"May I go out with Ms. Sandoval?"
Nanlaki ang mga mata niya at hinatak ang kamay nila na nakataas pababa. "Ano ba'ng pinagsasasabi mo?" May halong pagkainis niyang tanong. Hindi naman niya ito kilala kaya bakit siya sasama rito? Go out with him? Lumabas siyang mag isa.
At habang gigil na gigil siya ay kilig na kilig naman ang iba nilang kaklase. Anong nakakakilig? At sinong matinong babae ang gugustuhing sumama sa isang weirdo kagaya nito? Hambalusin kaya niya ng upuan ang mga ito?
Nagtanggal muna ng bara sa lalamunan ang prof nila at inayos ang makapal nitong salamin bago nagsalita. "Actually Mr. Telpace, you don't have to attend my class. Both of you already passed this subject years ago and I didn't know why you keep on insisting that you wanted to attend my class. And about Miss Sandoval, you can ask her if she wants but I think, hindi siya pwede today." Anito saka iniligpit na ang mga gamit at magbigay nalang ng mga pointers to review para sa nalalapit na midterm examination nila.
"And Miss Sandoval, kindly proceed to office of the dean." Saka nagtuloy tuloy sa paglabas.
"Hoy Dwight! Tsansing na iyan." Nguso ni Clyde sa kamay nila.
Napapahiyang hinatak niya iyon. Mabuti nalang din at binitawan iyon ni Dwight. Tapos ay namulsa ito at pinanood siya sa pag-aayos ng gamit niya. Hindi nalang niya pinansin kahit naiilang siya. Muka namang walang kwentang kausap eh.
"Riiin!"
Napangiti siya ng marinig ang boses ng kaibigang si Chesca. Lagi nalang nitong isinisigaw ang pangalan niya tuwing tatawagin siya.
"Bakit?" Aniya. "Pinapatawag ako sa dean's office. Kita nalang tayo mamayang hapon. Sabay-sabay na tayong umuwi." Sabi niya pero wala sa kanya ang atensyon nito kundi nasa likod niya kaya lumingon siya.
"What? You're blocking my way." Masungit na sabi ni Dwight.
"Anong problema nung weirdo na 'yon? Ang luwang luwang ng daan eh." Aniya habang sinusundan ito ng tingin.
Bigla namang tumili si Chesca. Mabuti nalang at natakpan agad ni Rei ang bibig nito pero patuloy pa rin ito sa pagkisay. Kilig na kilig.
"Gosh Rin! Classmate mo ang ultimate crush kong si Clyde!?" Ngiting ngiti nitong sabi. Rei just rolled her eyes.
"Di naman iyon si Clyde. Kanina pa umalis si Clyde at sa kabilang direksyon sya pumunta." Sabi nalang niya.
"Talaga? Paano mo nalaman na hindi si Clyde iyon? Kasi ramdam kong siya iyon eh." Nagkibit nalang siya ng balikat. "Kinikilig ako. Shet!"
Napailing nalang siya. Ang kitod talaga ni Chesca. Mabuti pa si Rei at deadma lang sa mga lalaki. Parang siya. Pero hindi naman sila man hater. Sadyang hindi lang kasama ang mga lalaki sa mga priority nila.
Two blocks before the dean's office when she saw Jules. She stops on her tracks and immediately turned her back. She wasn't ready to face him. Baka kung ano lang ang magawa niya rito at makagawa pa siya ng eskandalo.
"Hoy! Pakyu kang lalaki ka!" Napalingon siya sa pagsigaw ni Chesca at nakita niyang papalapit ito kay Jules kasunod si Reichelle. But what really surprised her was when Rei slapped Jules twice.
"Baboy ka. Walang modo, walang galang. Isa kang sira ulong walang kwenta at salot sa lipunan!" Galit na sabi ni Rei at bago pa nila ito muling maawat ay sinuntok na nito si Jules.
"Damn you, Reichelle Joy! What the hell was wrong with you, huh?!" Namumulang sigaw rito ni Jules at hinaklit ito sa braso. "Ganito ba? Ganito ba ang naidulot sa'yo ng pagsama sa nanay mo? Why, Rei? Why choose that fucking life with her when you were a princess in our house?" Puno ng galit na dugtong ni Jules.
BINABASA MO ANG
Marrying Dwight (DH 3 || Completed)
RomanceWhen she was broke and everything becomes a mess in her life, he came and saved her in exchange for being his dummy girlfriend. But their involvement became deeper when he asked her to marry him where she agrees because she felt safe with him beside...