Chapter 35

50K 1.1K 62
                                    

A/N: A very short update for everyone. Pls, huwag nyo ng sabihing bitin kase natural, ongoing pa ito, okay? Thank you!

CHAPTER 35

OWN ME

"Here." Abot ni Clyde ng micro disk sa kanya na naglalaman ng video ng ika-apat na taong kaarawan ng kambal niya.

"Thanks!" At tumalikod na siya para pumasok sa kwarto niya sa second floor.

Mula kasi nang iwan siya ni Rin ay hindi na siya naglagi sa bahay nila kundi mas madalas na nasa bahay nalang siya ng magulang kung wala rin lang namang pasok sa opisina.

Nakakatawang isipin na iyong bahay na una niyang ipinundar mula sa kita niya sa pagmomodelo at ang paminsan minsan niyang pagpasok sa opisina nila ay parang nawalan na ng silbi dahil wala naman ng tumitira. He once dreamt to fill that house by laughters and joy from his family. Gusto niyang maging maingay at magulo ang bahay na iyon dahil sa mga anak niya. Pero parang malabo na yatang mangyari ang bagay na iyon dahil hanggang tingin nalang siya sa malayo. His children was so near yet so far away from him and he can do nothing but to stare at them. Ang hirap pero nagtityaga siya dahil naroon ang pangamba niya na baka kapag nilapitan niya ang mga anak ay lalo lang itong ilayo ni Rin sa kanya.

"How long do you plan to stay this way, Dwight? Why not try to fix this mess you've created years ago? This is no you anymore. Lalo mo lang pinahihirapan ang sarili mo sa ginagawa mong iyan."

He stops on his tracks and face his twin brother. "What? Do you want me be like you? Parang asong habol ng habol sa isang tao na ayaw naman sayo? That's just stupidity."

"Bawiin mo ang sinabi mo." Mariing sabi ni Clyde habang hawak ang kuwelyo niya. "Take it back Dwight!"

Ngumisi siya. "Why should I? Iyon naman ang totoo di ba? Besides —" pero di na niya natapos ang sasabihin dahil dumapo na sa panga niya ang kamao ng kakambal.

"Fuck it Dwight! You're such an idiot! Hindi mali, walang mali sa pagpapakatanga na habulin ang taong mahalaga sayo. In my case, wala pang nagmamay-ari kay Amber. I met her fiance a few times. He's a good businessman but he seems like he likes someone else and it's not Amber. Engage lang sila at hindi pa kasal kaya bakit ako titigil kay Amber? And in your case, kahit anong gawin ni Rin, kahit pagbalibaligtarin man niya at pagbuhul-buhulin ang lahat ng katangahang ginawa mo, it wouldn't change the fact that you are still her husband and she is your wife." Ani Clyde, emphasizing the last sentence.

Natameme siya. Clyde's right. No matter what the circumstances are, kasal pa rin sila. At may karapatan siya sa mga bata. God! Bakit ba ngayon lang niya iyon naisip?

"I'll give you a nice beginning to approach them my twin brother." Nangunot ang noo niya pero hindi siya nagkomento. Sa halip ay hinintay lang niyang muli itong magsalita.

"I have a flight tonight. Biglaan at naka-oo na ako kila Rin na sasama ako sa school ng kambal sa family day to act as their father. Bukas na iyon. So obviously, hindi ako makaka-attend. You go." Iyon lang at tinalikuran na siya nito.

Dapat nga ba siyang pumunta? Pero paano nalang kapag nahalata ni Rin na siya si Dwight at hindi si Clyde? Bukod pa naman sa parents nila ay isa si Rin sa nakaka-identify ng pagkakaiba nila ni Clyde.

Huwag nalang kaya? Pero paano ang mga bata? Ang mga anak niya? Uso pa naman at ang dami pa naman ang bully ngayon. Paano nalang kung tuksuhin ang mga anak niya na walang tatay?

Biling baligtad siya sa kama dahil hindi pa rin siya makapagdesisyon kung pupunta ba siya o hindi. Isa pa ay may business meeting siya kasama si Irving at ang fiance ni Amber na si Andrae Knudsen.

Nasa ganoon siyang pg iisip ng biglang may bumagsak sa mukha niya. Nang kuhanin niya iyon ay napagtanto niyang shirt iyon.

"Iyan ang sosootin mo bukas." Ani Clyde na napakunoy ang noo ng walang makuhang response mula sa kanya. "Don't tell  me you haven't decided weather to go or not? That's ridiculous, Dwight!"

He just gave his twin a blank stare. "Ako nalang ang aattend sa meeting mo."

"You're imposible Dwight." Iiling iling na sabi ni Clyde. "This might be your first and last chance you're just letting it slip away."

"I've so stupid for the past six years. And I'm still willing to be in that level. Bakit? Dahil natatakot na akong magkamali. Natatakot na ako na lalo lang silang lumayo kapag may ginawa na naman ako. Natatakot ako na baka hindi ko na sila makita ulit." Halos bulong na iyon na lumabas sa mga labi niya.

"Hindi na lalayo si Rin, Dwight."

"Nagawa niya nga dating iwan ako, ngayon pa kayang kayang kaya na niyang mag isa? I mean, she graduated without my help. She carried our twins and nurtured them on her tummy for nine months without me. Napalaki niya ang kambal at pinag aaral sa private school without my help. So, saan pa ako lulugar sa buhay niya? I maybe her husband pero sa papel lang iyon. Wala akong lugar sa buhay nila and that was fucking hurt here!" Sabay turo niya sa dibdib.

He never cried but right now, he wanted to cry at ramdam niya na kapag nagsalita pa siya hindi na niya iyon mapipigilan dahil ramdam na ramdam na niya ang pag-iinit ng dalawang sulok ng mga mata niya.

"You're wrong. All her achievements, you were a big part of it. At kung sa tingin mo ay wala ka ng papel sa buhay ni Rin, pwedeng tama ka. Pero may panibagi ka namang papel na dapat gampanan sa buhay ng asawa at mga anak nyo, iyon ay ang pagiging ama."

***

A/N: So? What can you say pipol? Namnamin muna natin ito dahil mukang next week pa ako makakapag ud ulit. I'm so sick and tired. (Sighs)

Marrying Dwight (DH 3 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon