"Eh tatay, hindi ko nga boyfriend yung lalaki na yun. Kaklase at kaibigan ko lang yun. At yung pagtulong niya sa atin, huwag nyong bigyan ng malisya." Kanina pa siya nagpapaliwanag sa tatay niya. Para na nga siyang sirang plaka kakaulit eh.
"Hindi ako naniniwala. Ako pa ang lolokohin mo? Papunta ka palang anak, pabalik na ako kaya huwag mo akong pinaglololoko." Pumapalatak pa nitong sabi habang magkaharap sila sa lamesa at naghahanda ng iluluto. Linggo kaya wala siyang pasok. Isa pa ay pinag-resign na siya ni Dwight sa part time jobs niya
"Kailan ba kita niloko, 'tay? Honest 'to! Loyal pa sa tatay. At promise, di ko talaga boyfriend yun." Ilang araw na rin siyang tinutukso nito. Parang bata kasi kung minsan ang tatay niya at makulit pa minsan sa ulyanin.
"Asus. Sabihin mo iyan sa pagong." Sabay ngisi ng tatay niya ng nakakaloko at nilayasan siya. Ang kulit!
Pero kahit ganoon, masaya siya dahil halos wala ng bakas ng pagkakaospital sa tatay niya. Para ngang walang nangyari dito dahil gusto na agad bumalik sa pagtatrabaho kung hindi lang nila pinipigilan.
Pero kahit ganoon ay hindi pa rin niya mapigilan ang isipin kung paano niya mababayaran si Dwight.
Pagkaisip sa binata ay nag-init ang mga pisngi niya.
"Ano ba iyong ginawa ko?" Bulong niya sa sarili. Kahit kasi siya ay hindi talaga maisip kung anong masamang espiritu ang sumapi sa kanya at nagawa niya iyon. It was just a smack, okay. But a kiss was still a kiss. Hindi pa rin mababago ang katotohanan na hinalikan niya si Dwight sa labi.
"Hindi. Wala lang iyon. For sure sanay na siya na may humahalik sa kanya." Pangungumbinsi niya sa sarili. Sa uri kasi ng buhay ni Dwight ay alam niyang marami na itong nahalikan at marami na rin ang nakahalik rito.
Minsan nga ay hindi sinasadyang nakita niya ito sa isang lumang magazine kung saan ito ang ang nasa center page kasama ang isang kapwa nito modelo. Sensual ang kuha ng litrato dahil nakahiga ang mga ito sa couch at mahihiya ang hangin na dumaan sa pagitan ng mga ito and they were kissing on that picture. Pero iyong tipo ng halik na halos hindi na magdikit ang mga labi.
Inalis niya sa isipan ang munting kahihiyang ginawa niya. Nasa sala siya at naghahanap ng magandang mapapanood ng mag ring ang cellphone niya. Agad rumehistro sa screen ang pangalan ni Clyde. Kinabahan tuloy siya dahil tumatawag lang ito kapag may kailangan.
"Hello?"
"Hi Rin. Sorry to bother you but have you seen my brother? Mula kasi ng ihatid ka niya ay hindi pa umuuwi and grandpa's been looking at him and pestering me for quite some time now."
"Hindi eh. Wala naman sya rito. Umalis rin sya pagkahatid sakin. Babalik nalang daw pero hindi ko naman naharap nung bumalik sya kinabukasan dahil masama ang pakiramdam ko. Sa condo nya, wala?"
"He changed his pin. Hindi namin alam kung naroon ba siya o wala dahil wala namang magbubukas ng pinto."
"CCTV?"
"It's not that easy. They won't let us see it." Clyde sighs. "I have a flight today to attend Dwight's meeting conferences in Paris. You know, we'll switch." Tumawa ito ng pagak. "Please Rin, can you check him out?"
"Kung binago nya ang pin nya, hindi ko rin iyon mabubuksan. 25274772 right?" Aniya. Yun kasi ang alam niyang pin ni Dwight. Ibinigay nito iyon sa kanya para daw in-case tanungin ni Amber ay alam niya.
"25— what? Damn pin. Iyan na siguro ang bagong pin niya. Go and check him out, Rin. And if something bad happen, just give me a ring."
"Bakit —" he hangs up bago pa man siya makahirit. "Bakit ako? Close ba kami? Ang dami nilang magkakapatid ah?"
BINABASA MO ANG
Marrying Dwight (DH 3 || Completed)
RomanceWhen she was broke and everything becomes a mess in her life, he came and saved her in exchange for being his dummy girlfriend. But their involvement became deeper when he asked her to marry him where she agrees because she felt safe with him beside...