Chapter 30

52.9K 1.2K 48
                                    

Chapter 30

OWN ME

"Mind if I join you?"

Mula sa busy-busihan niyang pagbabasa ng kwento ni baby Suzy na kanina niya pa iniiyakan ay napaangat ang tingin niya sa istorbong gustong makiupo sa mesa niya samantalang ang dami-dami namang bakante sa coffee shop na iyon ay nag angat siya ng tingin para tignan kung sino ang istorbo sa harap niya.

"Jules? Oh my gosh! Jules ikaw nga!" Napatayo pa siya pagkakita rito.

Ngumiti ito. A genuine smile this time. "Relax. Wala akong gagawing kalokohan." Tumatawa na nitong sabi at naupo na sa tapat niya.

Ang laki ng ipinagbago nito not just physically dahil ang aliwalas ng dating nito na parang walang problema sa buhay at pa-chill chill nalang.

"Bakit parang gumwapo ka?" Bulong niya ng wala sa sarili that made Jules burst into laughters.

"Is that a compliment? By the way, it runs in our blood." At kumindat pa ito sa kanya.

Napangiti na rin siya at tuluyang itinabi ang cellphone kung saan siya nagbabasa ng kwento ng mahiwagang burnay.

"It's so nice see to you again Irinea. And still, I'm sorry for all the troubles back then." Apologetic nitong sabi.

"Well, a cup of coffee and a blue berry cheese cake will do to compensate to what you have done to me before." Ngiti niya. "Wala na sa akin iyon Jules. And by the way, thanks to you because I'm married now." At ipinakita niya rito ang daliri niya kung saan nakasuot ang wedding ring nila ni Dwight.

"At kanino naman?" Anito habang tinatawag ang isang crew para umorder.

Pinatapos muna niya itong umorder bago siya sumagot.

"Dwight Telpace." Halos bulong na niyang sagot and a sudden pain crossed her heart at the thought that she is deeply in love with her husband na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakaka move on sa ex nito.

"Telpace?" May gulat na tanong ni Jules. "You are married to that blue-eyed jerk? Rin, I maybe harsh back then but that Telpace was crazy!"

"I know. Baliw talaga ang gagong iyon eh. Ewan ko nga ba kung anong nagustuhan ko sa isang iyon. Siguro nga humanga lang ako sa kanya dahil at twenty, katulong na siyang mag manage ng mommy niya sa company nila. And now, he's twenty two at siya na ang president ng company ng mommy niya. Young achiever. And sometimes, sweet and caring and childish and he gets jealous so easily. Everything in his life seems perfect and I am just an excess baggage." Malungkot niyang pahayag.

"Does the name Clarisse ring a bell?"

Nangiti siya ng mapakla. Siya lang ba ang walang alam kung sino si Clarisse sa buhay ni Dwight? Ang lakas makatanga ha?

"I'll take that as a yes." Sabi ni Jules. Huminto muna ito ng dumating ang order at nagpatuloy pagkaalis ng nagserve. "They were the sweetest couple in school. Lahat, mapa-babae man o lalaki ay naiinggit sa relasyon nila. They look like the epitome of a relationship. Para silang magkabarkada, na magbestfriend—"

"Ayoko ng malaman ang buong detalye." Putol niya sa sinasabi ni Jules. "Hindi na ako interesadong malaman ang buong detalye dahil ilang buwan nalang naman at magkakasama na ulit silang dalawa." Tumayo na siya at nagpaalam. "Nice seeing you again, Jules. And if you happened to see Reichelle, ikamusta mo nalang ako sa kanya."

Pero tumayo na rin si Jules matapos maglapag ng bayad at sa gulat niya ay niyakap siya nito gamit lang ang isang braso. "Don't decide on something that you know will break you into pieces. And stop crying."

Automatic naman na napahawak siya sa pisngi niya and indeed, basa nga iyon ng luha. Ganoon na ba siya sobrang ka-affected ng nagyayari sa kanila ni Dwight? Sabagay, ilang araw na rin naman niyang hindi ito kinikibo kahit araw araw ay nasa apartment niya ito. She even stops caring for him. Iyong mga ginagawa niya dati na pagluluto ng pagkain nito o kaya naman ay pagmasahe niya rito kapag napagod sa eskwelahan, yung paghahanda niya ng isusuot nito sa umaga at pagtulong niya rito sa pagbibihis, lahat ng iyon ay hindi na niya ginagawa.

Marrying Dwight (DH 3 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon