Chapter 15

46.8K 1.2K 50
                                    

"Madaya! Isang game pa!" Sigaw ng isa sa team mates niya. "Langya 'tong si Dwight, wala sa sarili eh." Reklamo ni Art.

Di niya pinansin at nagdire-diretso siya sa locker room para kumuha ng pamalit. Ten minutes nalang at lunch break na. Kailangan niyang maabutan si Rin sa classroon nito.

"Hoy! Umamin ka nga, hindi ikaw si Dwight 'no?"

Sinundan pala siya ni Art at tulad niya'y di na ito naligo at basta nalang nagpunas ng pawis at nagbihis.

"Sorry. Dwight's kinda busy." Pagsisinungaling niya. Clyde knew how to play the game but he's not as good as he is.

Napapalatak nalang si Art. "Sabi na eh! Problemado sa chicks niya?"

Nagkibit lang siya ng balikat at ngumiti. Minsan talaga hindi niya alam kung naguguluhan lang ang mga tao sa paligid nila o sadyang hindi lang talaga malaman kung sino talaga si Clyde sa kanilang dalawa. Ang mga kapatid at magulang naman niya, pati si Amber at si Rin ay nadi-differentiate sila ni Clyde pero bakit ang iba hindi magawa?

"Alis na ko." Paalam niya at dumiretso na sa building nila Rin and fortunately, hindi pa tapos ang klase nito kaya nag abang nalang siya sa pinto hanggang sa lumabas ito.

"Hey..." aniya pero parang wala itong nakita at narinig so he followed her hanggang sa makarating ito sa library. Dumiretso ito sa isa sa mga shelves at kumuha ng libro at doon nalang din binasa. Ni hindi na ito nag-abalang humanap ng bakanteng mauupuan at basta nalang sumalampak doon.

Naupo siya ng pasalampak sa harap nito at sinadya niyang ipagitna ito sa pagitan ng mga binti niya.

Tinignan lang siya ni Rin ng masama at akmang tatayo kaya pinigilan niya.

"Stay... please. I'm sorry, okay? Hindi ko alam." Bulong niya.

Noong komprontahin niya si Jules noon ay wala naman itong sinabi sa kanya na hindi naman pala nito ginawa ang bagay na iyon talaga kay Rin.

"Mahilig ka pala sa tira-tira, Telpace."

That was the exact sentence that Jules said that made him punch the bastard. So he really thought that Rin might get pregnant and he can't stand to see her so pale and lifeless like her friend.

"Sorry? Hindi ko kailangan ng sorry mo, Dwight." Rin whispers as she made her way to stands up at walked away from him.

"What do you want? Spill it out and I'll do it if that will make you forgive me." Pakiramdam niya ay hindi na siya ang nagsasalita.

It's been days since that small misunderstanding at the hospital at mula noon ay parang hangin nalang siya sa dalaga. Pati si Clyde na palagi nitong kabiruan ay hindi rin nito pinapansin.

Inaamin niya, hindi siya sanay ng hindi pinapansin. Not that he seek for attention but wherever he is, he always got the peoples attention. Well, maybe because people recognizes him as the model. But with Rin, simula't simula palang ay parang balewala na rito ang presensya niya.

"Gagawin mo? Kahit ano?" She said, arching one of her brows. "Then, run around to the whole campus wearing your boxer shorts, tie and your shoes... now."

He almost groan in disbelief. He really can't believe she'll be able to say things like that. Mas pilya at mas topakin pa pala ito kila Gienelle at Frences.

"Hindi mo kaya? Then leave me alone." At tinalikuran na naman siya nito.

"Fine!" Malakas niyang sbi kaya marami ang napatingin. "Fuck this!" Bulong niya.

Tinaasan siya ni Rin ng kilay na parang hinahamon siya at para bang sinasabi nitong 'Ano na?'.

He takes off his polo then his shirt beneath it. "We'll talk after this." Then he unbutton his pants and takes it off without inhibition. May mga napasinghap. Mayroon ring mga napatili. But he doesn't care.

Pinulot niya ang mga damit na nahubad at iniabot sa nakatulalang si Rin. Hindi niya napigilan ang mapangisi at parang wala sa loob na kinuha nito ang inaabot niyang damit.

