Chapter 12

47.2K 1.1K 25
                                    

Ang buong akala niya ay makikipagmatigasan pa talaga si Dwight pero mali pala siya dahil pumayag itong mag usap sila ni Jules. Iyon nga lang ay hindi ito pumayag na hindi ito kasama at na sa kotse siya ni Jules sasakay. Nagpumilit rin ito na ihatid siya hanggang sa makarating silabsa pinakamalapit na coffee shop.

Ten minutes. Iyon lang ang ibinigay na oras sa kanila ni Dwight. Para otong hari kung makapagdesisyon sa kanila. Akala mo involve siya sa nangyari. He's kind of territorial.

Magkaharap sila ni Jules habang si Dwight ay nasa isang lamesa malayo sa kanila. Daig pa nito ang tatay niya sa pagbabantay.

Jules cleared his throat. "Since your jealous boyfriend were just few meters away so I'll go straight to the point." Then Jules look straight into her eyes. Ngumiti ito ng malungkot. "I'm sorry, Irinea. I'm sorry for ruining you... for taking everything from you, I'm sorry. I used you because my sister really adores you. I love my sister so much to the point na kinaya kong saktan ang mga mahal niya para lang bumalik na siya sa amin... sa akin."

"Jules... anong pinagsasasabi mo?" Naguguluhan niyang tanong. "Huwag mong sabihing - oh my! That was incest!"

Ngumiti ito ng malungkot at humigop ng kape. "We're not blood related." Matigas nitong sabi pagkatapos ibaba ang kape. "And this is not about me."

Dumiretso rin siya ng upo at pilit inalis sa isipan ang ideya tungkol rito at sa kaibigan. "Okay. Pero, dahil lang doon ginawa mo ang bagay na iyon sakin? Jules, kinuha mo ang lahat ng meron ako at halos wala ng natira sakin. My scholarship is at risk also because of what you did."

"I'll fix everything before I leave."

"Leave?"

"I'm leaving for States. You know... drugs, rehab. I'm sorry, Irinea. But don't worry because your still the same. I only drugged you. No more, no less." Ngumiti ito ng malungkot. "Pagbalik ko, saka nalang ako babawi sa inyong dalawa at pati na rin kay Reichelle." Tumayo na ito. "Ten minutes is not enough. Hindi ko rin inaasahan na patatawarin mo ako. But your jealous boyfriend is coming on our way. I'm really sorry, Rin. Iyon lang ang masasabi ko sa ngayon."

"Times up. Let's go, Rin." Saka siya inalalayang tumayo ni Dwight. Naguguluhan siya sa mga sinabi ni Jules kaya sigiro hindi na niya namalayan na nagbabyahe na pala sila ni Dwight. Kung saan sila pupunta ay hindi niya alam at wala na siyang pakealam.

"We're here." Anunsyo ni Dwight ng ihinto ang kotse sa harap ng building kung saan naroon ang condo unit nito.

Hindi siya kumilos kaya ito na ang nagtanggal ng seatbelt niya na hindi niya namalayan na nakakabit pala. Siguro ay ito rin ang nagkabit noon at hindiblang niya napansin.

"The twins wanted to see you but I guess, you're not in the mood." Anito na nasa labas na pala at ipinagbukas siya ng pinto. Nakapatong ang isang braso nito sa hood ng kotse at nakasilip ito sa kanya. "You okay?"

Tumango lang siya bilang sagot rito. Parang gusto niyang umiyak dahil sa mga nalaman.

"You don't look okay to me. You were too preoccupied after that conversation with that bastard."

May kung anong humaplos sa puso niya habang nakatitig kay Dwight. Kung tutuusin ay estranghero ito sa kanya, silang dalawa sa isa't isa pero heto ito at nagpapakita ng pag-aalala sa kanya. At ngayon lang may nagparamdam sa kanya ng ganoon maliban sa tatay niya at kila Ches at Rei. Hindi na tuloy niya napigilan ang pag patak ng mga luha niya dahil sa samu't saring nararamdman. Isinubsob nalang niya ang mukha sa mga palad.

"Damn."

Rinig niyang utas ni Dwight bago niya naramdaman ang marahang pagyakap nito sa kanya at paghagod ng kamay nito sa likod niya na lalo lamang nagpaiyak sa kanya.

"Tumahan ka na. Ako na ang bahala sa gagong iyon." Anito at akmang bibitiwan na siya kaya iniyakap niya ang mga braso sa beywang nito.

"Hindi. Tama na. Napatawad ko na si Jules. We're okay now. Besides, he's leaving kaya wala na rin sigurong dahilan para bakuran mo ako sa school." Saka niya ito binitiwan at bumaba na ng sasakyan nito.

