Chapter 27
OWN ME
"Will you stop being so childish, Faye? Hindi pa ako makakauwi. I have an important appointment here and stop pulling that tricks on me again. Alam mong hindi na iyan uubra."
Napangisi siya sa kaharap. He was dealing with the heir of business tycoon, Mr. Kho as Clyde. Nakikipaghabulan na naman kasi ang kakambal niya kay Amber which left him no choice but to act as him.
"Sorry about that." Hinging paumanhin nito bago ibinulsa ang cellphone.
Nagkibit balikat lang siya at ngumiti. Salubong na ang kilay ng kaharap niya at mukang wala ng balak makipag usap bukod syempre sa tipid itong magsalita.
"Irving," pagbasag niya sa katahimikan at dahil ayaw nitong patawag sa apelido ay first name basis sila. Nilalaro laro nalang kasi nito ang kopita ng alak at sa lahat ng nakaharap niya para sa isang deal, ito na ang pinakaboring dahil nasa isang bar nga sila pero para naman silang nag e-emo lang sa isang sulok ng bar counter. "Should we continue talking about business?" Muka kasing nabad trip na ito.
Sinulyapan siya nito bago umorder ng isang bote ng whiskey at saka ulit ibinaling ang tingin sa kanya habang nakangisi.
"Do you really need my old man's company? Then drink this at tapos ang usapan kapag nagawa mo. Things like this bores the hell out of me."
"Seriously dude?" Tinaasan siya nito ng kilay. Kung hindi lang siya hinihintay ni Rin ay nun kang magmadali siya. "Fine!"
And that's it! Mabuti nalang at nakauwi pa siya ng maayos.
"Fuck that Irving guy!" Mura niya at ibinagsak ang sarili sa couch. Then naamoy niya ang pamilyar na amoy ni Rin kaya nagmulat siya ng mga mata para tignan ang asawa. Mukang kakaligo lang nito.
She was wearing her pair of pyjama again and how he wanted to rip that clothes off her body. Kapag nasa trabaho ito ay halos wala ng itago sa madla pero kapag silang dalawa nalang ay lumalabas pa rin ang pagiging konserbatibo dahil wala man lang siyang masilip na kahit cleavage lang.
Nasaan ang hustisya roon?
"Hindi ka naman nakikinig D eh!" Reklamo nito. Ano na nga ba ang sinasabi ni Rin sa kanya? He was so focused on thinking how he will take those damn pyjama off her body.
"Uminom ka ba? Wag kang tatabi sa aking matulog ha? Dyan ka na nga!"
Sinundan nya lang ito ng tingin. Akala uata ni Rin ay tinlugan niya ito.
Sa paglipas ng panahon, lalong nahubog ang katawan ng asawa at hindi niya alam kung paanong hanggang sa ngayon ay wala pa ring nangyayari sa kanila. Pero marahil ay dahil na rin sa respeto. He respected his wife so damn much he can wait until she beg for him to take her.
At ang isa pang bagay na pumipigil sa kanya ay ang nakaraan niya. Ayaw na niyang maulit iyon lalong lalo na kay Rin. It will really break his life kapag naulit pa ang pangyayaring iyon sa buhay niya.
Ainundan niya si Rin sa kwarto nito at nakahiga na ito sa kama patalikod sa pwestong hinihigaan niya.
"Dapat kasi sa pad ko nalang kami eh." Bulong niya. May kaliitan kasi ang unit ni Rin kumpara sa pad niya.
Dumiretso siya sa banyo at napalit ng damit bago tumabi sa asawa. At nang maamoy niya si Rin ay parang tuluyan na siyang nalasing.
"Rin?" Untag niya rito.
"Hmm?"
"Tulog ka na ba?" Parang tanga niyang tanong dahil mayroon ba namang tulog na sumasagot? So obviously ay gising pa ito.
BINABASA MO ANG
Marrying Dwight (DH 3 || Completed)
RomanceWhen she was broke and everything becomes a mess in her life, he came and saved her in exchange for being his dummy girlfriend. But their involvement became deeper when he asked her to marry him where she agrees because she felt safe with him beside...