"Hoy! Tulungan mo ko! Ayaw mabuksan nitong pinto." Tinaasan lang siya nito ng kilay na parang bored na bored sa nangyayari.
Pinihit niya ulit ang seradura ng pinto pero talagang ayaw magbukas. Mukang may nangtitrip sa kanila.
"Nakakainis! Makukulong na nga lang sa kwarto weirdo pa makakasama ko." Bulong niya. Papagabi na rin kasi at ayaw niyang matulog sa clinic ng school lalo na at bali-balita na may naririnig na babaeng umiiyak doon.
"Hoy Dwight! Sirain mo nalang itong pinto. Sipain mo. Iyong parang sa mga movie? Dali na. Ayokong magpalipas rito ng gabi!" Medyo nagpa-panick na sya. Sa lahat ng ayaw niyang lugar eh iyong may mga kwento ng kababalaghan tulad ng ospital, lumang bahay, dormitoryo, sementeryo, basta iyong nakakatakot.
"Di ko kaya iyon. Nanlalata ako." Anitong nahiga pa sa kama ng clinic at ipinatong ang isang braso sa noo habang nakalaeit pa rin sa ibaba ang isang binti nito.
"Matutulog ka? Tumawag ka ng tulong!" Saka siya naghalungkat sa mga drawer. Baka may susi roon na nakatabi pero wala.
"Ikaw na." Sagot nito sa kanya na hindi natitinag.
"Wala akong load at di ko dala yung cellphone ko."
"Here. Use it. Just stop making noise." Sabay hagis nito ng cellphone sa kanya. Mabuti nalang at marunong siyang sumalo. Pero muntik na rin nitang ibato ang cellphone nito dahil low batt iyon.
Napasalampak nalang siya sa taoat ng pinto. Hapon na at madalang na ang daraan sa bahaging iyon kung nasaan ang clinic kaya sino ng makakaalam na naroon sila? Baka kinabukasan pa sika makalabas pag nagkataon.
Niyakap niya ang mga tuhod at yumukyok doon. "Dwight, huwag mo 'kong tutulugan. Kasalanan mo kapag na-stuck tayo rito."
"Thirty minutes."
Napatingin siya rito. "Anong thirty minutes?"
"Stop talking for thirty minutes and let me take a nap. Tapos lalabas na tayo." Hindi pa rin iyo kumikilos mula sa pwesto nito sa kama.
"Ano?" Pero wala na itong sinabi. Hindi na rin ito kumikilos at parang tinulugan na talaga siya.
Lumapit siya kay Dwight para tignan kung talagang nakatulog na ito. "Huy... tulog ka ba?" Wala pa ring response mula rito kaya minabuti niyang maupo nalang sa silyang inupuan nito kanina.
Kung titignang mabuti si Dwight ay hindi mo aakalaing modelo ito dahil sa klase ng pananamit nito. Ang alam kasi niya sa mga modelo ay palaging maayos at nasa fashion ang mga sinusuot pero ang isang ito, palagi lang naka-plain shirt, jeans and sneakers. Tapos ay parang hindi nanunuklay. Mabuti nalang at makinis ito dahil kung hindi, ang bantot aiguro nitong tignan. Although kahit hulasan ito ay mabango pa rin naman dahil minsan na niya itong nakitang maglaro ng baseball at nilapitan pa siya nito kaya naamoy niya.
"Madilim na sa labas." Bulong niya ng mapatingin sa sliding window ng clinic. Pwede nilang akyatin iyon. Medyo mataas lang ang kabilang bahagi na dapat nilang talunin pero pwede na.
"Dwight!" Tapik niya rito. "Huy... giaing na. Makakalabas na tayo." Hindi pa siya nasiyahan kaya hinatak na niya ang kamay nitong nakapatong sa noo nito para lang mapakunot noo. Mainit kasi ang palad nito.
Sinalat niya ang noo nito. Pagkatapos ay ang leeg. Di pa siya nasiyahan kaya sinapo na rin ng magkabila niyang kamay ang magkabilang pisngi nito.
"What are you doing?" Pigil nito sa isang kamay niya at diretso siyang tintigan ng namumungay na nitong mga mata.
"May lagnat ka!"
"So?"
"So ka diyan!" Aniyang naghagilap ng gamot na pwedeng ipalaklak kay Dwight. "Ang sungit sungit mo. Para kang ipinaglihi sa sama ng loob. Samantalang si Clyde, ang charming charming. Palagi pang nakangiti at ang bait. So unlike you."
BINABASA MO ANG
Marrying Dwight (DH 3 || Completed)
RomanceWhen she was broke and everything becomes a mess in her life, he came and saved her in exchange for being his dummy girlfriend. But their involvement became deeper when he asked her to marry him where she agrees because she felt safe with him beside...