Nanlumo siya sa nalaman. Kakagaling lang niya sa ospital para dalawin ang tatay niya at sinabi sa kanyang maaari na itong lumabas anumang oras dahil mabuti na ang kalagayan nito. But she has to settle the bill first.
One hundred eighty seven thousand.
Saan siya kukha ng ganoon kalaking halaga? Oo nga at kung tutuusin ay lumiit na iyon dahil sa PhilHealth ng tatay niya pero sa estado nila ngayon sa buhay, kahit yata magtrabaho siya 24/7 ay hindi niya basta basta kikitain ang ganoon kalaking halaga.
Isa pang nakapanlulumo ay ang malamang nakasanla pala ang lupa at bahay nila. Pwede sana niyang isanla iyon para may maipambayad sa ospital pero nakasanla na palang matagal ang bahay at lupa nila. Hindi niya alam kung bakit at paanong kinailangang isanla iyon ng tatay niya at wala na siyang panahon na ungkatin pa iyon. Ang tanging pinoproblema nalang niya ay kung paano mailalabas ang tatay niya sa ospital. Kung mananatili kasi ito doon ay lalo lamang lalaki ang babayaran nila.
"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko Ches. Wala ka na bang alam na pwede kong utangan?" Buntong hininga niya kasabay ng pagdukdok.
"Meron." Simpleng sagot nito na nagpalingon sa kanyan bigla rito. "Kay Dwighty-meaty."
Dumukdok ulit siya. Alam naman niyang mayaman ang pamilya ni Dwight. Pero kaya ba niyang mangutang rito ng ganun kalaking halaga?
"Di ko yata kaya Chesca." Matamlay niyang sabi. "Isa pa, busy na iyon sa sarili niyang buhay." Ni hindi na nga sila nagkikita eh.
"Bakit, di ba part ka din naman ng buhay niya?" Tukso pa ni Chesca. "Saka babayaran mo naman. Hindi mo naman hihingin eh. And speaking of Dwighty-meaty, he's coming this way. And he's with the other blue-eyed hottie, Clyde. Di ko nga lang alam kung sino si Dwight sa kanila."
Hindi siya kumilos mula sa kinauupuan. She just stares, more on glared on Dwight na ngayon ay nakapamulsa at ang yabang tignan sa harap niya.
"Yes? May kailangan ba kayo sa amin?" Ani Chesca na ngiting ngiti sa dalawa.
Si Clyde ang sumagot. "Can we have Rin for tonight?" Ngiti nito sa kaibigan niya.
Nanlaki ang mga mata ni Chesca. "Oh my gosh! No! Virgin pa iyan and two is too much - ouch!"
Clyde chuckled. Hinatak kasi niya ang nakatirintas na buhok ni Chesca. Ang dumi kasi ng utak. Naapektuhan na yata ng kababasa ng mga erotic-romace novels.
"Sira ka talaga!" Aniya sa kaibigan. "Napaghahalata ka Ches."
"Sorry naman. Ang gulo kasi ng pagkakasabi ni Mr. Blue-eyed eh. Sino ka nga ulet?" Baling nito kay Clyde.
"Si Clyde iyan." Di niya napigilang ibulalas.
Tinignan siya ng kaibigan ng may pagdududa. "Weh?"
Clyde chuckled. "Rin is right. I'm Clyde. So?" Untag ni Clyde sa kanya.
"Bakit?" Was all she was able to utter. Nako-conscious siya sa titig ni Dwight sa kanya. Siniko ito ni Clyde and before he spoke, he cleared his throat.
"Come with us."
"Bakit nga?"
"We'll talk about it later. But first, you have to come with us. Hinihintay ka na ng tatay mo."
Napakunot-noo siya. "Si tatay?"
"Yeah. Si tatay." Ngisi ni Clyde na ginaya pa ang masungit na tono ng pananalita ni Dwight na hindi naman pinansin ng huli.
"I guess, your problem wasn't a problem anymore." Chesca said in a sing-song voice.
Nilingon niya si Chesca at kinindatan lang siya nito habang inilalagay sa bag niya ang ilang gamit niyang nakakalat sa lamesa. Tapos ay ibinigay nito iyon kay Dwight na tinanggap naman nito at isinukbit sa balikat.
BINABASA MO ANG
Marrying Dwight (DH 3 || Completed)
RomanceWhen she was broke and everything becomes a mess in her life, he came and saved her in exchange for being his dummy girlfriend. But their involvement became deeper when he asked her to marry him where she agrees because she felt safe with him beside...