Chapter 9

54.3K 1.1K 42
                                    

"Sira na ba ang tuktok mo?" Hindi niya napigilang ibulalas. "At bakit ako papayag? Ni hindi nga kita kilala. At hindi mo rin ako kilala. Hindi nga tayo dapat nag uusap eh. At hindi dapat ako nag aaksaya ng oras dito dahil marami pa akong mas importanteng dapat na gawin." Sabay alis niya. Wala na siyang pakialam kung mabasa man siya ng ulan.

"Wait!" Habol nito sa kanya.

Lalo niyang binilisan ang lakad sa ilalim ng ulan. Bakit ba siya napapaligiran ng mga weirdong tao? She doesn't want to involve herself to anyone, especially to a guy again. Palagi nalang kasi siyang napapahamak. And now this handsome weird blue-eyed man was after her and it makes her nervous.

Ng maabutan siya nito ay hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at iniharap. "Look, this is not what you think okay? Let's just say, kung papayag ka, you'll do us a big favor."

"Hindi ko maintindihan." Iling niya sabay palis ng mga kamay nitong nakahawak sa mga balikat niya. "At kung ano man iyan, ayoko."

"I'm willing to cover up that issue of you with Jules if you will let me." Deklara nito, making her stop on her tracks.

Nagpatuloy ito. "I've seen the video and I don't think that Jules really —"

"Tama na! Huwag na huwag mong mababanggit ang pangalan ng gagong iyon! At hindi ko ginusto ang mga nakita mo! Alam mo bang ng dahil sa kanya, lahay ng meron ako ay nawala!"

"I understand—"

"No you don't!" Sigaw na niya. Nahihiya siya. Sino ba ang hindi kung halos lahat na yata ng estudyante sa eskwelahan nila ay nakita na ang katawan niya kahit pa nga sabihing madilim ang kuha at putol ang video ay halos nakita na rin ng lahat ang katawan niya. "You don't and you won't understand me. Magkaiba tayo. Kahit hindi kita kilala ay kitang kita ko ang pagkakaiba natin. Kaya please lang, stop pestering me Mr. Telpace." Then she turned her back to him only to get pulled by the next seconds. Natulala nalang siya ng maramdaman ang hangin na dulot ng nagdaang rumaragasang jeep.

"Shit!" She heard Dwight murmured while tightly holding her in his arms.

Nakatingin pa rin siya sa dinaanan ng jeep habang nakasandal sa malapad na dibdib ni Dwight. Paano nalang pala kung wala ito ng mga oras na iyon? Malamang ay na hit and run na siya at wala man lang makakakita, walang tutulong at mamamatay nalang siya sa kalyeng iyon.

"Are you alright?" Rinig niyang tanong nito ng pihitin siya nito paharap.

Tumango lang siya. Was she really alright? Definitely not. Last night, she was taken advantage of Jules, then the next day her scholarship was at risks and now, this weird handsome creep was asking her to be his girlfriend and just a few minutes ago, she almost got hit by a passing jeepney.

"Stupid. Of course you're not. With all that had happened to you— hey!"

May mga sinasabi pa ito pero hindi na niya naintindihan. Dahil kasabay ng paghina ng boses nito ay ang panghihina ng mga tuhod niya, at ang unti unting pagdilim ng paningin niya. The next thing she new, nasa isang kwarto na siya at sa gilid niya ay may dalawang batang babaeng nagbubulungan at mukang hindi siya napapansin na gising na siya.

"Girlfriend niya iyan. Look, she's pretty despite his dark complexion." Bulong nung isa na naka head band na may malaking ribbon.

"She's not his girlfriend. Just a... just a co-model. Yes! Co-model!" Sabi naman noong isa na ang supil ay may bulaklak.

Bumangon siya na nagpalingon sa dalawa and she got amazed how pretty they are. Malalaki ang mga mata ng mga ito na napapalibutan ng malalantik na pilik, katamtaman ang tangos ng ilong at natural na mapula ang mga pisngi at labi.

Marrying Dwight (DH 3 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon