OWN ME
Chapter 23
"I'll fetch you later. Bye."
Sinilip niya si Dwight. "Hindi ka ba papasok?" Umiling lang ito. "Bakit?"
"Meetings. Why? Are you going to miss me?" Ngisi ni Dwight.
Tinaasan niya ito ng kilay. "Mukha mo! Umalis ka na nga. Pasok na ko." Narinig pa niya ng tumawa ito. Di nalang niya pinansin.
Pagpasok niya sa gate ay muli niyang nilingon si Dwight at tulad ng dati ay naroon pa rin ito. Hindi umaalis hangga't hindi siya nakakapasok sa loob ng school.
Sumaludo pa ito sa kanya bago pinaandar ang sasakyan at tuluyan ng umalis. Napabuntong hininga nalang siya.
They have been living under the same roof for the past three months. Their marriage happened in a secluded resort of Dwight's family. No trespassers. No media. Just their solemn beach wedding under the sunset.
Kung sana lang ay totoong nagmamahalan sila, sana ay mas na-appreciate niya ang kasal nila.
"Riiiin!"
Napangiti siya. Kahit kaylan talaga parang nawawala palagi si Chesca. Huminto siya ay hinintay itong makaabot sa kanya.
"Grabe ka! De kotse ka nalang ngayon ah! Iyan na ba ang nagagawa ng pagkakaroon ng yummy na asawa? Ano na? Wala pa bang laman iyan? Ang hina naman ni Dwighty-meaty!"
Pinadilatan niya ito ng mata lalo ng ng may mapalingon sa kanila. "Ano ka ba?" Sabay hila niya sa kaibigan sa isa sa mga bench sa ilalim ng puno ng acasia. "Baka may makarinig sa'yo. Alam mo namang walang nakakaalam dito sa school ng tungkol sa bagay na iyan eh."
Inirapan siya nito. "Eh di wala ka pa rin sa aking maikukwento tungkol sa sex? Paano na ang kwento ko?"
Napailing nalang siya. Pati kasi ang pagsusulat ay ginawa ng sideline nito eh. Hindi na nga niya alam kung paanong nakakatapos ito ng isang libro sa loob ng dalawang buwan.
"Eh di manood ka ng porn!" Natawa lang siya lalo na ng mamula ang mukha nito. "O kaya ikaw nalang ang makipag-sex dun sa crush mong jeepney driver."
Inirapan siya nito. "Kung siya lang din ang lalandiin ko eh mas mabuti pang mang rape nalang ako ng tuod! Sobrang stiff ng lalaking iyon! My golly gawgaw!" Sabay paypay nito sa sarili. "Magkwento ka na kasi Rin! Ano na'ng latest sa inyo ng asawa mo?"
"Wala. Alam mo naman na laro lang itong sa amin. Parang marriage for convenience lang. And we agreed to break the marrige after two years."
"Eh paano kapag nabuntis ka? Maghihiwalay pa rin kayo? Uy manong pabili ng taho mo!"
Hinintay muna niyang makaalis ang magtataho bago niya sinagot si Chesca. "Hindi ako mabubuntis dahil hindi naman namin gagawin 'yun'."
"Eh bakit parang disappointed ka?" Tukso sa kanya ng lukaret niyang kaibigan. Kinurot nga niya. "Ouch!" Sabay hilot nito sa tagiliran na kinurot niya. "But seriously speaking, lalaking lalaki ang asawa mo, gwapo at natural lang na may pangangailangan. Ikaw naman, maganda parang ako, sexy parang ako, maalindog parang ako at kaakit parang ako. Kaya imposibleng hindi kayo mahulog sa isa't isa. The temptation between the two of you is so strong na nakakatakot dahil naglalaro lang kayo."
"Exactly, Ches. We're just playing kaya hindi dapat kami lumagpas doon. We should know our limits. Kahit kasal na kami, hindi pa rin namin dapat i-invade and mga hindi dapat."
"Tulad ng?" Taas kilay nitong tanong.
"Don't ask the obvious. Nakakabobo." Ngisi niya.
"Sumagot ka nalang kasi. Daming kyeme eh." Tawa pa nito.
BINABASA MO ANG
Marrying Dwight (DH 3 || Completed)
RomanceWhen she was broke and everything becomes a mess in her life, he came and saved her in exchange for being his dummy girlfriend. But their involvement became deeper when he asked her to marry him where she agrees because she felt safe with him beside...