Sumandal lang si Dwight sa kotse nito habang nakapamulsa at pinapanood siya habang inaayos niya ang sarili.

Nginitian niya si Dwight. "Salamat sa lahat ng ginawa mo. Ang dami ko ng perwisyong naidulot sa'yo. Kahit di mo aminin, alam ko naman na naabala kita ng sobra. Noong araw na nabasa tayo ng ulan, nagkasakit ka at hanggang nung isang araw ay may sinat ka pa. Then this thing with Jules. Nalaman kong nakipag away ka sa kanya for my sake. Until this last minute, nandito ka sa tabi ko. Thank you for everything, Dwight." Saka niya ito nilapitan at marahang hinalikan sa pisngi.

"Are you breaking up with me?"

Natawa siya sa tanong nito. "Hindi naman talaga naging tayo. Everything was just a lie. It was just a love game that we both played and I'm afraid I can't play with you until the end."

"No. You can't quit right now. We're not yet done with Amber."

"We are not that dumb, Dwight. Basta iparamdam mo lang kay Amber na hindi mo siya gusto, na balewala sa'yo ang presensya niya o ang anumang gawin niya para tigilan ka na niya." Sabi niya habang unti unting umaatras palayo rito before she waved goodbye.

She went to see Chesca and Rei and they ended up cutting their classes. Ikinuwento niya lahat ng nangyari, maliban sa incest part, and as usual, ang daming naging komento ni Chesca habang nakamasid lang sa kanya si Reichelle.

"I'm sorry, Rin. May topak talaga kasi ang kapatid kong iyon. At kung sineryoso ko lang siguro ang banta niya, hindi ka sana napahamak. Sorry talaga, Rin."

Ngumiti siya. "Kalimutan na natin. Ang importante, pinagsisihan na niya iyon. At siya rin naman ang higit na nasira dahil sa ginawa niyang iyon eh."

"Pero yung sa inyo ni Dwight, talagang game over na?" Singit ni Chesca. "Sayang kasi. Bagay pa naman kayo. Para kayong kape at gatas. Ikaw ang kape at siya ang gatas. Perfect match!" Sabay tawa nito kaya inirapan lang niya.

"Pero hindi talaga ako naniniwala na kaya niya iyon ginawa ay para lang iwasan si Amber." Rei added. "I saw how he looks at you, Rin. I think he-"

"It was just a game." Putol niya kay Rei. "We all know our differences. Being with him was hard for me. Siguro dahil na rin sa natakot akong maulit iyong ginawa ni Jules kaya sa tuwing may kasama akong lalaki, natatakot na ako." Sabi niya habang pinaglalaruan ang kinakain na pansit.

Nakatingin lang din sa kanya ang dalawang kausap at mukang walang balak magsalita kaya nagpatuloy siya. "Hindi ang isang tulad niya ang bababa para lang maabot ako. I was just his game. Ginamit lang namin ang isa't isa. Hindi ko nga alam kung bakit sa dinami-rami ng babaeng mas maganda at mas nakakahigit sa akin ay ako ang pinili niya. Siguro dahil ako ang exact opposite ni Amber."

"Do you like him?" Rei asked habang hindi niya malaman kung sa kanya ba iyo nakatingin o ano.

"He's nice but weird. Magulo at mahirap espelengin ang isang iyon. Masungit rin at hindi approachable."

"But despite that, you still manages to like him, right?" Si Chesca naman na parang hindi rin sa kanya nakatingin. Nagtataka na tuloy siya kung sino o ano ang tinitignan ng dalawa sa likod niya.

Lilingon na sana ulit siya ng muling magsalita si Chesca. "Gusto mo na siya, hindi ba?"

Tumawa siya ng pilit. "Ano ba'ng sinasabi ninyong dalawa? Hindi ko magugustuhan ang isang iyon. Mas gusto ko si Clyde kaysa sa kanya." Sabay subo niya ng pansit at mabilis iyong nginuya saka uminom. Tahimik lang na nakatingin sa kanya ang dalawa na parang may nasabi siyang hindi maganda.

Lalo siyang nagtaka ng ngumuso si Chesca na parang may itinuturo sa bandang likuran niya. Bigla tuloy siyang kinabahan lalo na ng magpaalam ang dalawa bigla at dali-daling tumayo.

"Did you break up with me because you like Clyde?"

Nanigas siya sa kinauupuan. Kilala niya ang masungit na boses na iyon. Pati ang nalalanghap niyang pabango ay kilala niya dahil isa lang naman ang nakakalapit sa kanyag lalaki ng madalas. It's him.

"Bullshit!"

Marrying Dwight (DH 3 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon