New York.
"HERE SHE IS!"
Sigaw ng isa dahilan para sunod sunod na maglingunan sa kanya ang lahat ng taong naroroon na mostly ay reporters from different station. Kasunod niyon ay ang walang patid na pagkislapan ng kani-kanilang mga dalang camera.
Napahigpit ang hawak niya kay Yohann, her drop dead gorgeous boss who happened to be her best companion in times like this.
Pero tulad ng dati, Yohann was pissed again! Why! But he hated the limelight. He hated seeing himself in any kinds of newspapers and magazines or whatsoever which she finds weird dahil sa uri ng trabahong meron ito.
Bahagya niya itong sinulyapan just to see him clenching his jaw. Lalo lang tuloy siyang kinabahan. Pakiramdam niya ay nanlalambot ang mga tuhod niya at anumang sandali ay babagsak siya mula sa kinatatayuan. But she needed to be tough.
"Chin up, Rin." malumanay na wika ni Yohann sa kanya sa mahinang boses.
She did and forced a smile. Sanay na siyang salubungin ang mga tao. Ang mga nang uuri at humahangang tingin sa kanya ng mga tao ay normal na sa kanya. She was used on smiling in front of the camera. Hindi na siya ninenerbyos... ngayon nalang ulit.
Mag iisang taon pa lamang siya sa New York at may natitira pa siyang more or less ay tatlong buwan pero naungkat na ang pagkakaroon niya ng asawa.
Alam naman niyang darating ang araw na malalaman ng madla ang tungkol sa tunay niyang status bilang babae, that she is a married woman. Hindi naman talaga niya intensyong itago ang bagay na iyon. Sadyang nauna lang ang career niya kaysa sa pag aasawa kaya hindi na siya nag abalang palitan pa ang ginagamit na apelido.
Sa tingin niya ay wala naman talagang big issue tungkol doon. Most of the artists have pen names or screen names that is why she doesn't fully get why the media created a big issue about her last name.
She was branded, rather the media branded her as The Virgin Temptress for having an innocent face, beautiful figure, and for being so young.
Pero sa tingin niya ay ito na ang huling araw niya bilang The Virgin Temptress.
"Irinea, look this way!" sigaw ng isang sa hula niya ay columnist at panay rin ang kuha nito ng larawan niya.
"Is it true that you have a relationship with your boss?" tanong pa ng isa habang patuloy sila sa paglakad papasok sa kung saan gaganapin ang press conference niya kasama si Yohann.
She didn't give any reaction about the question. She just blankly look at everyone who's throwing questions to her.
"Just be yourself, Rin and you'll be fine. Tell them the truth or tell them a lie, I don't care. And whatever it is, I'll back you up." halos pabulong ng sabi sa kanya ni Yohann at bahagya pang pinisil ang kamay niya bago siya inalalayang umakyak sa hagdan kung saan naghihintay ang mag iinterview sa kanya.
"Thank you." she said wholeheartedly. She was really thankful that Yohann was her boss. Hindi lang niya ito boss kundi kaibigan na rin although may pagkasuplado ito kung minsan at may pagkatopakin.
Sa kalagitnaan ng interview niya ay hindi pa rin niya maialis ang mga mata sa dagat ng mga reporter at kolumnistang nasa harapan niya. She was looking for a certain blue eyed person who happened to be her husband.
Naalala pa niya ang huling sinabi niti ng huli silang mgkausap sa cellphone.
"Quit that job and just be with me."
Pero hindi pa niya kayang i-give up ang career niya lalo na at wala namang kasiguraduhan ang relasyon nila ng asawa.
Napako ang tingin niya sa isng pares ng asul na mga mata. And again, she was drowned by his stares. Kaya naman ng itanong sa kanya ang pinakahihintay na tanong ng lahat ng mga naroroon ay walang patumanggang sinagot niya iyon.
BINABASA MO ANG
Marrying Dwight (DH 3 || Completed)
RomanceWhen she was broke and everything becomes a mess in her life, he came and saved her in exchange for being his dummy girlfriend. But their involvement became deeper when he asked her to marry him where she agrees because she felt safe with him beside...