CHAPTER 33
OWN MEI wanna go back to the way we used to be. I wanna feel your skin, your lips so close to me. I wanna go back when I called you mine all the time. Every smile and every moment. If only I have a time machine.
"F*cking song!" Bulong niya sabay tayo. Wala siyang pakialam kung hindi pa tapos sa sinasabi si Irving dahilnsa totoo lang ay wala itong kwentang ka-business meeting. Kung bakit kasi hindi nalang ang sekretarya nito ang ipinakausap sa kanya eh? Parang wala rin kasi siyang kasama kapag sila lang dalawa. The man rarely open his goddamned mouth!
Nasa isang bar na naman kasi sila. As usual, ito ang namili na huwag sila sa isang fine dining restaurant magkita kaya heto sila ngayon at nakikinig sa kumakanta na nirequest ng isang customer. Pero bakit kasi sa dinami rami ng kanta ay Time Machine pa? It made him think of so many what ifs. Tulad nalang ng paano kung niligawan nalang niya si Rin noong una palang? Paano kung sinabi niyang mahal niya ito dati pa? Paano kung naging tapat siya? Magiging masaya pa rin kaya sila?
"You're in love, huh?"
Nilingon niya si Irving na nakangisi sa kanya. Napabalik tuloy siya sa upuan niya at tinungga ang whiskey na natira sa baso niya.
"What do you know about being in love eh tuod ka?" Deretsahan niyang tanong.
Tinawanan siya nito bago tinagayan. Hanggang sa naparami na ang naiinom nilang dalawa. Pero wala na siyang pakealam. Wala naman siyang peperwisyuhin sa bahay pag uwi niya dahil wala namang asawa ang sasalubong na sa kanya roon. Hindi tulad dati na pinipigilan niyang uminom ng sobra dahil baka mag-alala si Rin.
"Do you play?" Biglang tanong nito sa kanya at nakatingin ito sa stage na binakante ng banda para mag break daw saglit.
Ngumisi siya. "With guitar, piano and women only." Sabay tawa niya.
"Ilang taon ka na ba pare?" Out of blue nitong tanong.
"Twenty three. Married but my wife... damn! She left me just because she thought I'm still in love to my ex-girlfriend while the truth is, I only met my ex because their features looks the same. But when I already found her, maling paraan ang ginawa ko para makuha ko sya."
"So, you and your wife met even before you met your ex-girlfriend. Okay." Anito at sumipol pa ng may dumaang sexy na waitress pero ang labis niya ikinagulat ay ng balikan ito ng waitress para hampasin ng tray sa tagiliran na ikinatawa lang nito. Baliw.
"Dwight, right?" Anang waitress na namukhaan niyang si Chesca, ang college friend ni Rin. "Nagsama ang dalawang dense." Iyon lang at tumalikod na ito.
"That's my woman. Small but terrible at medyo brutal. But she's lovely and very talented."
"Well," dinukot niya ang cellphone niya. "This is my gorgeous wife. Twelve years ago, nawala kami sa mall ng kakambal ko. Lumabas kami, trying to find our parents pero lalo lang kami nawala. Hanggang sa mapunta kami sa isang parke where I saw her playing alone. Nilapitan ko sya, it was raining during that time and we clicked. Naglaro kami hanggang sa sunduin na siya ng tatay niya na may dala pang pamalo."
Sa takot maiwang mag isa ay sumunod sila sa mag ama at ng mapansin ng mga ito na sumusunod sila ay biglang tumakbo si Clyde noon at hinatak siya dahilan para madapa siya at masubsob sa maputik na daan. Tapos ay sinabi nila ang sirkumstansya nila at dinala sila ng mag ama sa istasyon ng pulis at doon na nga sila sinundo ng mga magulang nila.
"Ay! Teka lang." sabi ng batang si Rin noon at nilapitan siya at pinunasan ang kung anong nasa mukha niya gamit ang laylayan ng damit nito dahilan para makita niya ang balat nito sa may bewang.
BINABASA MO ANG
Marrying Dwight (DH 3 || Completed)
RomanceWhen she was broke and everything becomes a mess in her life, he came and saved her in exchange for being his dummy girlfriend. But their involvement became deeper when he asked her to marry him where she agrees because she felt safe with him beside...