CHAPTER 39
OWN ME
Napabalikwas siya ng bangon ng maramdaman niyang may nakahawak sa dibdib niya — si Dwight na ngayon ay naniningkit ang mga mata sa pagtitig sa kanya na nasa paanan nito.
"What's wrong?" He huskily said.
"Nakahawak ka sa boobs ko!" She hissed at pakiramdam niya ay umakyat sa mukha niya ang lahat ng dugo niya sa katawan.
"I've seen and touched all of you so what's wrong now?" He playfully said as he grabs her hand and kissed it saka siya nito unti-unting hinila pahiga sa braso nito at niyakap.
Hinampas niya ito sa dibdib na ikinatawa lang nito bago siya inihiga at pumuwesto ito sa ibabaw niya. "Dwight!"
"What?"
"Anong ginagawa mo? Alas kwatro na ng umaga!" Aniyang itinukod ang kamay sa dibdib nito. Halos dalawang oras palang yata silang nakakatulog matapos ang nangyari sa kanila.
"Malaki na sila Dash at Elle at sa tingin ko ay pwede na silang sundan. And today is the right time for us to do that to celebrate this day."
"Umaga na po." Aniya habang nilalaro ang buhok nito sa bandang likod ng ulo. "Yung kulot mong buhok at ang ilong mo nakuha ng kambal pati na rin ang asul mong mga mata. Hindi talaga maikakaila na ikaw ang ama. Pero Dwight, sigurado ka ba talagang mahal mo ako?" With that, umayos si Dwight at nahiga sa tabi niya habang yakap pa rin siya. Sumandal siya sa dibdib nito at rinig niya ang payapang tibok ng puso ni Dwight.
He kissed her on top of her head before he answer her question rather, before he tells something weird about him and Clyde back when they are still a small kid. Nawala daw ang mga ito hanggang sa napadpad sa isang playground kung saan may isang btang babae ang naglalaro at tinulungan silang contact-in ang parents nila.
"That little girl back then have a brown birth mark on her waist." Ani Dwight matapos magkwento.
"Ah, parang yung sa akin ba?" Tukoy niya sa balat niya. Pero hindi naman iyon madaling makita dahil medyo mababa iyon. Kung sobrang low waist lang ng pants o kahit anong pambaba saka lang iyon makikita.
"Yes. She even have the darkest eyes I've ever seen in my whole life and a dark wavy hair." Napahawak siya sa buhok niya. Hindi na iyon waivy dahil nirebond na ng bruha niyang kaibigan.
Then she remember something back when she was still a child. Yung kambal na tisoy na inihatid nila ng tatay niya sa police station!
"Kayo iyon!" May kumpirmasyon niyang sabi na ikinatawa naman ng bahagya ni Dwight.
"You remember now? I think, that was the very first time that I fell in love. Hindi ka na nawala sa isip ko noon to think na mga bata pa tayo."
"Hindi daw nawala pero nagkaroon ka ng Clarisse na halos di ka maka-move on." Bulong niya na parang hindi naman talaga bulong dahil narinig din ng asawa niya kaya siya hinapit pang lalo, pressing their bodies together.
"Because she reminds me so much about you, dark eyes, dark hair, a little bit tan and kind hearted."
Parang ang ganda naman ni Clarisse. Sa loob loob niya pero hindi na niya isinatinig iyon at sa halip ay iba ang itinanong niya. "Kung ganoon, paano mo nalaman na hindi pala siya ako?"
"Well," nagtanggal pa ito ng bara sa lalamunan. "Alam mo na iyon."
Nanlaki ang mga mata niya ng maisip ang sinasabi nito at napabangon siya saka tinignan ang asawa. "Ginawa nyo na iyon?" Hindi ito sumagot at sa halip ay nagtaas lamang ng kilay.
Tinampal niya si Dwight sa tiyan na ikinatawa nito. "Ilang taon kayo noon?"
"I was eighteen back then and she was seventeen. Satisfied?"
BINABASA MO ANG
Marrying Dwight (DH 3 || Completed)
RomanceWhen she was broke and everything becomes a mess in her life, he came and saved her in exchange for being his dummy girlfriend. But their involvement became deeper when he asked her to marry him where she agrees because she felt safe with him beside...