Halos isang oras silang pinangaralan ng dean dahil sa ginawa nila at ang walang hiyang si Dwight ay prenteng nakaupo lang at nakuha pang magbuklat ng magazine na naroon sa maliit na mesa ng dean's office.
"Second offense mo na ito Miss Sandoval at sana ay hindi na masundan. At ikaw naman Mr. Telpace, I know that you are a model and stripping was nothing to you dahil sanay kang magbilad ng katawan but you can't do that here. Sana ay hindi ko na ulit kayo makita sa opisina ko. Hindi ko na kayo dadalhin sa guidance office dahil wala namang damage na naidulot ang ginawa ninyo, but the next time ,that you two, did something ridiculous, pasensyahan tayo. Palalagpasin ko kayo, lalo ka na Mr. Telpace dahil maganda ang record mo at running for cum laude ka."
"Yes. Thank you. Can we go now?"
Napatingin siya kay Dwight. Para kasing ito na ang nag-dismiss ng usapan lalo na at sinabayan nito iyon ng tayo at saka siya nilingon.
"Lika na." He said as he walks out with her without even waiting for the dean's dismissal.
"Bastos nito." Bulong niya na nagpalingon kay Dwight.
"I'm not a stripper, okay?" Irita nitong sabi.
"Sino ba nagsabing stripper ka?"
"Ikaw."
Hinampas niya ito. "Bintangero nito! Wala naman akong sinasabing ganun. What I mean is, iyong basta mo nalang paglabas ng hindi hinihintay na i-dismiss tayo." Ngumisi lang ito.
Unti unti na siyang nasasanay kay Dwight. He rarely laugh but he loves to smirk. Hindi rin ito madaldal na katulad ni Clyde but when he opens his mouth, it's either he speaks of like a king or like a jerk. Medyo mapagpatol rin ito sa mga naririnig at slow sa mga jokes. But behind all that, he is a very reliable man. But weird pa rin..
"May isa pa akong klase. Una na ako sa'yo." Ngiti niya rito. Kapag magkasama sila, palagi nalang may gulong nangyayari kaya mas mabuti nang umiwas iwas nalang muna siya kay Dwight.
"Hindi pa ako kumakain dahil pinuntahan kita agad after ng practice game kaya samahan mo ko." At wala na siyang nagawa ng hatakin siya nito. Akala nga niya ay sa loob lang din ng school sila kakain pero hindi pala dahil nakarating sila sa restaurant na dati niyang pinagtatrabahuhan. Ang restaurant ng mga Monroe.
Pagkapasok palang nila ay may lumapit na kay Dwight na lalaki na may nakasabit na camera sa leeg.
"Ikaw si Dwight hindi ba? Can I ask you-"
"I'm not. I'm Clyde. Excuse us." Sabay hila nito s kanya palayo sa lalaki.
"Ayos ah! May advantage rin pala ang pagiging identical niyo?"
Nagkibit lang ito ng balikat bago siya akbayan. Iyong tipo ng akbay na parang magtropa talaga kayo kahit hindi naman talaga? Kung minsan pala, masarap din sa pakiramdam ang may kaibigang lalaki.
"Libre mo ba 'to?" Biro pa niya kay Dwight.
Inilapag nito ang menu at humalukipkip. "Yeah. Do the honor to order the food."
"Ay, wala ng bawian ha? Yung pinakamahal ang io-order ko." Ngisi niya at nagsimula ng umorder ng pagkain.
"Ah wait!" Pigil sa kanya ni Dwight. "May allergy ako sa sea foods."
Tinaasan niya ito ng kilay. "Ah... e di um-order ka ng iba." Saka niya ito nginitian ng matamis. Hindi na rin talaga masama na makasama si Dwight.
Pagkakain nila ay tinanong siya nito kung may gusto siyang puntahan. Sinabi niyang wala at gusto na niyang umuwi dahil ang totoo ay may pasok pa siya sa isa sa mga part time jobs niya.
"Ihahatid na kita." Alok nito na tinanggihan niya agad dahil hindi pa naman talaga siya uuwi.
"Baka makita ka ni tatay. Magtatanong na naman iyon ng tungkol sayo tapos kukulitin na naman ako na ipakilala ka sa kanya kaya huwag nalang. Sige ah? Salamat sa late lunch."
