CHAPTER 38
OWN ME
"You are the reason why I am hurting. Does it mean I can embrace you? And will you be that woman who's waiting patiently for me?"
Natigilan siya sa sinabing iyon ni Dwight. Naguguluhan siya lalo na at kitang kita niya ang lungkot sa asul nitong mga mata na nakatitig sa kanya. Hindi siya nakapagsalita hanggang sa unti unti na lamang itong nag iwas ng tingin at humarap sa daan. Huminga ito ng malalim at pagkatapos ay binuhay na ang makina ng sasakyan.
"Daddy, punta tayo sa Enchanted Kingdom." Maya-maya ay ungot ni Elle sa ama.
Nilingon ito ni Dwight at nginitian pero hindi naman umabot ang ngiti nitong iyon sa mga mata nito. "Sorry baby. But your mommy is not feeling well today. Maybe next time. Is that okay with you?"
Sumimangot ang anak nila at nag pout pa kaya kinuha niya ito mula sa backseat at kinalong. "Next time Elle, we'll go there." Nilingon niya si Dwight na nakatingin sa kanila. At tulad ng dati ay balik na sa dati ang ekspresyon ng mukha nito — blangko ng muli. "All of us, well go there." Ulit niya.
At tulad ng gusto niyang mangyari ay hindi na nga siya idinaan ni Dwight sa ospital na pag-aari ng pamilya nito at idiniretso na siya sa bahay na pag aari nito at sariling pundar na minsan ay naging tahanan niya.
Pagdating ay inihatid lang nila ang kambal na nakatulog na sa kwarto ng mga ito. Binihisan niya ang dalawa at agad ring lumabas ng kwarto para hanapin si Dwight na natagpuan niya sa kusina at umiinom ng tubig. Nakatalikod ito sa gawi niya kaya malaya niyang napagmamasdan ang malapad nitong balikat, ang maliit nitong beywang, ang matambok nitong pang-upo, ang mahahabang mga hita at binti. Lahat ng mga iyon ay nagbago na sa lumipas na panahon at mas naging define ang bawat features nito.
Nang magtaas siya ng paningin at noon lang niya napansin na nakaharap na pala ang asawa sa gawi niya at hawak nito sa isang kamay ang bote ng tubig na kanina ay iniinuman nito. Malungkot itong nakangiti sa kanya bago nagsalita.
"What? Are you still thinking why did you gave yourself to someone just like me?" Puno ng sarkasmong sabi nito at may pagdiriin pa ng banggitin nito ang salitang 'just'.
"But I'm so sorry sweetheart. I can't give you the annulment you were asking. I promise to myself that I will only marry once. And once I did, wala ng bawian. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, you will stay married to me." Saka siya nito nilagpasan at nagdire-diretso palabas ng bahay.
Hinabol niya ang asawa. "Will you stop the sarcasm, Dwight? At pwede bang mag usap muna tayo?" Aniya habang nakasunod rito.
"May pupuntahan ako. Bukas nalang." Masungit nitong sagot na para bang nasa kanya lahat ng pagkakamali kung bakit ganoon ang sitwasyon nila ngayon.
"Ganoon ba talaga iyan kaimportante? Mas importante pa sa dapat nating pag-usapan?" Aniya pero hindi pa rin ito huminto hanggang sa malapit na ito sa sasakyan.
"Dwight!" Nanggigigil niyang sigaw. Hindi siya sanay na ganoon sila mag usap. Mas sanay siya sa dating Dwight na kapag may sasabihin siya ay naroon lang sa tabi niya at nakadikit sa kanya o kaya naman ay nakayakap. Pero ngayon, sobrang nakakainis ang Dwight na nasa harapan niya.
Bago nito buksan ang kotse ay humarap ito sa kanya. "Go inside. I'll go back in an hour or two. May kailangan lang akong kausapin." At akma na itong papasok ng kotse.
"Fine! Pakasaya ka!" Saka siya nagmartsa papasok ng bahay.
Kung hindi lang sa mga anak niya ay hinding hindi na siya babalik sa bahay ng asawa dahil ang bawat sulok ng bahay na iyon ay nagpapaalala sa kanya sa nakaraan nila ni Dwight. Kahit saan niya ibaling ang tingin niya ay ang mukha ng asawa ang nakikita niya.
BINABASA MO ANG
Marrying Dwight (DH 3 || Completed)
RomanceWhen she was broke and everything becomes a mess in her life, he came and saved her in exchange for being his dummy girlfriend. But their involvement became deeper when he asked her to marry him where she agrees because she felt safe with him beside...