A/N: Chapter 29 na talaga? Ang konti ng reads and comments. Haha. Wala ka pala Dwight eh! Si Drae milyon na ang reads nung nasa chapter 29 pero ikaw panis! Haha.
Pero in fairness ha? Mas wholesome itong kay Dwight yata? Haha. Mahalay kasi yung Shotgun Marriage eh. Pero aminin nyo, iyon ang gusto nyo. Tried and tested ko na kayo eh. Hahaha
Enihu, sino ang bibili ng Shotgun Marriage kapag napublish na iyon? Hubarin ang panty at iwagayway! Waaaaaah! Ako ng naka-katol!
Magbasa na nga lang kayo sa magulong update, parang buhok ko. :)Chapter 29
OWN ME
"Will you stop grinning? Mukha ka ng tanga and I hate seeing my face like that." Sabay abot ni Clyde sa kanya ng mga dapat niyang pirmahan. Seriously, ginagawa nalang magkapitbahay ni Clyde ang States at Pilipinas sa kakaparit-parito.
"Wala akong pakealam sayo!" Aniya habang pumipirma. "By the way, how's mom and the kids?" Sabay higop niya ng kape.
"Ayun. Si Eunice my boyfriend na yata. A certain Leo Madrigal? Si Frences at Gie naman, still as cute as ever. Si kuya at si ate? Ewan. And by the way Dwight, lagot ka kay mommy kapag nalaman niya ang arrangement nyo ni Rin. And the old man's hoping to see the next Telpace." Mahabang litanya ni Clyde. Nakangisi ito at parang naghahamon ang tingin.
Ngumisi rin siya sa kakambal kasabay ng pagkarinig nila ng pagsinghap ng mga naroon sa coffee shop na kinaroroonan nila. Umayos si Clyde habang siya ay walang pakealam kung nakakakuha man sila ng atensyon.
Nagkibit siya ng balikat at ngumisi sa kakambal. "May kasunduan kami ng tatay ni Rin. I just broke one of his rules weeks ago but the deal is still on. And as for the baby, well... you know we're not ready for it yet."
"Rather, you're not ready." Bumuntong hininga si Clyde. "Alam na ba ni Rin?"
Umiling lang siya bilang sagot. How could he say something so cruel to his Rin? His past doesn't matter anymore. Past na iyon. Nakaraan na. Tapos na at hindi na dapat pang balikan dahil wala namang maidudulot na mabuti.
"Bakit pa. Wala namang mababago kung malalaman niya." Sagot niya.
"Pero maraming pwedeng mawala kung hindi mo sasabihin. Bahala ka. Choice mo iyan. Pero kung ako sa'yo, sasabihin ko nalang lahat sa partner ko."
Hindi siya kumibo at ganoon din si Clyde. Magkaharap lang sila at nakatitig sa sari-sariling tasa ng kape until Clyde broke the silence between them.
"Bro, Rin's a good woman at tutal naman ay ibinigay mo na ang apelido mo sa kanya kaya bakit hindi pati ang puso mo ay ibigay mo na rin? Hindi magiging masaya si Clarisse kung patuloy mong ikukulong ang sarili mo sa mga ala-ala niya."
"Stop mentioning her name." Matigas niyang sabi.
"Still affected, eh? Anyway, kukunin ko na ito bago mo pa ako masapak. Isa pa, mukang mapipilitan ka ng magpaliwanag." At basta nalang pinaglalagay ni Clyde sa bag nito ang mga pinirmahan niyang papeles. "You wife's here. Mauna na ako sa inyo." At mabilis pa sa alas kwatro ay nasa pinto na ito ng coffee shop.
"And by the way Rin. If you wanted to know something important from my stupid twin brother, just say the name 'Clarisse'." Pahabol ni Clyde bago tuluyang umalis ng nakangisi.
Why does he has to have a very nosy twin brother?
"Who's Clarisse?" Inosenteng tanong ni Rin sa kanya habang nauupo.
"Don't mention her name. And what are you doing here?" May bahid ng iritasyon na tanong niya. Ayaw niyang pag usapan ang nakaraan niya. At kahit ang pagbigkas lang sa pangalan ni Clarisse ay parang karayom na na tumutusok sa dibdib niya.
BINABASA MO ANG
Marrying Dwight (DH 3 || Completed)
RomanceWhen she was broke and everything becomes a mess in her life, he came and saved her in exchange for being his dummy girlfriend. But their involvement became deeper when he asked her to marry him where she agrees because she felt safe with him beside...