Chapter 4

68.5K 1.5K 79
                                    

Nagising siya sa sunod-sunod na tunog ng doorbell niya. Ng tignan niya ang oras ang pasado alas sinco palang ng umaga at halos kauuwi niya palang dahil nagkatuwaan silang mag karaoke bar ng mga kapwa niya modelo.

"Nakakainis! Ano ba'ng problema ng nagdo-doorbell na iyon?" Saka siya pupungas pungas na bumangon. Halos kahihiga palang kasi niya.

Nagsoot lang siya ng over-sized shirt para mapatungan ang tube at panty niyang soot.

Wala naman ng ibang nambubulahaw sa kanya tuwing madaling araw kundi si Yohann. Pero ginagawa lang nito iyon kapag may photoshoot siya ng umagang umaga. At wala siyang photoshoot ngayon!

"Makakatikim sa akin 'tong Yohann na 'to eh!" Sabay bukas niya ng pinto ng hindi na tinitignan kung sino ang nasa labas.

"Problema mo?!" Pagtataray niya sa inaakalang si Yohann.

"Sabi sa'yo sa hotel nalang eh!" Siko ni Clyde sa kakambal. "Sorry Rin. Mukhang naging ka namin. Eto kasing si Dwight, mapilit. Dito nalang daw kami magpalipas ng gabi kaysa magbyahe pa. Ang lakas ng snow sa labas eh."

Sinilip niya si Dwight na nakasandal sa pader sa tabi ng doorbell. Tinignan lang siya nito mula ulo hanggang paa at pabalik saka nito nginuso ang suot niya.

Ipinilig niya ang ulo saka ito tinaasan ng kilay. And without breaking an eye contavt with him, she said "halika na sa loob Clyde."

"Whew! I thought you wouldn't say that." Sabay pasok nito at nauna pa sa kanya. Sumunod na siya rito ng hindi man lang inaaya si Dwight.

Isasara na sana niya ang pinto para inisin si Dwight ng hatakin siya nito at saka isinara ang pinto. Naiwan silang dalawa sa labas.

Tinitigan niya ito ng masama. "Anong problema mo?" Pagsusungit niya.

"Hindi mo ako inanyayahang pumasok kaya dito ka lang din." Saka ito ulit sumandal sa pader at humalukipkip.

Hindi nalang niya pinansin si Dwight at pinindot nalang niya ang pin ng pinto ng unit niya.

"Dati naman hindi mo na kailangang anyayahan ah? Bahala ka ian kung ayaw mong pumasok."

Pagpasok niya ay nadatnan niya si Clyde na naghahalungkat sa kusina. Hindi nalang niya pinansin at ipinaglabas nalang niya ito ng comforter at mga unan. Isa lang kasi ang kwarto sa unit niya.

"Bahala na kayong dalawa diyan. Pagkasyahin niyo nalang ang mga sarili niyo. Matutulog na ako." Tinanguan lang siya ni Clyde at kitang kita pa niya ng lingunin nito si Dwight at taasan ng kilay. Di nalang niya pinansin.

"LQ?" Narinig pa niyang tanong ni Clyde habang papasok siya ng kwarto. Hindi lang niya alam kung sino sa kanila ni Dwight ang tinatanong nito. Di nalang ulit niya pinansin.

"Shut up Clyde!" Singhal naman ni Dwight sa kakambal. Napangiti nalang siya.

Between the Telpace' twins, si Dwight ang ayaw pinapakialaman at ang pikon habang si Clyde naman ang dakilang pakialamero at medyo walang pakialam sa mundo.

Pagpasok niya sa kwarto niya ay sumuot na agad siya sa kumot at humanda ng matulog.

"Inaway mo na naman?"

"Hindi. Umuwi ka na nga sa Pilipinas pag liwanag."

"Inaway mo eh."

"Hindi nga sabi!"

"Eh ba't galit ka?" Na sinabayan pa ni Clyde ng tawa.

"Get out Clyde!" May pagdiriing sabi ni Dwight.

Hindi ba nahihiya ang mga ito? Ang iingay eh. Kung mag-usap akala mong milya milya ang layo sa isa't isa.

"Matutulog na nga ako. Matulog ka na rin. Ay hindi pala. Makipagbati ka na sa asawa mo. Hindi niyo dapat pinapaabot ng umaga ang tampuhan niyo." Rinig pa niyang sabi ni Clyde habang tumatawa.

Marrying Dwight (DH 3 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon