at bumaba ng taxi. Inilugay niya ang mahaba at itim na itim niyang buhok na palaging nakatali lang ng magulo ng mapansin niyang pang sosyal ang restaurant na pinasukan ni Dwight at ng kasama nitong kulang nalang ay huwag ng mag short sa iksi ng suot na short. Parang panty na eh. Samantalang siya ay balot na balot sa suot niyang tight jeans at white hanging blouse.

Pagpasok palang niya sa entrance ay sopistikasyon na ang bumungad sa kanya. Very classy ang ambiance at hindi siya nababagay sa naturang lugar. Pinagtitinginan rin siya.

"Pakialam ko ba sa inyo! May pambayad naman ako kahit papaano 'no!" Sabay lakad niya ng naka-chin up pa at inayos rin niya ang paglakad.

She heard someone wistle and saw the other arch their brows upon seeing her. At sa sobrang concious niya sa paligid may nabunggo siyang mama!

"What the—!" Reklamo nito ng matapon ang dala nitong inumin sa puting polo nito.

"Oh my! I'm sorry, sir! Sorry." Aniya at basta nalang kumuha ng tissue sa pinakamalapit na mesa at pinunasan ang pulang likidong kumalat sa damit ng nabunggo niya. "Sorry! I didn't mean to bump into you. I'm so sorry. I'll pay for your clothes."

"Stop it." Anito na nagpahinto sa kanya.

Tiningala niya ito and saw the man smirks pagkatapos at ibinuhos nito ang natitirang alak sa tapat ng dibdib niya.

Marrying Dwight (DH 3 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon