Chapter 10

53.7K 1K 31
                                    

A/N: Sorry for this. Inform ko lang kayo na baka ibalik ko ang lumang title nito na 'Love Game'. Hindi ako mapakali eh. Basta, baka ibahin ko yung pamagat nito pero yung cover picture, iyon pa rin. Thanks!

-----

Chapter 10

"So, kayo ba? Ha? Nakakainis ka! Hindi ka man lang nagkukwento?"

Napabuntong hininga nalang siya. Kanina pa siya kinukulit ni Chesca na magkwento ng tungkol sa kanila ni Dwight. Eh ano naman ba ang dapat niyang ikwento? Isang kasunduan lang naman ang sa kanila nung weirdo na iyon. At saka mula noong tagpo sa ibaba ng condo nito kung saan siya nito napapayag na magpanggap bilang girlfriend nito ay hindi pa ulit sila nagkakausap. Nagkikita nga sila sa klase pero natutulog naman ito palagi.

"Parang ganoon na nga yata iyon?" Ngisi niya sa kaibigan. Si Rei naman ay parang walang pakealam na nagpupunas lang ng pawis. Katatapos lang kasi nilang mag-practice ng sayaw. Bukod kasi sa pagiging scholar nilang tatlo ay member din sila ng dance club.

"Nakakainis ka! Pati ikaw Rei, nakakainis! Nakakainis kayong dalawa! Ayaw nyo man lang magkwento samantalang ako, pati kulay ng panty ko sa araw araw alam nyo!" Talak ni Chesca.

"Wow ha! Talagang pati ako nasali?" Ngisi ni Rei.

"Oo! Aba! Kapatid mo pala yung manyak na Jules na iyon di mo man lang sinabi. At mayaman ka pala! Dapat hindi ka kasali sa scholarship eh."

"Yung tatay ko ang mayaman at hindi kami ng nanay ko."

"Kahit na." Ingos nito kay Rei saka siya niyugyog. "Riiiin... magkwento ka na kasi." Pangingulit pa nito.

"Ano kasi, hindi naman talaga kami ni -"

"Excuse me. Sorry to interrupt but can we talk?"

Napatingala silang tatlo. Right in front of them was none other than Amber; the most prettiest girl in the campus. Mukha itong manika kahit saang anggulo tignan, kahit anong isoot o kahit magulo ang buhok tulad ngayon na naka-clam ang buhok at maraming nakalaglag sa gilid ng mukha. But none the less, she still manages to look so pretty. Nakaka-inggit.

"Tungkol saan ba iyan?" Si Chesca pa rin. Alam kasi nito na may gusto si Amber kay Dwight na sa totoo lang ay halos lahat sa campus ay alam ang bagay na iyon kaya hindi ito basta malapitan ng mga lalaki. Ipinagkakalat raw kasi nito na kasintahan ito ni Dwight.

"None of your business." Pagsusungit nito kay Chesca na magsasalita pa sana pero hinatak na ni Reichelle patayo.

"Sa canteen pang kami, Rin." Paalam ni Rei sa kanya na tinanguan lang niya bilang sagot.

Nakarating sila ni Amber sa rooftop kung saan ipinagbabawal ang pag akyat ng mga estudyante dahil minsan na raw may nahulog doon.

Hinarap siya ni Amber. "I'll go straight to the point, Miss Sandoval." Panimula nito. "I really like Dwight and everyone knows it so I want you to stay out of his life!"

"Paano kung hindi ako lumayo?" Panunubok niya. Pakiramdam kasi niya ay hindi ito bagay sa isang weirdong kagaya ni Dwight. Sayang lang ang ganda nito.

"I'm not giving you a choice. I am ordering you to stay out of his life." Taas kilay na nitong sabi. "Isa pa, kailan lang naman akyo nagkakilala hindi ba? I heard magkaklase lang kayo sa isang subject. And I really wonder kung kaya mo bang i-differenciate si Dwight kay Clyde.

"Syempre kilala ko kung sino si Dwight sa kanila ni Clyde." I guess. "And no one can order me around unless you are my employer, Miss - ano nga ang pangalan mo?" Akala mo ikaw lang ang kayang magmaldita? Akala mo lang iyon.

Marrying Dwight (DH 3 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon