"Anak, saan ka nanggaling? Bakit hindi ka umuwi kagabi? Alalang alala ako sa'yo baka akala mo. Aba'y hindi gawain ng matinong babae ang ginawa mong iyon. Ni hindi ka man lang nag text kung ano na anh nangyari sa'yo." Bungad sa kanya ng tatay niya ng pagbuksan siya nito ng pinto.
Paano ba niya ipapaliwanag sa tatay niya ang mga nangyari? Hindi naman niya ginusto iyon. Sino ba ang may gusto makaranas ng ganoon? Wala naman hindi ba?
"Sorry po, 'tay." Walang buhay niyang sabi. "Ayaw na naman po kasing mabuhay nung cellphone ko. Palitin na talaga. Pero di lang naman po ako nakauwi dahil may tinapos kaming project sa bahay ng kaklase ko. PAsensya na po. Hindi na mauulit." Pagdadahilan nalang niya kahit na ang gusto niyang gawin ay ang yumakap, umiyak at magsumbong sa tatay niya sa pambababoy na ginawa sa kanya. Pero sino ba sila kumpara kila Jules na may sinabi sa lipunan?
"Ano pa nga ba ang magagawa ko? Eh ayos ka lang ba? Bakit muka kang pagod na pagod? May sakit ka ba? Masama ba ang pakiramdam mo?" Puno ng pang unawa at pag aalala na tanong ng tatay niya. Doon na siya bumigay. Niyakap niya ang ama at saka hinayaang bumuhos lahat ng sakit sa dibdib niya.
"Sorry 'tay. Sorry po talaga." Bulong nya habang nakayakap sa ama.
Hinaplos haplos nito ang likod niya. "O sya, parang iyon lang kung makaiyak ka riyan ay pata kang inapi. Sige na at umidlip ka muna. Mamayang tanghali pa naman ang pasok mo hindi ba?"
Tumango siya bilang sagot. "Pasok na po ako sa kwarto."
"Sige at aayusin ko lang ang truck."
Pagpasok na pagpasok niya sa kwarto ay siyang pagbuhos muli ng mga luha niya. She was raped. At ang pinakamasakit doon ay hindi pa niya kayang lumaban. Hindi niya kayang bumangga sa pader dahil alam niyang siya rin ang higit na masasaktan sa bandang huli.
Isa pa, ayaw rin niyang mamroblema pa ang tatay niya ng dahil sa kanya. Simula ng iwan sila ng nanay niya ay alam niyang siya na ang naging lakas ng tatay niya kahit na hindi naman siya nito tunay na anak. Kaya nga mahal na mahal niya ang tatay niya dahil kahit anong hirap ay tinitiis nito para sa kanya at hindi niya kayang durugin ang puso ng tatay noya kapag nalaman nitong napagsamantalahan siya ng ganon ganon nalang.
Naligo siya at kulang nalang ay magasgas ang balat niya sa pagkaskas niya. Gusto niyang alisin ang lahat ng bakas ng ginawa ni Jules sa kanya kahit na alam niyang wala namang kwenta ang ginagawa niya. Pinagmasdan rin niya ang sarili sa salamin. Parang walang nabago, pero maraming nasira. Napangiti siya ng mapakla sa sariling repleksyon ksabay ng muling pagbuhos ng mga luha niya. Tinakpan nalang niya ang sariling bibig para mapigilan ang paghikbi. Pero sa bandang huli ay iniiyak nalang niyang lahat ng sama ng loob. Wala naman na siyang magagawa kung hindi ang umiwas... at ang umiyak. Kaya kahit sa bagay man lang na iyon ay pagbubutihan niya.
Nang sumapit ang tanghali ay inayos niya ang sarili para pumasok. Faded jeans, shirt, and her old sneakers. She was in her usual attire pero ang ipinagtataka niya ay bakit siya pinagtitinginan ng mga estudyante.
"Riiiiin!" Sigaw ni Chesca sabay yakap sa kanya. "Ayos ka lang ba? Huwag mo nalang silang pansinin. Basta, andito lang kami para suportahan ka."
Tunignan niya si Reichelle at nakangiti lang ito ng alanganin sa kanya. Si Chesca at Reichelle ay katulad niyang scholar na kaya lamang nakapasok sa mamahaling eskwelahan ay dahil sa utak ang puhunan.
Hindi nalang niya pinansin ang sinabi ni Chesca. Sanay na siya sa pagiging magulong kausap nito kaya madalas ay dine-dead-ma nalang nila ni Reichelle.
"Pasok na tayo, mag start na ang klase natin." Ani Reichelle sabay hatak sa kanila.
"Akala mo kung sinong matino, bitch pala."
"Hindi naman maganda. Malandi lang siguro talaga."
"Nasa loob pala ang kulo. Scholar pa naman."
Narinig niyang komento ng ilan sa mga nadadaanan nila. Kinakabahan siya. Bakit ganoon nalang ang inaakto ng mga nasa paligid niya? May alam ba ang mga ito?
"Wala talaga kayong alam kung hindi ang manghusga, ano?!" Singhal ni Cheska sa mga ito. Agad nila itong hinatak ni Rei.
"Mabobobo ka Ches pag pinatulan mo iyang mga bratt na 'yan." Ani Rei sabay irap sa mga nadadaanan nilang akala mo kung aino kung makatingin sa kanila.
She was really thankful that she have Ches and Rei. At least, meron pa ring magagandang bagay na dapat siyang ingatan at mga taong dapat pahalagahan tulad ng mga kaibigan niya at ng tatay niya.
Nasa iisang building lang silang tatlo nila Rei at Chesca pero hindi sila magkakaklase kaya naghiwa-hiwalay na rin sila. Pagpasok niya sa classroom ay ramdam niya ang kakaibang tingin ng mga kaklase niya pero hindi nlang niya pinansin at dumiretso na siya sa upuan niya sa pinakalikod dahil Sandoval siya.
Payapa naman sana ang buhay niya sa loob ng classroom kung hindi lang sa kambal na irregular student na katabi niya at palagi siyang pinapagitnaan. Yung isa, palaging natutulog at yung isa naman ay palaging nangangalabit o di kaya naman ay bulong ng bulong at dinadaldal siya. At madalas rin namang hindi pumasok ang mga ito kaya okay na rin.
Nagro-roll call na ang prof nila ng dumating ang dalawa niyang katabi na pumasok na parang hindi na-late dahil hindi man lang pinansin ang prof nila sa harap.
"Mr. Telpace."
"Yes?" Sabay na sagot ng mga ito at itinuro ang isa't isa. Tumawa ang iba nilang malalantod na kaklase.
Ngayon lang niya napagmasdan ang kambal. Parang hindi Pinoy ang mga ito. Parehong mestiso. Same built, same height, pati ang kulay ng buhok ng mga ito ay magkamukha — brownish na medyo kulot.
Then one of the twin looked back at her and winks. Damn those pair of blue eyes and she wondered kung asul rin kaya ang mata ng kakambal nito?
Mula sa pagkakapangalumbaba ay nalaglag ang mukha niya sa sarilu niyang palad ng sulyapan siya ng isa pa sa kambal pagkatapos ay tuloy tuloy na naupo sa tabi niya at sumunod naman ang kakambal nito na kumindat sa kanya. Napaunat siya ng upo. The twin were identical but their aura was completely different.
Habang nagkaklase ay panay ang sulyap niya sa bintana. Mas gusto pa niyang manood ng mga naglalaro sa field kaysa ang makinig sa lesson na tungkol sa mga planeta. So elementary. But someonr blocked her view dahil ang natutulog niyang katabi, na isa sa kambal at hindi niya alam kung sino ay umunat ng upo, dahilan para matakpan ang view niya.
"Kainis!" Bulong niya na narinig ng katabi. Nilingon siya nito habang magkasalubong ang makakapal nitong mga kilay. And his eyes... looks like the deepest color of the ocean. Pero ang labis na ikinagulat niya ay ng suriin siya nito ng tingin mula sa mukha niya pababa at bigla nitong hinatak ang isa niyang braso at tinitigan.
"It's you." He just said while staring at her arm.
Hindi niya maintindihan kung anong it's you ang sinasabi nito pero nakaramdam siya ng kaunting kaba. For what reason, she doesn't know. Siguro dahil ngayon lang niya napagtuunan ng pansin ang dalawa niyang katabi na ito. O kaya naman ay dahil nawi-weirdohan siya sa ikinkilos nitong isa sa kambal na kaharap niya.
"Ano ba'ng sinasabi mo?" Pabulong niyang tanong at pabalik balik ang tingin niya rito sa prof nila. Namamahiya pa naman iyon ng estudyante.
"Yesterday. Parking lot. Jules." Putol putol nitong sabi.
"Stop flirting Dwight. The woman's off limits." Buling ng kakambal nito na nasa kanan niya. He seems nicer than the one on her left who's still holding her hand.
"I am not. And shut up Clyde." Pagsusungit nito sa kakambal na kitang kita niyang nakangisi lang habang nagdo-drawing lang sa notebook at tulad niya ay mukang hindi rin nakikinig.
So si Dwight ang nasa kaliwa niya at si Clyde naman ang nasa kanan. Okay.
"Yung kamay ko po." Parinig niya pero sa halip na bitawan siya ay nagulat siya sa biglang pagtayo nito.
Napahinto sa pagsasalita ang prof nila at napatingin sa kanila. Nanatili lang siyang nakaupo pero hawak pa rin ni Dwight ang kaliwang kamay niya gamit ang kanan nito. Tapos ay bigla nitong itinaas ang magkahawak nilang kamay.
"Sir!"
"What is it Mr. Telpace?"
"May I go out with Ms. Sandoval?"
BINABASA MO ANG
Marrying Dwight (DH 3 || Completed)
RomanceWhen she was broke and everything becomes a mess in her life, he came and saved her in exchange for being his dummy girlfriend. But their involvement became deeper when he asked her to marry him where she agrees because she felt safe with him beside...