When she turned around, sakto naman na nabunggo siya sa isang lalaki. Muntik pa siyang matumba. Mabuti nalang at mabilis ang reflexes nito at nahapit agad siya sa bewang.
"Sorry." Sabay pa nilang sabi.
Parang pamilyar sa kanya ang boses ng nakabanggaan niya kaya agad niya itong tiningala.
"Yohann!"
"Rin?"
Agad niya itong niyakap na ginantihan naman din nito habang natatawa.
Yohann Evaristo, her childhood sweetheart and the man who tought her how to become strong and what the real world is.
"So, you two knew each other huh?" Pagsingit ni Dwight. "And Mr. Evaristo, you can let go of my girlfriend now. Let's go sweetheart." Sabay hatak ni Dwight sa kanya palabas.
Nilingon niya si Yohann. "Nice seeing you again, Yohann!" Pahabol niya at kinawayan ito which he answered with a smile while his hands were on his pockets. Ang gwapo talaga niya.
"Teka, magkakilala pala kayo ni Yohann? Alam mo ba'ng siya ang first love ko? Ang bait bait niya kasi kahit medyo may pagkasuplado minsan." Hindi niya napigilang sabihin habang nagmamaneho si Dwight.
"I don't care. At may usapan tayo, kapag ako ang kasama mo, sa akin ka lang titingin at ganoon din ako sa'yo." Pagsusungit nito sa kanya.
Anong problema? Mood swings again?
"Parang wala namang ganyang rule?" Pambabalewala niya sa kasungitan nito. "Sayang lang at hindi ko man lang nakuha ang number niya. Ikaw kasi, hinatak mo ako kaagad dapat-" hindi niya naituloy ang sinasabi ng marinig ang ring ng cellphone niya.
"Hello po Aling Letty. Napatawag po kayo?" Nakangiti pa niyang sagot pero himdi niya inaasahan ang ibabalita nito sa kanya. "Ano po?! Saang ospital? Si-sige po. Pupunta na ako." Sabay lingon niya kay Dwight. "Dwight, ihinto mo."
"Why? What's wrong?" Kunot noong itinabi naman nito ang sasakyan sa emergency parking.
Bumaba siya at nagmadaling pumara ng taxi pero walang humihinto kahit isa.
"Rin!" Sabay hawak nito sa balikat niya. "What's going on?" Bakas ang pag-aalalang tanong ni Dwight sa kanya.
"Si tatay, Dwight... isinugod raw sa ospital dahil -"
"Then let's go." At ipinagbukas na siya nito ng pinto ng sasakyan. Sinabi niya kung saang ospital dinala ang tatay niya at pagdating nila roon ay nasa ICU na ito at wala pa ring malay.
Napaiyak nalang siya pagkakita sa kalagayan ng tatay niya. May kung anu-anong nakakabit rito na tulad ng dati.
"Irinea! Diyos ko! Mabuti at narito ka na. Hindi ko kasi alam ang isasagot sa mga doktor eh. Tinatanong nila kung dati na raw bang may sakit sa puso ang tatay mo. Aba'y hindi ko naman masagot dahil sa tatlong taon nyo sa tabi namin ay mukang malakas pa sa kalabaw ang tatay mo." Dire-diretsong sabi ni Aling Letty ng makita siya.
"May... maysakit po si tatay sa puso at ito po ang pangalawang pagkakataon na inatake siya." At unti unti ay ikinuwento niya kung paano sila naghirap ng atakihin ito noon.
Ang pagkakasakit ng tatay niya tatlong taon na ang nakakalipas ang nagpabago ng buhay nila. Naibenta ang bahay nila na katabi ng kila Yohann at kahit ayaw nilang umalis roon sa pagbabakasakaling balikan sila ng ina niya ay napilitan silang umalis pa rin dahil hindi na sa kanila ang lupa't bahay. Iyon ang dahilan kung paanong napunta sila sa payak na lugar nila Aling Letty.
Naubos lahat ng meron sila noon at hindi niya alam kung saan siya kukuha ng pambayad kung magtatagal ang tatay niya sa ospital ngayon. Pero isa lang ang masasabi niya, gagawin niya lahat para sa tatay niya.
And she really mean it.
BINABASA MO ANG
Marrying Dwight (DH 3 || Completed)
RomanceWhen she was broke and everything becomes a mess in her life, he came and saved her in exchange for being his dummy girlfriend. But their involvement became deeper when he asked her to marry him where she agrees because she felt safe with him beside...