Chapter 25

49.1K 1K 48
                                    

A/N: Isang sabaw na update para sa inyong lahat. Palakpakan. Thank you and happy reading. React-react din pag may time. Joke! Read on!

____________________________________

Chapter 25

OWN ME

Tinitigan niya ang sarili sa salamin at napadakot nalang siya sa sariling mga dibdib kasabay ng pag-iinit ng mga pisngi niya.

"Bakit ba kayo bumakat? Nakakahiya." Kulang nalang ay magpapadyak siya sa kahihiyan. "At bakit ba kasi nakalimutan kong wala pala akong bra? Baka isipin ng isang iyon na inaakit ko sya. As if! At tinawag ba talaga niya akong 'sweetheart'?" Kinilabutan siya lalo na ng maisip ang sinabi nito na he's having a hard on!

Hindi naman talaga siya palasuot ng manipis at maiksing damit. Kaya lang ganoon ang ayos niya ay dahil palagay ang loob niyang hindi naman papasok si Dwight sa kwarto nila lalo pa at may hindi sila pagkakaunawaan.

Pero kinabahan talaga siya pagkakita niya kay Dwight sa loob ng kwarto at nakatunghay sa kanya. Idagdag pa ang seryoso nitong mukha na parang any time ay kakainin siya nito o kaya naman ay malulunod siya sa mga mata nitong asul na asul o kaya ay iipitin siya nito gamit ang makakapal na kilay na kulang nalang ay mag isang linya sa pagkakasalubong.

Napangisi siya sa naisip. Pero gustong gusto talaga niya ang makakapal na kilay ni Dwight, ang asul nitong mga mata na may mahahabang pilik at ang pointed nitong ilong.

"Hala?! Ano ba itong pumapasok sa isip ko?" At kaysa mag-isip ng mag-isip ay ipinasya aaaang niyang lumabas na ng bathroom at harapin ito.

Sa paglabas niya ay nadatnan niyang nakaupo si Dwight sa kama at nakasandal sa headboard nito habang nakapatong sa kalong ang unan niya at hawak ang cellphone niya.

At bahagya pa siyang nagulat ng magsalita ito habang nakatitig sa cellphone niya. Naramdaman na pala nito ang presensya niya.

"This friend of yours, is she dating the young Monroe?" Sabay pakita nito ng picture ni Rei.

"Monroe? Sino iyon? Hindi yata. Isa pa, nasa abroad na si Rei."

"Okay." Then he gestured the space beside him, urging her to sit there. She did at kinuha niya ang unan niyang kalong nito pero inagaw lang nito iyon ulit at nagkamot ng ulo. Siya naman ay napakunot lang ng noo.

"Bakit? Unan ko kaya iyan."

"Basta. Pahiram muna."

Kahit nawi-weirdohan siya ay ipinagwalang bahala nalang niya. Natural naman na kay Dwight ang pagiging weird kahit dati pa.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Hindi niya alam kung paano magsisimula dahil di niya alam kung galit ba ito o hindi. Inagaw nalang niya ang cellphone niyang hawak nito kaya hayun at nakatikim siya ng isang masungit na tingin.

"Bakit wala akong picture sa cellphone mo? Tapos si Clyde meron at yung Yohann na yun. Unfair! Picturan mo rin ako."

Feeling niya ay literal siyang napanganga sa ainabi nitong iyon kaya kinapa niya ang sariling bibig para kumpirmahin kung napanganga ba siya o hindi. At mabuti nalang at hindi.

"Magda-download balang ako ng picture mo kung gusto mo." Sagot niya ng makabawi.

"Hindi. Ayoko ng ganun. Ngayon na. Kuhanan mo ako." Parang ewan nitong request at para matapos na ay kinuhanan niya ito.

"Patingin?" Ipinakita niya. "Pangit ng shot. Ako nalang ang kukuha. Sama ka." At bago la siya makapag react ay inakbayan na siya nito at saka nagsimulang kumuha ng picture. At siya? Prang tanga lang na nakalingon dito.

Marrying Dwight (DH 3 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon