Chapter 40

70.1K 1.2K 42
                                    

072715
CHAPTER 40
FINAL CHAPTER

~~~~~~~~~~


"Hoy babae! Baliw na baliw sa'yo si Dwighty-meaty ah! Ano ba ang ipinakain mo sa asawa mo at ipapakain ko rin kay Irving James the third Ko?" Siko ni Chesca sa kanya.


Sinulyapan niya si Dwight na kasama sa isang lamesa ang mga kaibigang sina Art na school mate nila, and pamangkin ng dati niyang amo na si Terence Monroe, si Andrae na asawa ng kapatid ni Terence, at si Irving na kalandian ng kaibigan niyang si Maria Chesca Fayelin Latoza.


Ano nga ba yung sabi sa facebook? Iyong titignan mo palang siya, pero siya kanina pa nakatitig sa'yo.


"Eeeeh! Ang sarap nyong ilublob sa pool!" Komento ulit ni Chesca dahil nahuli nito ang titigan nila ni Dwight.


"Pakasalan mo na kasi si Irving. Bagay kaya kayo. Malaki sya, maliit ka." Tukso niya sa kaibigan na sumibangot lang.


"Uy, ano iyang pinag-uusapan nyo? Baka pwede kaming sumali ni Amber?" Ani Meg na hinayaan na ang anak na si Thea na makipaglaro sa kambal nila ni Dwight.


"Sure!" High pitch pang sgot ni Chesca. "So, ilang taon ka when you lost your," nag peace sign pa ito na na-gets naman nila ni Meg na ngumiti lang.


"Twenty." Sagot nito. "But we secretly got married when I was eighteen." Parang medyo nahihiyang dugtong ni Meg. "You know, it was a Shotgun Marriage."


Pabirong hinampas ito ni Chesca sa braso. "Okay lang iyan." At saka kumapit sa braso ni Meg. Feeling close lang. "May kakilala nga ako, eighteen years old ng ikasal pero twenty years old ng matikman ang asawa!" Malakas na dugtong ni Chesca na nagpalingon sa mga lalaki.


"Because she's still too young at that time."


"Because I don't want to force her."


Defensive at sabay na sagot ni Drae and Dwight na lumapit na sa kanila kasunod si Irving na nakakunot ang noo habang nakatingin kay Chesca na tumatawa.


"Bakit mo sinabi?" Bulong ni Drae sa asawa na parang di naman bulong dahil narinig nila.


"Totoo naman di ba?" Ngisi ni Meg habang nakakatikim na ng kantiyaw si Dwight at Drae mula kila Clyde.


"Wala! Panis!" Parinig pa ni Clyde na binatukan ni Amber. "Panis din ako. Kambal nga kami." Sabay tawa nito habang kakamot-kamot ng ulo.


"Sorry D. Alam mo naman itong si Chesca." Inakbayan lang siya nito.


"Anything for you." Sabay halik nito sa sentido niya.


"Kiss! Kiss! Kiss!" Rinig nilang sigaw nila Art.


Nagkatinginan sila ni Dwight at nagkangitian. They were celebrating their seventh wedding anniversary at tanging ang mga kaibigan lang nila at mga magulang ang naroon sa bahay nila. Walang engrandeng selebrasyon kundi simpleng salo-salo lamang though Dwight wanted it to be grand but she's not used to the crowd anymore.

Marrying Dwight (DH 3 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon