Chapter 17

41.1K 993 17
                                    

"Malapit na ang graduation ball. Sana may mag-invite naman sakin na maging partner nila dahil ang daming gwapo sa mga graduating." Nakapangalumbabang sabi ni Chesca. "And how I wish that Rei is here." Buntong-hininga pa nito. "Ikaw, partner ka ni Dwighty-meaty?"

"Hindi." Sabay sulat niya sa reviewer niya ng natatandaan niyang naisama sa discussion na wala naman sa aklat nila. Nasa study hall lang kasi sila, pwede magkwentuhan basta huwag lang masyadong malakas.

"Bakit?"

Nagkibit-balikat lang siya. Hindi rin naman siya interesado sa mga party party na ganun. Aksaya oras lang. Isa pa ay hindi sila nagkakausap pa ni Dwight mula ng puntahan nila sa ospital ang tatay niya. At isa pa iyon sa pinoproblema niya, lumalaki na ang bill nila at hindi niya alam kung saan kukuha ng pambayad.

"War pa rin kayo ni Dwighty-meaty? Kala ko naman peace na kayo." Bansag nito iyon kay Dwight dahil may mga nag-video pala sa kanila at kumalat iyon sa buong school, pinagptestahan  na ng mga babae ang halos hubad ng katawan ni Dwight na akala mo isa itong putaheng nakahain.

"Bakit ang halay ng tunog kapag sinasabi mo iyan?" Di niya napigilang itanong. Para kasing minamanyak nito si Dwight sa bansag na iyon eh.

"Inosente ako, 'no!" Irap nito sa kanya. "Pero Rin, malapit na ang debut mo ah! Any plans? Si Dwight, alam ba niya?"

Tama ito. Malapit na nga ang eighteenth birthday niya pero hindi naman siya nae-excite dahil tuwing birthday niya ay nagkakasakit siya kaya hindi talaga niya ma-enjoy. At kadalasan ay sila lang ng tatay niya ang magkasama. And right now, her father is also sick.

"Hindi niya alam at wala akong planong ipaalam iyon sa kanya. Isa pa, wala namang special sa birthday ko. That was just a normal day for me. Hindi na dapat ipagdiwang dahil kahit ang taong mismong nagluwal sa akin sa magulong mundong ito ay mukang di naman naging masaya ng ipanganak ako kaya bakit pa magse-celebrate? Isa pa, nasa ospital pa rin si tatay." Niligpit na niya ang mga gamit at tumayo na.

"Ako at ang tatay mo masaya." Chesca blurted and cling into her left arm. "Kaya magse-celebrate tayo pagkagising ng tatay mo."

"Salamat." Ngiti niya sa kaibigan at naghiwalay na dahil magkaiba sila ng klaseng papasukan.

Dumiretso agad siya sa upuan niya sa likod. Halos lahat ng mga kaklase niya ay abala sa pagtsi-tsismisan ng tungkol sa buhay ng may buhay. She even heard them utter her name together with Dwight. Hindi pa rin mamatay-matay ang tungkol sa paghuhubad ni Dwight para lang mapatawad niya. Pero lalo lang siyang nainis rito lalo na ng mapatawag sila sa dean's office. Mabuti nalang talaga at hindi na sila dinala ng guidance office dahil baka raw maapektuhan ang malinis kuno na record ni Dwight.

"'san na kaya yun?" Malapit na kasing magsimula ang klase pero wala pa rin ang kambal.

Dinukot niya ang cellphone at nagsend ng message  kay Dwight.

"Late na kayo." Text niya at muling itinago ang cellphone sa bag.

Pero hanggang sa matapos ang klase ay wala ang kambal. Nang silipin niya ang cellphone ay walang reply mula kay Dwight. Paglabas naman niya ng classroom ay nakasalubong niya si Amber na palabas na rin ng classroom nito. Blangko ang pagkakatitig nito sa kanya kaya hindi niya alam kung ano ang iniisip nito.

Isang linggo pa ang mabilis na lumipas at ni anino ng kahit isa sa kambal ay wala siyang nakita. Kahit isang text na galing kay Dwight ay wala rin siyang natatanggap. Pero ang nagpapakunot palagi ng noo niya ay ang mga titig ni Amber sa kanya na kung noong mga nakaraang araw ay blangko, ngayon ay parang puno ng pagkaawa.

"Sandali!" Pigil niya sa braso nito.

"Bakit?"

"Bakit palagi kang nakatingin? May gusto ka bang sabihin sa akin? Sabihin mo na."

Tumaas ang isang kilay nito bago siya hinatak sa comfort room at ini-lock iyon.

"Hindi ko alam kung may alam ka ba o wala. But based on your reaction, you don't know anything." Sabay pakita nito ng isang kamay kung saan nakasuot ang isang with gold na aingsing na may princess cut na bato na sa hula niya ay halos isang karat sa laki.

"Engage ka na?" Nasabi niya that made Amber laughs.

"Obviously. And I am engage to Dwight. Kaya kung ano man ang meron kayo, tapos na iyon."

Napipilan siya. Paano nangyari iyon? Pinagmumuka na pala siyang tanga ni Dwight at wala man lang siyang kaalam alam?

Hindi na niya namalayan ang ginagawa. The next thing she knew, she was waiting for Dwight to answer her call.

"Yes sweetheart?" Pagsagot ni Dwight sa tawag niya. "I'm sorry but we have to—." Hindi na niya ito pinatapos. She ended the call right away. Ayaw niyang marinig ang paghingi nito ng tawad sa panloloko sa kanya.

She already had enough.

Marrying Dwight (DH 3 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon