Chapter 14

48.6K 1.1K 54
                                    

Kanina pa siya nakapangalumbaba sa grandstand ng school. Nakatingin lang siya sa mga nagpa-practice ng baseball, particularly to Dwight who's grinning from ear to ear. Ito ang pitcher at kahit wala siyang masyadong alam sa larong iyon ay masasabi niyang magaling ito. At muka ring sikat dahil ang daming babaeng tumitili rito at kay Arthur.

Gusto kasi ng tatay niya na makilala ito. Ang problema nga lang ay may usapan sila na hindi maaaring malaman ng mga parents nila ang tungkol sa kalokohang ginagawa nila. Pero nauubusan na siya ng dahilan sa tatay niya. Ilang araw na siya nitong kinukulit at at tanging naisasagot lang niya ay busy si Dwight dahil nagtatrabaho rin ito sa kumpanya ng mommy nito — which is partly true dahil minsan sa isang linggo lang naman iyon.

"Go Art!" May kahinaang sigaw ng babaeng nasa harap niya. Morena ito at nakalawit ang itim na itim na buhok sa butas ng suot na cap.

"Ilakas mo para marinig ka nya." Aniya. Nilingon siya nito at pareho silang na-shock ng magkatinginan. Ito ang nurse ng school nila na sa pagkakaalam niya ay nag-aaral ulit dahil gustong maging doktor. Si nurse Amethyst na crush ng mga estudyante.

"Sshh..." anitong itinapat pa ang isang daliri sa bibig. "Baka may makakita sa akin dito. Tumakas lang ako sa clinic kasi ayaw namang magsipunta ng mga injured doon. Mas gusto pang magpaalaga sa mga girlfriend o boyfriend nila."

Hindi na niya nakuhang sagutin ito dahil nilingon na nito si Art na hindi tinamaan ang unang bola na inihagis ni Dwight.

"Fuck you, Dwight!" Sigaw ng nakangising si Arthur kay Dwight.

"Yeah! Fuck this!" Sagot naman ni Dwight kasabay ng paghagis nito ng bola.

Pero palpak ang pagkakapalo ni Art dahil sa gumawi sa kanila ang bolang pinalo nito.

Napatayo sila ni nurse Amethyst sa takot na tamaan ng bola. Mabuti nalang at may lalaking nagharang ng bag nito at doin tumama ang bola.

"You okay?"

"Clyde!" She said as she recognized him. Ngumisi lang ito at ipinilig ang ulo na parang may itinuturo sa kanya.

Lumingon siya sa kaliwa niya ang she saw Amber looking intently at Dwight. Parang nainis siya bigla at naawa kay Clyde.

Kung nasaan si Dwight ay naroon si Amber at kung nasaan naman si Amber ay naroon naman si Clyde.

Kung ganoon, kailangan niyang mag-stick kay Dwight para maitaboy si Amber at ng sa ganon ay magkaroon ng pagkakataon si Clyde na mapalapit kay Amber. Bakit ba kasi siya napasok sa magulong buhay ng kambal na ito? Kasalanan ni Jules.

"You two better cheer out loud." Sabi pa ni Clyde sa kanila. Tinabihan siya nito at inakbayan. "I know you're playing with my twin brother and I want to see how good the two of you act as lovers." Bulong pa nito bagi sumigaw. "Dwight! Rin's here!"

Siniko niya ito ng mahina at tumawa lang ito. Ayaw pa nga niyang magpakita kay Dwight tapos tinawag naman ni Clyde.

"Alis na ko. May klase pa ako ng one o'clock." Paalam niya.

"No. Stay. He's coming this way and Amber's looking."

"Bro," ani Dwight kay Clyde ng makalapit ito sa kanila.

Tunulak naman siya ni Clyde kay Dwight ng medyo may kalakasan kaya napasubsob siya sa dibdib nitong basa ng pawis. Mabuti nalang at naalalayan agad siya ni Dwight.

Amoy pawis pero mabango pa rin. Napataas nalang siya ng kilay. Posible pala iyon sa isang lalaki?

"Easy bro." Tawa ni Dwight at bahagyang sinuntok si Clyde sa balikat. "Bakit ka nandito? Ah... don't answer that. Amber is the answer, right?" Saka lang siya nito tinignan. "Ikaw, bakit ka nandito?"

Marrying Dwight (DH 3 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon