Flashbacks.
"Irinea!"
Napabilis ang paglakad niya. Kung pwede nga lang talagang tumakbo sa corridor ay ginawa na niya kaya lang ay bawal. Sino ba kasi ang nagpauso noon? Nakakainis!
Hinawi niya ang ilang hibla na buhok na kumalat na sa mukha niya dahil sa mabilis na paglakad. "Nakakainis! Bakit ba kasi ayaw akong lubayan ng mayabang na iyon eh!" Bulong pa niya sa sarili.
"Irinea!" Tawag ulit nito sa kanya.
Yumuko siya at kinipkip na mabuti ang hawak na mga libro. Konti nalang kasi ay pwede na siyang tumakbo. Isang liko nalang sa isang pasilyo at matatakasan na niya si Jules na akala mo kung sino porke mayor ang tatay. Sobrang presko. Sobrang yabang. Sobrang hangin pa.
Papaliko na talaga siya ng maabutan siya nito at hawakan sa braso dahilan para magkalaglag ang mga dala niyang libro.
"Ano ba?!" Piksi niya. "Nagmamadali ako kaya pwede ba? Bitiwan mo ako." Pero sa halip ay lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa braso niya. Napangiwi siya. Siguradong magpapasa iyon dahil sa higpit ng pagkakahawak nito.
Lumingon lingon siya sa paligid pero wala ng masyadong estudyante at papadilim na rin. And she felt trapped in Jules arms. Again! Yes, again. Dahil nitong mga nakaraang linggo ay dumadalas ang engkwentro nila. He was carelessly harrassing her at wala itong pakealam kung may mga mata bang nakatingin sa kanila o wala. At kahit may makakita ay wala naman itong pakialam. Parang halos lahat nalang ng mga estudyante ay takot rito.
Hinatak siya nito at isinandal sa pader kung saan halos hindi na abot ng liwanag. Kinabahan siya. Bali-balita rin kasi na nagda-drugs si Jules at babae lang siya. Anong laban niya sa isang katulad nito?
"Napaka-pakipot mo naman Irinea. You should be proud dahil sa dami ng babaeng nagkakandarapa sa akin, ikaw ang pinapansin ko." Ngisi nito at halos magdikit na ang mga mukha nila.
"Wow! Thank you sa atensyon ha?" Puno ng sarkasmo niyang sabi. "At ano nga pala ang dapat kong ika-proud doon?" Singhal niya rito habang tinititigan ito ng masama. "Tigilan mo na ako pwede ba? Hindi ako katulad ng mga babaeng sinasabi mo na magkakandarapa sayo. I have my own priorities and I am so sorry to tell you that you are not a part of it. So please, leave me alone and let me go home." Aniya habang pilit na inaalis ang kamay nito sa braso niya.
"Date me and I'll let you go."
"Ayoko." Matigas niyang tanggi.
"Then bear with me." Sabay akbay nito sa kanya at sapilitan siyang iginiya papuntang parking lot ng school kung saan naroon ang ferrari nito. Wala siyang nagawa dahil sa higpit ng pagkaka-akbay nito sa kanya pero ng akmang papapasukin na siya nito sa kotse nito ay doon na siya pumiglas. Tinabig niya ng malakas ang braso nito at saka siya tumakbo.
Pero nakakailang hakbang palang yata siya ng hapitin siya nito sa bewang dahilan para impit siyang mapatili. Mabilis niyang sinuri ang paligid and all she can she was bunch of cars. Wala kahit isang tao!
"You like the chase, huh? Well, I'm not. Sawa na ako sa pagpapakipot mo. Kung dati, tinitiis ko, ngayon hindi na. Masyado mo ng tinatapakan ang pagkalalaki ko!" Sabay halik nito sa kanya pero pilit niya iyong iniwasan kaya sa panga niya lumapat ang labi nito.
Nagpumiglas siya. But her strength wasn't enough lalo na sa isang katulad ni Jules na bukod sa malakas ay ang laking tao pa. She cried for help, but no one came for her. Halos maubos na rin ang lakas niya sa pagpupumiglas pero wala pa ring nangyayari, hindi pa rin matinag si Jules sa ginagawa sa kanya. Panay ang halik nito sa mukha niya, sa leeg, sa punong tenga habang iniipit siya nito sa pagitan ng katawan nito at ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Marrying Dwight (DH 3 || Completed)
RomanceWhen she was broke and everything becomes a mess in her life, he came and saved her in exchange for being his dummy girlfriend. But their involvement became deeper when he asked her to marry him where she agrees because she felt safe with him beside...