Humarap siya sa mga nanonood sa kanila ni Rin. "She said she'll kiss and forgive me after this." Ngisi niya. Naghiyawan ang mga ito and cheered for him before he starts running.

Pero nakakailang dipa palang siya ng tawagin siya nito. When he turned to face her, pulang pula ang mukha nito at ang laki ng mga hakbang habang palapit sa kanya.

Ibinuka niya ang mga kamay habang nakangiti. At pagkalapit nito sa kanya ay ibinato nito ang mga damit niya. And he couldn't help but laugh kaya nakatikim siya ng isang hampas sa dibdib mula rito.

"Para kang sira! Magbihis ka nga! Nakakainis!" Tatalikuran na sana siya nito pero pinigilan niya ito sa isang kamay and gently pull her for a hug.

"I'm sorry. Ayoko lang naman na makita ka sa sitwasyon na kagaya ng sa kaibigan mo. I know we're not that close, we didn't even knew each other that far but I can't help but care. Sorry na." Mabilis niyang bulong sa dalaga.

Ang daming nanunukso sa kanila. Ang daming kinilig kahit na hindi naman narinig ng mga ito ang ibinulong niya. Then, the crowd started to ask for them to kiss.

"Kiss! Kiss! Kiss!"

Rin covered her face and he just laughs.

"Sorry. Walang kiss. Kapag nalang wala ng nakatingin." He said to the crowd of students who's watching them. Then he saw Amber looking at them with surprised. Sa tabi nito ay walang iba kung hindi ang kakambal niyang nagpipigil ng tawa.

"Kiss na kasi!" Simeone shouted and he finds out it was Arthur.

"Kiss! Kiss! Kiss!" The crowd started to chant habang mukang hiyang hiya pa rin si Rin dahil isinubsob nito ang ulo sa dibdib niya.

"Kiss! Kiss! Kiss!"

Tumatawang niyakap lang niya si Rin at hinalikan sa buhok. How he wished he could kiss her whenever and wherever he wants. But he doesn't have the right to do that.

"Aw!" Daing niya ng kurutin siya ni Rin sa tagiliran.

"What is going on here?!"

Biglang nagpulasan ang mga estudyante ng marinig ang tinig ng dean. Si Amber, Clyde at Art lang ang hindi natinag sa kinatatayuan.

"Mr. Telpace and Miss Sandoval, to my office. Now!" Matigas nitong sabi.

Rin glared at him. "Kasalanan mo 'to eh!" Paninisi nito sa kanya at iniwan siya roon. "Bilisan mo na nga!"

He did. Pero tinanggal nalang niya ang tie niya dahil hindi na niya maibabalik iyon ng hindi nakaharap sa salamin.

"Let me." Nagulat siya sa biglang paglapit ni Amber at pagkuha ng tie niya mula sa kamay niya.

"Hindi. Ako na. Akin na iyan. Ako ang girlfriend di ba?" Pagsingit ni Rin at kinuha kay Amber ang tie niya.

"Yeah. Si Rin nalang." Aniya at bumaling sa dalaga. Rin is still frowning while doing his tie kaya hindi niya napigilang pisilin ang ilong nito. Why, but she looks so cute when she's mad.

"Wag ka ngang magulo!" Palis nito sa kamay niya. "Done! Let's go!" Sabay martsa nito habang hatak siya.

His brother just gave him a knowing look as if warning him to stop doing what he started. But he can't stop now. Ayaw man niyang aminin ay nasisiyahan na siya sa ginagawa.

He is starting to enjoy Irinea's company and he's enjoying their game.

______________________________

A/N: Wala talaga akong planong bigyan ng POV si Dwight dahil balak kong gawan ito ng book 2 since last october 2014 ko pa sinimulang isulat ito (chapter 1-10). Pero tinatamad na akong magsulat dahil hindi katulad sa Shotgun Marriage, dun, maraming maingay kaya ang sipag ko mag update. Sana lang umingay rin kayo. Haha. Ang demanding ko. Okay. Nobela na 'to. Haha. Babye na. Chu~♡

Marrying Dwight (DH 3 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon