Chapter 28

46K 1.1K 25
                                    


Chapter 28

OWN ME

Nagising siya sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone niya. Nanlalata pa siya. Gusto pa niyang matulog kahit isang oras pero ayaw talagang tumigil sa pag-ring ang cellphone niya kaya inabot niya iyon na nasa bed side table.

"Yes, hello?" Tinatamad niyang sagot ng hindi na tinitignan kung sino ang caller niya.

"It's past one in the afternoon pero mukang kagigising mo lang." Yamot na sagot sa kanya ng kausap. Ano pa ba'ng bago? Palagi namang yamot na yamot sa buhay si Yohann? And past one?

Napabalikwas siya ng bangon at naptingin sa oras sa cellphone niya. Nilingon din niya ang kabilang bahagi ng kama niya pero wala na roon si Dwight.

Pagkaalala sa asawa ay biglang mag init ang mukha niya. Last night, she just gave herself to him. At... masakit pala talaga na masarap.

"Hello? May kausap pa ba ako? Are you going to meet me today or not?" This time ay may halong inis ang boses ni Yohann sa kabilang linya.

"Ha?" Nakalimutan kasi niyang may usapan sila ng twelve.

"Mahigit isang oras na akong naghihintay rito, Irinea." Dugtong pa nito.

"I'm sorry, Yohann. May nangyari lang kasi. Ano, pwede bang bukas nalang tayo magkita?"

"Fine. Text ka nalang. Bye." Then he hangs up.

"Ang sungit talaga!" Bulong niya.

"Sino yung kausap mo?" Dungaw ni Dwight mula sa pinto.

Bigla niyang nahila ang kumot pataas hanggang sa may leeg niya na ikinatawa nito. Sinamaan niya ito ng tingin at ng lumapit ito at mamewang sa harap niya habang may naglalarong ngiti sa mga labi.

"I've seen everything, bakit ka pa nahihiya?" Sabay hatak nito sa kumot na nagpatili sa kanya.

Niyakap niya ang isang unan para kahit papaano ay matakpan ang kahubaran niya at inirapan si Dwight.

"You're gorgeous, wife."

"Bakit hindi mo ako ginising? Anong oras na oh!"

Naupo ito sa tabi niya ang give her a peck on her forehead. "You look so tired. Nasaan naman ang puso ko kung gigisingin kita sa napakahimbing mong tulog?"

"Ewan ko. Bakit sa akin mo hahanapin ang puso mo? Wala naman sa akin yun for sure." Pasaring niya. Gusto rin sana niyang idugtong na: 'Yung puso ko nga wala na sa akin, kinuha mo na. Tapos yung sayo hahanapin mo sa akin?'

Sino nga kaya at ano ang nakaraan ni Dwight? Maging siya ay marami ng tanong na hindi niya mabigyan ng kasagutan dahil si Dwight lang ang makakapagbigay sa kanya noon. Pero kailan pa? Dapat ba na hingin na niya ang mga sagot mula rito.

"Bakit ang sungit mo? Parang kagabi lang di ka naman ganyan."

"Eh bakit ba nandito ka pa? Wala ka bang pasok ngayon? Paano kang makakatapos kung naglalakwatsa ka?" Aniya habang unti unting hinahatak ang kumot para ibalabal sa katawan. Kahit naman wala na siyang dapat itago kay Dwight ay hindi pa rin niya kayang ibalandra ang sariling katawan rito in broad daylight.

"Dahil gusto ko, mukha ko ang una mong makikita pagkagising mo at boses ko ang una mong maririnig. Pero sino ba kasi iyong tumawag?" Kunot noong tanong nito na halos bulong nalang.

Napahinto naman siya sa ginagawang pagbabalot ng kumot sa katawan at nilingon si Dwight. The playful smile on his lips were gone at napalitan na iyon ng pagsibangot habang nilalaro ang dulo ng buhok niya. Cute.

Kinurot niya ito sa ilong at nginitian. Ang cute ni Dwight. At konti nalang ay iisipin na niyang nagseselos na naman ito tulad dati noong may photoshoot siya na binantayan siya nito at binantaan na bawal siyang magpakita ng legs, tiyan at cleavage, which is impossible kaya hindi rin niya natapos ang shoot dahil hinatak na siya nito.

"Si Yohann yun. May pag uusapan kasi sana kami. Kaya lang kasi, yung isa dyan pinuyat at pinagod ako kaya tinanghali ako ng gising. Ayun, bukas nalang kami magkikita." Nakangiti niyang sabi kay Dwight.

"That man again? Nanliligaw na ba sayo yun?"

Tinaasan niya ito ng kilay. "Masama ba?"

"Oo." Diretso nitong sagot.

"Bakit?"

Sige lang Rin. Push mo pa iyan.

"Dahil akin ka pa."

Hindi siya nakasagot. Nang akbayan siya nito ay hindi din siya gumalaw at parang hindi pa kasi nagsi-sink in sa utak niya ang sinabi nito. Namalayan nalang niya na buhat na pala siya ni Dwight at papunta silang bathroom.

Nanlaki ang mga mata niya at kumawala kay Dwight ng may biglang pumasok na idea sa isip niya na gagawin nila sa loob.  Iiling iling naman si Dwight na bitiwan siya.

"I won't join you to your tub, okay? I just thought that it will be hard for you to walk in here."

Pakiramdam niya ay umakyat ang dugo niya sa mukha at pulang pula na siya sa kahihiyan. Ano ba kasi ang pinag iiisip niya? Kapag pumasok sa banyo ang babae at lalaki gagawa na agad ng milagro? Hindi ba pwedeng ihahatid lang?

"Kaya ko kaya. Hindi naman nakakalumpo ang pakikipag sex 'no!" Irap pa niya at tinatikuran ito. "Labas ka na nga."

Sa halip na lumabas ay niyakap siya ni Dwight mula sa likod at ipinatong nito ang baba sa balikat niya. "Sorry about last night. I hurt you but God knows how I've tried not to. Pero hindi talaga maiiwasan since it was your first. I am your first and I'm so glad na hindi ka pinagsamantalahan ni Jules noon."

Napangiti siya ng mapakla. "Yeah. You are my first and probably my last." Bulong niya bago tuluyang kumawala kay Dwight at itulak ito palabas.

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko gwapo ka nga, bingi at tanga ka naman." Sabay sara niya ng pinto at sumandal roon habang pinapakiramdaman ang mabilis na tibok ng puso niya na parang kagagaling lang niya sa marathon.

Siguro nga ganoon talaga ang mga taong in love. Handang sumugal, handang magbakasakali at handang masaktan dahil ngayon palang ay alam na niyang talo siya sa pinasok niyang sugal pero nagbabakasakali pa rin siya na baka may kahit one percent pang pag asa na natitira ang tadhana para sa kanila ni Dwight. Pero kahit ganoon, inaamin niya na ngayon palang ay nasasaktan na siya. At sana, sa paghihiwalay nila ni Dwight ay maibalik niya ang dating siya kahit alam niyang imposible.

Pero ano nga kaya ang mga posibleng mangyari sa paghihiwalay nila?

Marrying Dwight (DH 3 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon